Umayos ako ng upo habang pirming nakatanaw lang sa pagbuhos ng ulan sa labas. Paminsan-minsan ay nag-uusap sina Mary at Migz sa kalagitnaan ng aming biyahe.
"Bessy, sa 6th street ka 'di ba?" Pagkuha ni Mary sa atensyon ko. Kaagad ko naman siyang nilingon.
"Ah, sa may bus stop na lang ako bababa. Pupunta kasi ako sa condo ng pinsan ko sa may Hayward Bldg. Babalikan ko kasi 'yong sasakyan ko."
"Oh, I see! Sige ibaba ka na lang namin sa tapat ng Hayward. Papunta kasi kami sa condo ni Migz sa may Atlanta Suites." Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Pupunta silang dalawa sa condo ni Migz?
I remained speechless after that confirmation from Mary. Ang bago pa lang ng relasyon nila pagkatapos sumasama na agad si Mary sa condo ni Migz. Sabagay, gaano ko na ba talaga kakilala ang buong pagkatao ni Mary?
Napahigit ako ng isang malalim na buntong hininga.
"May ipapahiram lang kasi sa aking book si Migz about Human Anatomy," Sabay sulyap niya sa katabi.
"Magpapa-tutor na rin ako siguro sa kanya." Mary explained. She smiled sweetly afterwards.
I granted her a fake smile. "Ah talaga. Medyo nahirapan nga ako sa last topic natin do'n." I tried hard to sound more convincing.
As if naman pinanganak lang ako kahapon? Human Anatomy? Baka naman anatomy ng isa't isa ang pag-aaralan n'yong dalawa!
Nanatili na lang akong tahimik hanggang sa marating na namin ang tapat ng Hayward Bldg.
"Mauna na ako Bessy. Thanks, Migz!" Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa bago ako bumaba ng sasakyan.
"Okay, Bessy. See you tomorrow at school!"
***
Kanina pa panay ang pag-rant ko kay Jane tungkol sa mga nangyari kanina.
"Eh kasi naman po, sino ba ang nagsabi sa 'yo na magpaka-third wheel ka do'n sa dalawa?" ani Jane sa sarkastikong tono.
Ininom ko muna 'yong orange juice na nasa tabi ko.
"Ang lakas kasi ng ulan. Mas madali akong makakarating dito kung makikisakay ako sa kanila," sabi ko na lang. Kahit na ngayon ko lubos na nare-realize na maling-mali nga 'yong naging desisyon ko kanina.
"Mashaket ba bessy?" Panggagaya pa ni Jane sa paraan ng pagtawag ni Mary sa akin. Sabay paghalakhak ng tawa.
"Bahala na silang dalawa kung ano gusto nilang gawin!" Iritado kong sabi. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain ng fruit salad na gawa ni Jane.
"Sureness? Wala kang paki? Kahit mag-sex sila ngayong dalawa sa loob ng condo ni Migz?" Nanlaki ang mga mata ko. Halos maibuga ko na rin 'yong kinakain ko. Napainom tuloy ako bigla ng juice mula sa baso.
"Couz, it's inevitable to happen. They are two consenting adults with raging hormones. Tapos maulan pa ngayon. Ang sarap ng may kayakap!"
Napatakip tuloy ang mga kamay ko sa magkabila kong tainga.
Rumolyo ang mga mata ni Jane. Napailing na lang siya sabay sabi, "Hay! Iyan ang napapala ng mga babaeng pakipot!"
Halos hindi ako makatulog buong gabi na 'yon. Panay kasi ang isip ko sa kung anong milagrong ginagawa ngayon nina Migz at Mary sa condo.
On the next day, my friends were busy discussing the upcoming semestral break. In two weeks na lang kasi ay Finals na namin sa school
"Sa Hongkong na kasi tayo! Hongkong Disneyland tapos food trip ng mga Chinese food," si Cattleya. No'ng isang araw pa niya kami pinipilit sa plano niyang 'yon.
"Though I prefer Korea more, matatagalan naman kasi tayo sa pag-process ng Visa natin," si Irish naman.
I shifted my gaze. Hanggang sa mapadako ito sa labas ng classroom namin. Nakita ko si Migz na masuyong inalalayan si Mary sa paglalakad papunta rito sa Room 305. If I'm not mistaken ay mga textbooks ni Mary 'yong mga bitbit ni Migz. Mabilis akong nag-iwas ng tingin palayo sa dalawa.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
