Chapter 3 - Research

227 23 7
                                    

I was looking sideways. Pilit akong umiiwas ng tingin sa kanilang lahat.

"Mga kaibigan mo?" kuryosong tanong ni Migz sa akin. Napaangat ako ng tanaw sa kanya at mabilis na tumango.

"Yeah, sila 'yong mga kasabay ko kanina."

He nodded to acknowledge my reply.

"Alright, mauna na 'ko. See you around, Clare!" He bestowed a serene smile as he bid his farewell.

Napahigpit ang hawak ko sa dala kong plastic bag habang tinatanaw ko si Migz na naglalakad palabas ng William Bookstore.

Pawang laglag pa rin ang mga panga ng mga kaklase ko nang lapitan ako.

"O-M-G! Sissy, magkakilala kayo ni Migz?"palatak ni Irish sa akin. Napapailing na lang ako habang walang tigil sa pagngisi. Nagsimula na akong maglakad papunta sa mall's exit.

"Grabe ka, buong umaga namin siyang hinintay sa Starbucks kanina! Hindi mo man lang sinabi na magkakilala pala kayo!" dugtong pa ni Stacey. Sabay hampas sa kaliwa kong braso dala marahil ng labis na excitement.

"Ouch! Kailangan talaga nananakit Stacey! Si Migz lang 'yan! Kalma lang!" wika ko sa kanya habang rumorolyo ang magkabila kong mga mata.

Tila walang paki naman ang kausap ko. Parang maghuhugis-puso na nga yata ang mga mata niya kaka-kwento kay Migz.

Walang tigil ang paglilitanya nila hanggang sa makalabas na kami ng mall.

"Yes I know him. Iyong parents ko kasi sa SMC nagtatrabaho. Family friend namin sila."

Halos mag-twinkle ang mga mata ng mga babae kong kasama. Panay naman ismid sa kanila nina Lester at Alex.

Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan ni Alex ay hindi pa rin ako tinitigilan sa pag-i-interrogate ng mga ito.

"Grabe, so ano'ng paboritong food niya?" excited na tanong ni Stacey.

"Sissy, may girlfriend na ba siya?" si Irish naman.

Halos mahilo na ako sa dami ng mga tanong nila. Puro na lang talaga "Migz" ang topic namin sa buong byahe namin pabalik sa kanya-kanya naming dorm.

Mabuti na lang talaga at mauuna kami ni Mary sa pagbaba. Sa wakas ay mapapahinga na ang eardrums ko sa lakas ng pagtili at paulit-ulit na tanong ng mga babaeng kasama ko.

"Clare, are you close with Migz?" Natigilan ako sa itinanong na iyon ni Mary na kasabay ko sa paglalakad. Mabilis ko siyang nilingon.

Napaihip ako ng hangin mula sa aking bibig. Mabilis na nilipad ang mangilan-ngilan kong bangs. I tried to find the right words in order to aswer her question.

But I guess, I wasn't that good at sugarcoating the words that tried to escape from my mouth.

"Mary, huwag ka na ro'n. Sobrang babaero no'n!" Mary's pair of doe eyes suddenly widened.

Well, 'yon naman kasi talaga ang pagkakilala ko kay Migz. There's no single occasion that he didn't bring a date or a girlfriend.

No'ng New Year nga ibang babae ang isinama niya sa Stranford Hotel, samantalang no'ng Christmas break ay kumalat na girlfriend niya 'yong sikat na model na si Keira Ashton.

"Malapit na magkaibigan ang parents naming dalawa. I knew Migz since childhood. Kaya kung ako sa 'yo i-crush mo lang pero huwag mong seseryosohin!" diretso kong utas kay Mary.

Ilang block lang ang layo ng dorm niya sa akin. On my way back, sumagi na naman sa isip ko 'yong kakaibang ikinilos ni Migz kanina sa William bookstore.

***

I didn't know if I convinced Mary on our conversation yesterday. Pagdating ko kasi sa classroon ay puro "Migz" na naman ang naririnig kong topic nila nina Irish.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon