Chapter 22- Breakfast

288 24 10
                                    

Alas dos y media ang natanaw kong oras sa aking cellphone. Naging mailap na naman ang antok sa akin ngayong gabi. Masyado pa rin kasi akong nabibigla sa mga nangyayari.

Napapikit ako nang mariin nang bigla na namang sumagi sa isip ko 'yong nasayang na effort ni Mary kanina.

Akala namin ay hindi na siya titigil sa pag-iyak. Sina Alex at Paulene na lang ang nagtuloy ng candle light dinner date sa tabi ng dalampasigan.

Hindi ko alam kung sinadya ba ni Migz na takasan 'yong surprise dinner date na ihinanda ni Mary para sa kanilang dalawa. Pero sa tono niya kasi no'ng magkausap kami ay mahahalata na ang kanyang pagkadismaya. As if he will do anything to get rid of Mary. Kaya nga lang daw siya sumama sa out of town trip na ito ay dahil kasama ako.

Pagkagising ay agad na rin kaming naligo at nagbihis. I wore a cream colored floral swim swear. May nakapatong na puting cover up sa aking katawan.

Dumiretso na kami ng punta sa reception hall kung saan naroon 'yong buffet para sa agahan. Nakasabay ko si Paulene sa paglalakad. Bumagay sa kanya ang suot na aqua blue one piece swimsuit. Naglagay siya ng sarong sa baywang. Nakalugay ang kulot-kulot na brown niyang buhok.

"Sa tingin mo not in good terms 'yong dalawa?" Mabilis na kumunot ang aking noo dahil sa narinig.

"Si Migz at Mary parang hindi pa rin talaga sila okay pagkatapos no'ng pag-aaway nila noon sa Baguio," ani Paulene sa kumbinsidong tono. Hindi ako agad nakasagot.

"Kung ganyang binabalewala na ako ng boyfriend ko hindi na ako magdadalawang isip na hiwalayan siya!" dagdag pa niya. Mas sumeryoso ang kanyang ekspresyon.

"Nakwento rin sa 'kin ni Irish na napansin daw niya na kahapon pa hindi pinapansin ni Migz si Mary. Alam mo 'yon, 'yong parang wala na talaga sila. Kaya nga nagtataka sila kay Mary kung bakit todo effort pa rin ito para sa birthday ni Migz."

Alanganin akong umiling habang napapabuntong-hininga. Nahahalata na rin pala ng mga kabarkada namin ang ginagawang pagdistansya ni Migz kay Mary.

"Hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong pinag-awayan no'ng dalawa sa Baguio. Pero sa nakikita kong epekto kay Migz mukhang malala talaga 'yong naging puno't dulo ng away nila."

I bit my lower lip. Sina Irish at Stacey lang siguro ang sinabihan ni Mary ng dahilan ng pag-aaway nila ni Migz sa Baguio. Pagkatapos ay naikwento na lang siguro ni Irish kay Lester ang tungkol dito.

"Let's just wish them the best. Kung ano man 'yong problema nilang dalawa sa relasyon nila, sana mapag-usapan nila nang maayos," tanging nasabi ko kay Paulene.

Ang hirap talaga umakto na parang wala akong alam sa nangyayaring gusot sa pagitan nina Migz at Mary. Guilt started to crawl up again on my system. Hindi ko mapigilan na isipin na ako 'yong naging dahilan kung bakit nagkasira silang dalawa.

Pagkadating namin sa reception hall ay kumakain na 'yong ibang kabarkada namin.

"Clare, pila na kayo nina Paulene." Sabay turo ni Cattleya roon sa buffet.

"Susunod na lang daw sina Lester. Ang hirap nilang gisingin sa room nila. Tinanong ko nga si Migz, tulog pa rin daw hanggang ngayon."

"Oo nga. Si Alex nga pinauna na akong kumain. Kakagising lang daw niya," ani Paulene naman.

7:15 A.M. ang nakita kong oras sa aking relong pambisig.

Kumuha ako ng katamtamang dami ng sinangag, danggit at sunny side up egg. Binalikan na lang namin ni Paulene 'yong pakete ng Milo at Nescafe.

Habang kumukuha kami ng mainit na tubig sa dispenser ay napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko.

"Clare!"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon