Chapter 10 - Walk out

170 13 2
                                    

Napalingon ako sa biglaang pagdating nina Irish, Mary, Cattleya, Lester at Alex.

"Hindi na nakakapagtaka kung bakit absent ngayong araw si Migz!" palatak ni Irish. Kumunot ang noo ko. Mukhang narinig nila ang naging pag-uusap namin ni Stacey kanina.

"Sobrang gwapo mo, sobrang yaman mo pagkatapos babastedin ka sa harap ng maraming tao!" Deretsahan pa niyang utas. Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Napansin ko ang ginawang pagsiko ni Mary kay Irish pagkaraan ay agad niya akong tinabihan ng upo.

Tumahimik si Irish at humanap na lang ng pwedeng maupuan. Nagsisunuran sa kanya ang iba pa naming barkada. I think they changed their topic too.

"Don't worry about it, Bessy," Mary said in a manner that I can only hear. I tilted my head to face her fully.

"Just like what I've told you before, you just did the right thing!" Titig na titig ako sa kanyang mga mata habang sinasabi niya ang mga bagay na 'yon.

With her comforting words, my spirit should somehow be uplifted, right? She is a concerned friend. She only wants the best for me.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko ay tinatraydor niya ako sa mga sandaling ito? Marahan pang tinapik-tapik ni Mary ang aking kaliwang balikat

"I knew one day Migz will move on! One day he will find the right girl and he will forget about everything that happened last Friday!" aniya pa na siyang nakapagdulot ng kakaibang bigat sa aking dibdib.

"One day, Migz will fall in love with another girl and forget about his special feelings for you!" Tila siguradong-sigurado si Mary sa kanyang sinabi. Seryoso niya akong tinanaw pagkaraan ay ginawaran ako ng isang napakatamis na ngiti.

"At ikaw rin! If you want I can introduce you to my other group of friends. Who knows I can find you a match?" dugtong pa niya sabay pagkindat sa akin.
***
Hindi ko alam kung ako ba 'yong may problema o ano? Pagkatapos ko kasing mag-sleep over sa unit ng pinsan kong si Jane ay bigla na lang akong nakaramdam ng pagdududa sa ipinapakitang "concern" sa akin ni Mary. Kaya niya ba iyon ginagawa sa 'kin dahil iniisip niya ang kalagayan ko o dahil para may chance na silang dalawa ni Migz?

I was observing my best friend ever since. Napansin ko na mas naging palaayos siya ngayon. Kuntodo make-up parati. Nagpasama pa nga siya sa akin no'ng isang araw sa mall para magpa-Brazilian hair treatment. Wala rin siyang tigil sa pagrereto sa akin kung kani-kanino. Kung sino-sino na ngang kaibigan niyang lalaki ang may pending friend's request sa FB ko.

Madalas ko rin siyang nahuhuling napapangiti na lang ng mag-isa sa tuwing may text o ka-chat sa kanyang cellphone. I think Irish, Stacey and Cattleya knew about it too, kasi pinapakita pa ni Mary minsan sa kanila 'yong phone niya habang kinikilig. Pagkatapos kapag nakikita nilang palapit na ako ay iniiba na nilang bigla ang topic nila. They are all acting weird lately!

Dahil dito ay naging mailap ang loob ko kay Mary pati na rin sa iba ko pang mga kabarkada. Pagkatapos kasi ng insidente noong Biyernes ay hindi na ako nakaramdam ng sinseridad sa kanila. I tried to distant myself from them. Kagaya ngayon mag-isa lang akong nagpunta sa student study area. Free cut kasi sa isa naming subject. Inaya nila ako na roon kami sa Amiel's coffee shop gumawa ng assignment pero tumanggi na lang ako.

Pagkalapag ko ng backpack ko sa lamesa ay napasulyap ako roon sa dating pwesto ni Migz- kung saan ko siya naabutang nagre-review noon. Bakante ang pwestong iyon sa mga sandaling ito. Huwebes na ngayon at sa pagkakaalam ko ay hindi pa rin daw pumapasok si Migz.

Marahan kong kinuha sa loob ng aking bag 'yong libro at notebook ko. My thoughts were scattered while I was doing my assignment. Hindi ko kasi mapigilan na makaramdam ng guilt. Halos lahat ng faculty at estudyante ng Montreal University ay alam na running for cum laude si Migz. Sobrang focus niya sa pag-aaral. You will never heard him cutting class.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon