Pagkatapos naming mag-dinner ay pumasok na kami ni Cattleya sa loob ng aming silid. Naabutan namin si Mary na kumukuha ng mga toiletries at ilang damit niya mula sa dala niyang maleta.
"Hmm. Sleep over sa kabilang kwarto?" ani Cattleya na sinabayan ng paghagalpak ng tawa. Mary chuckled too.
I remained quiet while listening attentively to both of them.
"I wish someday may darating din na Migz sa buhay ko," dugtong pa ni Cattleya habang nagti-twinkle ang mga mata.
Hanggang sa makaalis si Mary ng room namin ay naging mailap sa akin ang mga salita.
At siyempre, napuyat na naman ako kakaisip kung ano ang ginagawa nina Migz at Mary sa kabilang kwarto.
Ginusto mong sumama rito sa Baguio, Clarette Amethyst! Pwes magdusa ka!
***
It was around 10:00 A.M. when we visited Mines View Park. Nasa 16 degrees ang lamig ng temperatura ngayon dito. Nakaka-relax pagmasdan 'yong maberdeng bulubundukin at 'yong paligid na puno ng mga pine trees.
Nakatulong 'yong magagandang view rito sa Baguio para makalimutan ko saglit 'yong naging anxiety ko kagabi.
We took groufie pictures. Nagpa-picture rin sina Mary at Irish habang may suot na traditional Igorot woman costume. Ipinatong nila ito sa suot nilang damit.
Pinilit kong huwag magpaapekto sa walang tigil na pag-PDA nina Migz at Mary. Kahit kasi mataas ang araw rito sa Baguio ay panay ang paghalik ni Mary sa pisngi ni Migz sa tuwing nag-aasaran sila o kung minsan ay nagtititigan sila. Hindi rin sila paawat sa pagho-holding hands at pag-aakbayan.
Grabe ibang klase! Magkasama na nga silang natulog kagabi!
Sumunod naming pinuntahan ang Burnham Park.
Kanya-kanyang grupo na kami pagdating doon sa boat ride. Si Cattleya at Lester ang kasama ko. By twos naman sina Alex at Paulene, Irish at Stacey at siyempre sina Migz at Mary.
Umiiwas na lang ako ng tingin sa tuwing nakakasalubong namin 'yong bangka nina Migz at Mary. Inabala ko na lang din ang sarili ko sa pagkuha ng mga picture.
Pagkatapos namin mag-boat ride ay may natanaw kaming isang ice cream vendor. Umorder kaming lahat ng strawberry flavored ice cream. Mabilis ding lumapit si Mary roon sa tindero. Nakasunod ng lakad si Migz sa kanya.
"Manong, two order po," magiliw niyang sabi sa tindero. Nilabas ni Migz 'yong wallet niya para kumuha ng pera.
Ilang sandali pa ay lumapit si Mary sa kinatatayuan namin nina Lester at Cattleya.
"Next stop natin sa Baguio Cathedral, sunod sa Botanical Garden, panghuli sa The Mansion. May gusto pa ba kayong puntahan bago tayo bumalik sa rest house nina Migz? Nagpahanda kasi si Migz ng lunch sa katiwala nila," aniya. Napatitig tuloy ako nang maigi sa pigura ni Mary habang abala siya sa pagsasalita.
Mamula-mula ang pisngi niya dahil sa lamig ng temperatura. Her eyes were full of vibrant. Siguro nga totoo 'yong kasabihan na mas nagiging blooming ang isang babae kapag inlove. I couldn't help but to get jealous again.
Patuloy lang silang nag-uusap nina Lester at Cattleya. Ilang sandali pa ay lumapit na sa gawi namin si Migz. May hawak siyang tatlong ice cream in cone. Iniabot niya iyon sa amin nina Mary at Cattleya. Pagkaraan ay bumalik siya ulit roon sa tindero upang kuhanin 'yong iba pang order.
In fairness kay Migz, marunong siyang makisama sa mga kabarkada namin. Kahit na bago pa lang naman ang relasyon nila ni Mary ay palagay na ang loob ng mga kaibigan ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
