Chapter 29 - A New Beginning

120 3 3
                                        

Alas singko pa lang ng madaling araw ay abala na kami nina Lola Sonya sa paghahanda ng almusal ng mga tauhan nila sa palayan. Panahon kasi ngayon ng pagtatanim ng palay. She said they were doing this since I was a kid. Masyado kasing nakapag-focus sina Mommy at Daddy sa trabaho nila sa ospital kaya madalang din nila ako maipasyal dito noon.

Maayos kong inilagay 'yong nilagang kamatis sa isang tupperwear. Paborito raw kasi na sawsawan ito ng mga tauhan nila sa ulam nilang pritong itlog, danggit at tuyo. Iyong pritong talong ay hiniwalay ko ng lalagyan. Tapos na rin lutoin ni Yaya Mildred 'yong sinangag.

Pagkamatay kasi ng parents ko ay naawa ako kay Yaya na mawalan siya ng trabaho. Kaya pinakiusapan ko sina Lolo Juan na kung pwede na rito na siya sa kanila manilbihan. May isa na rin kasi silang maids si Yaya Ising, iyon nga lang ay medyo may edad na rin ito.

"Magsuot ka ng sumbrero at mayamaya lang ay mataas na ang sikat ng araw, Clare," ani Lola Sonya. Kapansin-pansin na ang kulubot sa kanyang mukha. Seventy one years old na kasi siya samantalang si Lolo Juan ay Seventy five.

Nginitian ko siya at magiliw na tumugon. "Opo, Lola!"

"Magkakasya na po siguro itong mga dala naming pagkain, para hindi na kami ulit bumalik ni Yaya," sabi ko pa. Tinanguan ako ni Lola Sonya tanda ng pagsang-ayon niya.

Ilang saglit pa ay pumunta na kami ni Yaya Mildred sa palayan. Walking distance lang ito mula sa bahay nina Lolo Juan. I wore black leggings and floral blouse. Marami kasing damo sa dadaanan kaya dapat mahaba talaga 'yong susuotin mo kapag maglalakad ka rito.

Kakabungkal pa lang ng ilang palayan kaya puro lupa lang ang makikita sa ibang taniman. Doon sa kabilang dulo kasi sila magsimulang maglagay ng binhi ng palay.

Tumuloy kami ni Yaya Mildred sa isang kubo. Ito ang nagsisilbing pahingahan ng mga tauhan ng farm. Pinagala ko ang paningin ko sa paligid ng kabukiran. Sa kabilang dako matatagpuan iyong taniman ng kamatis, sa kabila naman 'yong taniman ng kalabasa. Marami pang iba't ibang variety ng gulay ang nakatanim dito sa lupain nina Lolo Juan. Iyong ibang ani nilang gulay ay pinangluluto nila samantalang iyong iba ay sinu-supply sa mga suki nila sa palengke ng Pulilan.

Habang nandito ako ay unti-unti ko ng natututunan ang takbo ng negosyo nina Lolo. I have to admit that I am enjoying it. Lingguhan ang payroll ng mga tauhan ng farm kaya't ako na rin ang nag-aasikaso noon.

Pagkatapos naming kumain ng agahan kasabay ang mga tauhan ay inayos na namin 'yong mga pinagkainan. It was around 8:30 AM when we came back at my grandparent's house.

Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Jane sa aking Messenger account.

"Hey couz, this weekend kami pupunta!" excited niyang saad mula sa kabilang linya.

"Okay, sino-sino kayo?"

"Ako, saka si Jake lang!" Pagtutukoy niya kay Kuya Jake na pinsan ni Migz. Hindi na ako nagulat no'ng una kong malaman na nagde-date silang dalawa. Minsan talaga parang gusto ko ng maniwala sa kasabihan na 'yong mga lalaki kaya ka palaging inaasar kasi crush ka.

"May ichi-chismis sana ako tungkol sa ex mo kaso baka masira na naman ang araw mo," dugtong pa niya. I became silent for a while.

Mag six months na rin mula nang dito ako manirahan sa Bulacan. Back then, pinutol ko na lahat ng means of communication namin ni Migz. I changed my cellphone number and I even deactivated all of my old social media accounts and created new accounts.

Sa tuwing tatawag si Jane at magsisimula pa lang ng kwento tungkol kay Migz ay kina-cut ko na siya agad. I really wanted to move on. Alam kong hindi madali pero wala akong ibang choice.

Pero this time, mukhang ayaw magpaawat sa pagiging Maritess ang pinsan ko. "Hindi pa rin pala natuloy ang kasal nina Migz at Mary. Ang balita pa ay pupunta raw si Mary sa States. Baka raw doon na itutuloy ang pagbubuntis."

Napaawang ang labi ko.

"Feeling ko talaga, Couz wala talagang balak magpakasal si Migz sa kanya." Hindi na lang ako umimik.

Whatever Migz reason is, I really don't care. It's their problem anyway. I promise myself that I won't let myself get involved with the two of them. Gusto ko na ng tahimik na buhay!

Hindi pa rin nagpapaawat ang pinsan ko kahit na kanina pa ako mukhang hindi interesado sa mga ikinikwento niya.

"Paano kung makipagbalikan si Migz sa 'yo? Couz, paano kung hindi naman niya talaga mahal si Mary? He just care for her because of the baby?"

Tumikhim muna ako bago sumagot sa kanya.

"Wala na talaga, Couz! Sobrang ang gulo ng sitwasyon naming tatlo. Kung magkabalikan man kami ni Migz andyan na 'yong responsibilidad niya bilang ama sa anak nila ni Mary. Hindi ko kaya na guguluhin kami lagi ni Mary dahil sa bata."

Mukhang nakumbinsi naman si Jane sa sinabi ko.

"Sabagay, mukhang psychotic pa naman 'yong babae na 'yon. Gagawin ang lahat makuha lang si Migz!"

"Maybe Migz and I are really not meant to be!" Seryoso kong sabi.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon