Chapter 2 - Heartthrob

398 23 2
                                        

Patuloy lang sa malakas na pagtambol ang dibdib ko. Mabuti na lang at nahanap ko agad 'yung main building ng College of Medicine. History and Perspective in Medicine ang first class ko.

Marami na ring estudyante ang pumapasok sa loob. The whole building was painted with light blue hue. Centralized aircon ang kabuuan ng gusali.

I pushed the third level button of the elevator. Mostly sa mga kasabay ko ay naka-civilian pa rin. Sa tingin ko ay mga freshman student din sila na gaya ko. Hinanap agad ng mga mata ko ang Room 305.

As I entered our classroom, nasa limang estudyante pa lang kami na nasa loob. I looked at my wristwatch and found out that it was only 7:15 AM. Alas-otso pa ang first class ko. Napaaga lang talaga ako ng alis.

Naupo ako sa tabi ng isang babaeng nakasuot ng pink lacey dress. She automatically beamed at me when our eyes met.

"Hi! Dito ka rin?" masigla niyang tanong.

I responded to her gesture with a sweet smile. "Yeah, I think we're classmates. I'm Clare nga pala!" Sabay abot ko ng aking kanang palad sa kanya. Nakipag-handshake naman siya sa akin.

"It's nice to meet you. I'm Marianella! Mary na lang!" masiglang pagpapakilala niya.

Kung ano ang kinabanal ng pangalan niya gano'n din ang physical appearance niya. She possessed an angelic face that could make any man break their neck just to get a glimpse of her beauty. Her skin is as white as snow. Kumpara sa akin na morena ang kutis.

I think she's about 5'7" tall. Sobrang tangos ng kanyang ilong at slim ang figure niya. Hindi ko na lang namalayan na napaawang na pala ang bibig ko dahil sa labis na paghanga ko kay Mary.

"Model ka ba Mary? Sobrang ganda mo kasi saka ang tangkad mo pa!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na purihin siya.

Her face became tickled-pink. Masyado yata siyang nahiya sa akin dahil sa mga sinabi ko.

"Yeah, actually I do some modelling stints during summer. Iyon nga lang nasa med school na ako. I don't think our schedule here will allow me to accept any modelling projects in the future." Her well versed reply. Napakurap-kurap ako habang nakapangalumbabang nakatanaw sa kanya.

Gosh she is so perfect! Tapos magme-medicine pa! Parang nasa kanya na yata lahat!

Labis talaga akong napahanga kay Mary. Nakakatulala kasi talaga 'yung ganda niya.

"I'm so happy that I found a friend on first day of school," aniya pa. I laughed a little.

"Oo nga mabuti na lang at nagkakilala tayong dalawa. Ang aga mo rin pumasok. Kaso 'di ba kadalasan kapag first day of school wala talagang prof na dumadating." Natatawa kong sabi. Mary giggled too.

"Kaya nga. But I am really studious saka wala rin naman akong ibang gagawin sa dorm."

We got busy getting to know each other lives. Ilang sandali pa ay nagsipagdatingan na rin ang iba pa naming kaklase.

We have met Irish, Cattleya, Stacey, Lester and Alex. Magkaklase na since college sina Irish at Stacey samantalang si Cattleya ay no'ng enrollment naman nila nakilala. Sina Lester at Alex naman ay nakita lang daw nilang pagala-gala sa may lobby kanina. Mukhang naliligaw din na gaya nila kaya't nagtanungan sila sa isa't isa kung saan ang Room 305.

As expected, hindi dumating ang prof namin for our first class kaya naman we still have forty five minutes vacant period. Tinignan ko 'yong parte ng braso ko na nahulugan ng higad kanina, wala naman itong pantal.

"Let's go to Starbucks na! I wanted to see my crush!" Sobrang kinikilig pa si Irish habang sinasabi 'yon sa amin.

"Are you talking about the guy whom we stalked at IG the other night?" Nangingislap ang mga mata ni Stacey habang sinasabi iyon. Marahang tumango si Irish biglang pagsang-ayon sa kanya. Ngising aso rin ito.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon