Pumasok agad ako sa loob ng pinakamalapit na cr habang habol ko ang aking hininga. Mabuti na lang at walang tao ngayon.
Mabilis kong binuksan ang gripo at binasa ng tubig ang aking mga kamay. Pagkatapos kong sabihin ang masasakit na salitang iyon kay Migz ay wala ng tigil sa pagtambol ng malakas ang aking dibdib.
Ilang sandali pa ay natanaw ko ang mga kabarkada kong babae na papasok sa nakabukas na pinto ng cr. Sinundan pala nila ako nang magtatakbo ako kanina. Kaagad akong nilapitan ni Mary at ginawaran ng isang mahigpit na yakap.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko.
"It's all right, Clare! You just did the right thing!" Pagpapakalma niya sa akin habang marahang tinatapik ang aking likod.
"Eventhough, sobrang napahiya si Migz sa ginawa mo pero tama lang 'yon para hindi na siya umasa pa!" si Irish naman.
Patuloy lang ako sa pagluha habang nakasandal ang ulo sa kaliwang balikat ni Mary.
"Grabe pala talaga 'yong pagkagusto sa 'yo ni Migz girl! Sa ginawa niyang proposal kanina halatang patay na patay talaga siya sa 'yo!"
Hindi ko na magawang umimik pa sa sinabing iyon ni Stacey. Sa totoo lang parang sasabog na ang utak ko dahil sa samu't saring mga iniisip.
Ilang minuto pa kaming namalagi roon. Nagdadalawang-isip kasi akong lumabas.
"Marami pa kayang tao sa labas?" kuryoso kong tanong sa kanila habang mugto pa rin ang mga mata.
Dahil sa ginawa kong "pagbasted" kay Migz kanina sa harap ng maraming estudyante at prof ay hindi malayong kumalat na sa buong Montreal University ang nakakahiyang pangyayaring iyon.
"Kaunti na lang siguro, just ignore them na lang kung may maririnig kang hindi maganda!" Mary gave me an assurance while smiling calmly at me.
Marahan ko siyang tinanguan sabay dampot sa backpack ko na nakalapag sa gilid ng lababo. Magkakasabay kaming lumabas ng cr ng mga kabarkada ko.
May mangilan-ngilang estudyante ang nasa gawi ng football field magpahanggang ngayon. I wonder kung sino-sino kaya sa kanila ang nakasaksi sa mga naganap kanina?
Tinahak na namin ang daan papuntang parking lot. Sa di-kalayuan ay may napansin si Cattleya na isang pabilog na basurahan kung saan may itinapong bouquet. Nakaramdam na naman ako ng panghihina nang ma-realize ko na 'yon ang mga bulaklak na iniabot sa akin ni Migz kanina.
Para pa rin akong nakalutang hanggang sa makapasok ako sa loob ng aking sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Guilt started to crawl throughout my system.
My God, Clare! You just dumped Migz...
And you dumped him in front of the whole school!
It is not the first time that I rejected a suitor but this one is the most painful rejection I made to someone. I knew the bruises I gave Migz will cause a very deep scar. And I couldn't help but feel guilty over and over again!
Hindi ako 'yong nabasted pero bakit parang ako 'yong nagkaroon ng malaking trauma?
Pinaharurot ko ang aking sasakyan palabas ng gate ng Montreal University. As I was driving naramdaman ko na naman 'yong panginginig ng mga kalamnan ko. My God, I just humiliate Migz in front of everyone!
Sa sobrang pagkatuliro ng isip ko ay hindi na ako dumiretso ng uwi sa dorm. Doon ako dumiretso sa condo ng pinsan kong si Jane. Mabuti na lang at nakauwi na siya sa unit niya pagdating ko.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomansaSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
