Hindi ako makagalaw. Para bang tuluyan ng tinakasan ng lakas ang katawan ko. Nanatili lang akong nakatayo sa harap nilang tatlo. Tulala at walang reaksyon.
"Kung sa tingin mo Clare, sa 'yo na si Migz. Na naagaw mo na siya sa 'kin! Sana isipin mo 'tong bata!" May halong panunumbat na saad ni Mary.
My shoulders began to shake. Afterwards, my tears started to cascade down my face.
"We need Migz right now!" dugtong pa ni Mary.Naramdaman ko ang paglapit ni Migz sa likuran ko.
I was about to make a response to Mary. Pero tila may kung anong bumara sa lalamunan ko. Siguro dahil bigla akong inusig ng kunsensya ko.
Tama bang ipaglaban ko pa 'yong pagmamahal ko kay Migz ngayong may bata ng involve?
Nangyari na 'yong bagay na kinakatakutan ko nitong nakaraang araw. Halos ipagsigawan na nga ni Mary iyon sa harap ko. She already confirmed that she was pregnant with Migz child! Maatim ko ba na may isang bata na lumaking walang ama?
Marahang nilapitan ni Mary si Migz na ngayon ay pirming nakatayo sa aking likuran. She gently held his one arm.
"Migz, me and your child needs you!" Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang butil ng luha na umusbong sa mga mata ni Mary habang sinasabi iyon.
Walang imik si Migz. Nakayuko lang siya habang nakatuon ang mga mata sa kamay ni Mary na nakahawak sa braso niya. Parang hindi pa nag-si-sink in sa kanya 'yong mga sinabi ni Mary.
Sa bawat segundo na pinagmamasdan ko silang dalawa ay mas lalong bumibigat ang batong tila kanina pa nakadagan sa dibdib ko.
Wala na akong ibang naisip gawin kungdi ang takasan ang masalimuot naming sitwasyon. Tinalikuran ko sila at nagsimula na akong maglakad palayo.
Nakakailang hakbang pa lang ako ay may naramdaman na akong matitipunong braso na mabilis na yumakap sa katawan ko.
"Clare, please don't leave me!" Migz said under his breath.
Napatigil tuloy ako sa aking paglalakad.
"Migz, mag-usap kayo ni Mary. If she's really pregnant with your child. Kailangan mong harapin 'yon. Kailangan mo siyang panagutan!" Matigas kong wika. Migz got caught off guard. I heard his heavy breathing.
Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya naman mabilis akong naglakad papalayo.
I rushed into the corridor. I immediately pushed the down arrow in the elevator. Pagkapasok ko sa loob ay roon na tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko.
Hanggang dito na nga lang siguro kami ni Migz! Baka hindi talaga kami. Baka kailangan ko ng kalimutan ang lahat.
Mabuti na lang at wala akong ibang kasakay ngayon. Sobrang nakakaawa kasi tignan 'yong itsura ko mula sa repleksyon ko rito sa loob ng elevator. Mugto 'yong mga mata ko at kumalat na rin 'yong mascara ko.
Dire-diretso lang 'yong lakad ko hanggang sa makalabas na ako sa main door ng Atlanta Suites.
Papunta na sana ako sa taxi area ng may maramdaman akong humahabol sa akin mula sa aking likuran. Napatigil ako sa paglalakad. Paglingon ko ay nakita ko si Migz na tumatakbo papalapit sa 'kin.
I cast a deep sigh. Hinarap niya ako gamit ang malulungkot na mga mata.
"Clare, please don't leave me!" Taos puso na naman niyang pagsusumamo. Unti-unti na ring naglaglagan ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Pwede ko namang suportahan na lang 'yong anak namin. Clare, please tell me. We are not breaking up!" Migz uttered in a weak and hoarsed voice.
I couldn't contain my emotions too. Wala na rin akong tigil sa pag-iyak. Hanggang sa unti-unting lumuhod si Migz sa harapan ko. Napapatingin na sa direksyon namin ang mga taong nagdadaan.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...