Inaya na ako ni Cattleya na pumasok sa loob ng kotse ni Lester. Abalang nag-uusap ang dalawa naming lalaking kabarkada sa harap habang tumatakbo ang aming sasakyan.
"Bakit pala roon sumakay sina Mary sa sasakyan ni Migz?" kuryoso kong tanong kay Cattleya. She was busy fidgeting on her phone. She glanced at me once before she made a reply.
"Parang sinundo yata ni Migz si Mary." Walang ganang tugon ng aking katabi.
My eyes nearly went out from its socket. Sinundo ni Migz si Mary?
Balak ko pa sanang dugtungan ang sinabi ko pero mukhang sobrang importante kasi ng ka-chat ni Cattleya sa Messenger kaya hindi ko na nagawang mag-follow up question sa kanya.
Naging palaisipan sa akin hanggang sa makarating ako sa dorm ko ang mga sinabi ni Cattleya.
Bakit naman susunduin ni Migz si Mary?
Are they "that" close?
Mabuti na lang at always ready si Jane sa tuwing tinatawagan ko siya sa Messenger. Hindi ko na nga nagawang magpalit ng uniform.
"Baka nga kasi they are working on it behind your back." Jane's concrete answer. I was tapping my fingers on the cemented railings on my veranda. Pirming nakatanaw ako sa mga tanawin sa labas ng dorm ko.
"Hindi nga ako nagkamali ng hinala 'di ba. Iyang Mary na 'yan naghihintay lang 'yan ng tiyempo para agawin si Migz sa 'yo!"
Ilang segundo rin ang lumipas bago ko nagawang sagutin ang sinabing iyon ng aking pinsan.
"Wala pa naman akong proof kung nililigawan ba ni Migz si Mary. Pwede namang nagkataon lang na nagkita sila kanina sa SMC."
"Basta mag-ingat ka sa mga Orocan friends mo, okay! By the way nag-invite pala si Jake sa birthday party ng kuya niya." I raised an eyebrow lalo pa at mukhang nag-twinkle ang mga mata ni Jane habang sinasabi iyon.
"Plinano ko talaga na isama kita pagpunta ko ro'n. Pinsang buo ni Migz sina Cyrus at Jake remember? Eto na 'yong chance mo na makausap si Migz. Buti na lang at close ako sa circle nila. Kahit pala sira ulo 'tong si Jake ay mapapakinabangan ko rin naman minsan," dugtong pa ni Jane habang panay ang tawa.
Ang alam ko ay magkaklase sina Jane at Jake no'ng highschool. Kaya nga naging ultimate crush niya si Kuya Cyrus dahil madalas niya itong makita noon sa tuwing pumupunta sila sa bahay nina Kuya Jake.
"Mag-i-ingat ka na lang kay Mary lalo na at kapag si Migz ang topic. Alam mo na. Kaya nga sinabing ang tunog ng ahas ay hindi na Sss... Sss... kundi Besss... Besss... na!" aniya pa sabay paghagalpak na naman ng tawa.
Hanggang sa pagtulog ko ay iniisip ko pa rin 'yong ginawang paghatid ni Migz kina Mary kanina. Kahit na binalaan na kasi ako ni Jane tungkol dito ay hindi pa rin kasi ako makapaniwala na kayang gawin ni Mary sa akin 'yong gano'ng bagay.
Kaya ba ang aloof nilang lahat sa akin these past few days?
Ayaw ba nilang malaman ko kung ano mang mayroon sa pagitan nina Migz at Mary?
Kaya naman pagpasok ko sa school kinabukasan ay naglakas-loob akong tanungin si Mary tungkol dito.
Apat pa lang kami sa loob ng classroom. Mabuti na lang at wala pa 'yong iba naming kabarkada para mas makapag-usap kami ng maayos at pribado.
I tried to compose myself before I spoke. "Bessy, bakit nga pala sa sasakyan ni Migz kayo sumakay kahapon?"
Napaawang ang bibig niya. Halatang nabigla si Mary dahil sa mga itinanong ko. Pero mabilis din naman siyang tumugon.
"Pauwi na rin daw kasi siya saktong nagkita-kita kami sa may lobby ng SMC," deretso niyang sabi.
Maagap naman akong tumango. I acknowledged her reply eventhough at the back of my mind I knew that there is something that Mary is hiding from me.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...