I was caught off guard. Ilang minuto yatang nag-loading ang isip ko.
Ilang sandali pa ay nilapitan ako ni Mary. She kissed me on my right cheek and hugged me tightly.
"I'm glad that your here, Bessy!" She seemed so delighted as she said those words. Tila ba walang pagsidlan ang nararamdaman niyang kaligayahan.
Nanatili lang akong walang imik. Parang naestatwa na nga ako sa aking kinatatayuan.
Mary pursed her lips as she continued, "I was about to tell you but..." Pero hindi na niya nagawang tapusin pa ang sasabihin niya dahil lumapit na sa aming dalawa si Tita Rhoda.
"Do you know each other, Clare?" Magiliw na tanong ni Tita Rhoda. Tila roon lang ako natauhan.
Napakurap-kurap muna ako bago sumagot. "Yes, Tita. Magkaklase po kaming dalawa ni Mary," sabi ko hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa kinatatayuan ni Migz. Unti-unti siyang nagbaba ng tingin nang magtama ang mata naming dalawa.
"It's good to hear that." Nangingiti pang saad ni Tita Rhoda.
"Actually Tita, I considered Clare as my bestfriend." Napalunok akong bigla sa sinabing iyon ni Mary. Napatagal ang pagtitig ko sa kanya.
Bestfriend my a*s! After doing all of these sh*t behind my back, pagkatapos tatawagin pa akong bestfriend ng ahas na 'to!
I gritted my teeth due to annoyance. Still, I tried hard to hold my temper. This is not the right time to blow my anger to Mary.
Nagpaalam sila saglit sa amin upang pumunta ng dining room. Naiwan kaming dalawa ni Tita Rhoda sa sala.
"I didn't know that you are Mary's best friend. It's the first time that Migz took a girl home. Kilala mo naman 'yong ibang dine-date ni Migz. Hindi naman niya formally na ipinapakilala talaga 'yon sa amin as his girlfriend. I mean, except on you hija. Nagsabi rin siya sa amin noon na liligawan ka niya pero 'yon nga lang it seemed that you are not interested with my son." Tita Rhoda explained in a manner that only the two of us could hear.
"I think he's serious this time. Kaya mabuti na lang din at kakilala mo si Mary. Ano bang masasabi mo sa kanya? Is she nice?"
Pinanlamigan ako bigla dahil sa itinanong na iyon ni Tita Rhoda. Just like me, only child din kasi si Migz. Alam ko kung gaano siya ka-protective kay Migz kahit na noong mga bata pa kami. Siguro this time, gusto lang din makilatis nang mabuti ni Tita Rhoda si Mary.
If I'm only that selfish, sasabihin ko na kay Tita Rhoda 'yong totoo. Na trinaydor ako ni Mary. Na ginamit niya 'yong pagiging magkaibigan namin para i-manipulate 'yong feelings ko. But I'm better than that. Hindi ko siya gagantihan sa ganoong paraan. I wont use my closeness with Migz mom at my advantage.
"She's nice, Tita. Besides, she's one of the top students in our class. Her family owned the popular buffet restaurant- The King's Buffet." Tita Rhoda flaunted a jovial smile after hearing that.
"It's good to hear that. You know I only want the best for Migz. Lalong-lalo na sa babaeng makakasama niya sa future. Alam kong masyado pang maaga para isipin 'yon. Pero alam 'yon ng Mommy mo. Bata pa lang kayong dalawa ni Migz ay wala na kaming ibang inisip kungdi ang magandang kinabukasan n'yong dalawa. We almost come to the extent of pairing the two of you. Makasigurado lang kami sa pagkatao ng makakatuluyan ng mga anak namin." Napahalakhak pa si Tita Rhoda habang sinasabi iyon.
"But I guess thats the only thing that we can't force, hija..." Napatitig ako nang matagal kay Tita Rhoda.
"Hindi natin kayang pilitin ang puso natin kung kanino ba ito titibok. It may sound cheesy but I knew one day you'll find the right one for you." Hindi ko nagawang sagutin ang sinabing iyon ni Tita Rhoda.

BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...