Chapter 28 - Moving On

351 18 6
                                        

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko na alam kung anong oras ba kami nakarating ng St. Agustine Medical Center. Sa pagkakatanda ko ay tinawagan ko kaagad ang pinsan kong si Jane upang ibalita sa kanya ang nangyari. Dagli naman akong dinamayan ng aking pinsan. Hinintay muna naming makarating sa dorm ko sina Tita Irene at Tito Boyet. Sa sasakyan nila kami sumakay papuntang Sagada. Susunod na lang daw sa amin sina Kuya Jasper at ang parents niya.

Tulala lang akong nakatanaw sa dalawang ataol sa aking harapan. Life is really short! Sa isang iglap lang naging ulila na ako!

Hindi ko na rin alam kung paano ko kinakaya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay ko. I was so drowned on my problems with Migz, the last time. Hindi pa rin ako makapaniwala na mas may sasakit pala roon. Mabilis kong pinalis ang mga luha kong nag-umpisa na namang magbagsakan.

Ito na ba 'yong kabayaran sa lahat ng naging kasalanan ko kay Mary?

Napahigit ako ng isang malalim na buntong hininga. I couldn't help but to regret what happen last Sunday! Sana umuwi pa rin ako sa bahay namin! Who would have thought na iyon na pala ang huling paghatid ko sa parents ko? Sana ay nakapagpaalam ako sa pag-alis nina Mommy. Sana ay nayakap ko sila nang mahigpit ni Daddy. Kasi iyon na pala 'yong huling oras na magiging buo kaming pamilya.

Bumaha ng pakikiramay sa tatlong gabi ng burol ng parents ko. Paulit-ulit akong nakaririnig ng papuri sa kabayanihan nila. Naaksidente sila sa gitna ng isinasagawa nilang medical mission. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing may nakakausap akong naging pasyente nila na labis na nagpapasalamat dahil natulungan sila sa larangan ng medisina.

People kept giving their condolences and uttering their comforting words. But at the end of day, kapag ako na lang mag-isa, kapag nakaalis na 'yong mga bisita. I couldn't help but to feel miserable. I was so broken inside. I was crying non-stop in front of my parents' coffin.

Paano na 'ko ngayon? Wala na ang parents ko. Mag-isa na lang ako sa buhay. Sino na ang mag-aalaga sa akin? How will I continue with my life?

Sa pagdaan ng mga araw mas nahihirapan akong tanggapin 'yong reyalidad na mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Hindi ako iniiwan sa tabi ko ng mga kapatid nina Mommy at Daddy, gayundin ng aking mga pinsan. Ngunit pagkatapos ng burol saan na ako uuwing pamilya? Sino na 'yong makakasama ko sa bahay?

On the last night of my parents' wake, hindi ko naman talaga in-expect na pupunta pa sila. Tito Armando and Tita Rhoda were both wearing white polo and blouse as they give respect to my parents. Napaiwas ako nang tingin pagkatanaw ko sa kanila sa harapan. Naalala ko lang kasi bigla si Migz.

Dahil sa sobrang pagdadalamhati ko sa pagkamatay ng parents ko bahagyang natabunan na nito 'yong pagkawasak ng puso ko dahil kina Migz at Mary.

Tinabihan ako nang upo ni Tita Rhoda. Halos puno na 'yong chapel dahil huling gabi na rin ng lamay.

"My condolences, Clare!" She gently held my hand. Tinignan ko siya nang mariin. Somehow, I could feel her sincerity. Malalim naman talaga ang naging pagkakaibigan nila ni Mommy. Kungdi lang talaga dumating 'yong problema sa'min ni Migz. I wasn't sure kung naibalita ba ni Tita Rhoda kay Mommy 'yong nangyari nang buhay pa ito.

"Sobrang nabigla kami sa nangyari sa parents mo. Kakagaling lang kasi namin ng States last week, kasama rin dapat nila kami sa Medical Mission." Hindi na napigilan ni Tita Rhoda ang pagpatak ng mga luha niya.

"Gusto sanang pumunta ni Migz." Nabigla ako sa sinabing iyon ni Tita Rhoda. Napayuko tuloy ako. I just watched my knotted fingers on my lap.

"Actually, no'ng Huwebes ka pa niya gustong puntahan pero pinigilan na lang namin ng Daddy niya."

Nanlambot ako sa narinig. Hanggang ngayon na lamay ng mga magulang ko, pinagbabawalan pa rin siya nina Tita Rhoda.

"Ayokong pag-awayan pa nila 'yon ni Mary. Medyo maselan ang pagbubuntis niya." Napaangat ako ng ulo at muli siyang tinanaw.

"Clare, I wanted to be honest with you. I knew that Migz loves you! But he has a responsibility to Mary, to his child." Muli na namang nangilid ang mga luha ko.

"Sana kalimutan mo na lang ang anak ako. Makakahanap ka pa ng iba na mas higit kay Migz." Hindi ko na mapigilan ang malayang pagbabagsakan ng mga luha ko.Dobleng pait at sakit ang nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. I really felt so alone.

I drank straight the bottled water in front of me. Kahit paano ay baka maibsan nito 'yong mapait na nakabara sa lalamunan ko. Tita Rhoda continued with her words. Sa kabila ng pagkahilam ko sa sarili kong mga luha ay pinipilit ko na lang intindihin ang mga sinasabi niya.

"Pinag-usapan na rin namin ito ni Armando noong nakaraan." Mataman kong tinanaw si Tita Rhoda.

"We decided to finance your college education. Alam kong matutuwa ang parents mo kung makakapagtapos ka pa rin ng pag-aaral." I pursed my lips and tried to grant her a smile.

"Thank you, Tita! But I'm not sure if I can still continue with Med School!" I said with certainty.

"Sa dami po kasi ng dumating na pagsubok. Hindi ko alam kung makakapag-concentrate pa ba ako sa pag-aaral."

I was sure of it. Sa kabila ng lahat ng nangyari, Med School just giving me tons of lonesome memories. Sa Med School naalala ko ang mga magulang ko na parehong doktor, na namatay dahil sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin-ang sumagip ng buhay. Sa Med School maaalala ko ang pagtataksil sa akin ng mga itinuring kong kaibigan. Sa Med School maalala ko si Migz at Mary at ang masalimuot na relasyon naming tatlo!

I just want to start all over again! I want to start a new chapter in my life!

***

Isang linggo na ang nakakaraan ng nailibing ang parents ko. Sa bahay muna nina Tita Irene ako pansamantalang umuuwi. Hindi ko na kasi talaga kayang uwian 'yong bahay namin sa Woodland Heights.

Halos gabi-gabi akong walang tigil sa pag-iyak. I was mourning for my parents. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na wala na sila. Nagdesisyon na rin akong i-drop ang lahat ng subjects ko sa school. Buo na talaga ang desisyon ko na tumigil na sa Med School. At hindi ko alam kung maiisipan ko pang bumalik.

Tinulungan ako ni Jane kahapon na asikasuhin 'yong pakikipag-usap sa trucking company na siyang maghahakot ng mga gamit namin mula sa luma naming bahay. I decided to sell our house. Malaking tulong din para sa akin 'yong perang pagbebentahan ng aming bahay. I need to save for my future. Though malaking pera ang naiwan sa akin ng mga magulang ko, kailangan ko pa ring mag-ipon. Ayoko rin naman na umasa sa mga kapatid ng parents ko. May mga sariling pamilya din naman sila. Habang dumadaan ang mga araw mas lalong nagsi-sink sa akin ang reyalidad na mag-isa na lang talaga ako sa buhay.

If I didn't save now I will be broke. I will failed on my own. Kaya kailangan kong ayusin at pag-isipang mabuti ang mga desisyong gagawin ko sa buhay.

I decided to live in my mom's province-sa Bulacan. I will be living with my grandparents who owned hectares of farmland. Bukod sa sariwa ang hangin sa probinsya, hindi rin naman ito masyadong malayo sa Maynila kaya't mabibisita ko pa rin naman paminsan-minsan ang mga pinsan ko at mga kaibigan.

I need to move on kahit mahirap...

Alam kong sa kabilang buhay ay magiging masaya sila para sa akin kung magiging matagumpay pa rin ako sa hinaharap.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon