Masuyo kong sinuklay ang hanggang balikat kong buhok habang nakaharap sa salamin. Katatapos ko lang magpahid ng night cream sa aking mukha. Despite of not having a fair skin, my skin is clear. Isa ito sa mga asset ko na kinaiinggitan ni Jane. Mestisa kasi siya pero taghiyawatin.
Kakatapos lang din naming mag-video call kanina. Next time raw ay kaming dalawa naman ang mamasyal dito sa Sydney.
Ilang beses na tumunog ang doorbel. Matamis na ngiti ni Mommy ang bumungad sa akin pagkabukas ko sa pinto.
I smiled back at her. "Hija, nakaayos na ba ang bagahe mo?"
Naupo kami ni Mommy sa ibabaw ng kama. Tinulungan niya akong suklayin ang aking buhok.
"Yes, Ma. Inayos ko na po kanina pagdating natin."
We visited the The Sydney Opera House this afternoon. No'ng isang araw naman ay pinuntahan namin ang bahay ni Ninang Thelma. Nag-migrate na kasi ang pamilya niya rito no'ng makapagtrabaho siya sa isang ospital.
"Thanks again for coming with us on this trip, hija. Akala namin ng Daddy mo ay hindi ka makakasama dahil baka may ibang lakad kayo ng mga kaibigan mo ngayong sem break. It means a lot to us, hija." She said delightedly. Her eyes were happy.
Ginawaran ako ni Mommy ng isang mahigpit na yakap. I tightened our hug.
"I really enjoyed our vacation trip, Ma! Siyempre po mas pipiliin ko na makasama kayong dalawa ni Daddy kesa sa ibang lakad ko ngayong sem break," I said without hesitation.
Kumpara sa ibang bata na mas gustong kumawala sa parents nila, ako naman mas gusto kong makasama sa bakasyon ang parents ko. Kahit nga 'yong pagtira ko sa dorm ay pinag-isipan ko pa dahil hindi talaga ako sanay na madalang silang makita.
Pinatakan ni Mommy ng isang pinong halik ang aking noo.
"Thanks, hija." She uttered as she patted the back of my head.
"By the way nakita ko pala kanina 'yong mga naka-tag na picture sa 'yo no'ng nag-Baguio kayong magkakaibigan. I saw Migz too. Mayroon din akong nakitang isang babaeng nakaakbay sa kanya. Magkakasama pala kayo sa Baguio?" My mother asked as she creased her forehead.
I flaunted a thrift smile. "Oo, Ma. Hindi ko lang yata nakwento sa 'yo dati. Girlfriend po kasi ni Migz si Mary. Kaklase ko po siya sa Med School". Marahang tumango si Mommy pero bakas pa din sa pigura niya ang labis na pagtataka.
"Girlfriend siya ni Migz, hija?" Kuryosong tanong ni Mommy.
"Yes, Ma," kaswal kong sagot.
"I see... Okay ka lang naman, hija?" My mother asked with a trace of mocking smile.
"Ma, ano ka ba?" sabi ko habang rumorolyo ang mga mata.
"I'm just kidding, hija. Sayang talaga akala ko pa naman ay magiging mag-balae kami ng Tita Rhoda mo." Natatawa pang saad ni Mommy. Hindi ko na rin mapigilan na mapangiti.
"I just wish the best for them, Ma." I uttered calmly. I wanted to cross my finger after saying those words. Kung alam lang ni Mommy ang totoo. Somehow nagtataka rin ako sa mga itinanong ni Mommy sa akin.
Am I that transparent? Nahahalata na ba ni Mommy na may special feelings na rin ako para kay Migz?
***
Patapos na ang sem break nang makabalik kami ng Pilipinas. Last week pa nakapag-enroll for the second sem ang mga kabarkada ko. Pinapayagan naman ang late enrollee sa school kaya bukas na lang ako pupunta para mag-process.
Kinabukasan ay inutusan ako ni Mommy na dalhin kina Tita Rhoda 'yong pasalubong na binili niya. Laking gulat ko nang matanaw ko sina Tita Rhoda at Mary na masayang nag-uusap sa may sala.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomantizmSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
