Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ni Daddy pagkatapos kaming salubungin ng Mommy ko sa exit ng PICC plenary hall. Ngayon kasi ang araw ng aking pagtatapos sa kursong BS Biology.
"I'm so proud of you Clare!" magiliw na bati sa akin ni Daddy.
"This is just the first step hija! I'm glad that you also passed the NMAT!" si Mommy na tila walang pagsidlan ang nararamdamang saya.
Both of my parents wanted me to go to Med School after college. I am their only child. It will really break their heart if I didn't become a doctor just like them.
My mother is a pediatrician while my father is a well known neurosurgeon in the country. Labag man sa loob ko na mag-take ng pre-med courses noong college wala na akong choice.
Abala ako ngayon sa pag-iimpake ng aking mga gamit katulong ang pinsan kong si Jane. By next week kasi ay lilipat na ako sa dorm malapit sa Montreal University.
"Sure ka na ba talaga couz? Ilang taon ka na namang magsusunog ng kilay niyan! Hindi ka ba nagsasawang mag-aral?" kuryosong tanong sa akin ng pinsan ko. She chew the Pringles loudly.
Inayos ko ang pagkaka-lock ng aking maleta saka siya nilingon.
"Do I have a choice?" I answered automatically.
Jane kept on rolling her eyes at me. "Of all the medical field naman 'no, Pediatric pa talaga? Hindi ka nga sanay kumarga ng bata e! Iyong anak nga ni Kuya Wilson isang beses mo lang kinarga 'yon napilayan pa!"
"My Mom will be the happiest kung magiging pediatrician din akong kagaya niya," paglalahad ko habang umaayos ng upo sa kama.
Nagkibit-balikat na lang si Jane at sumubong muli ng Pringles.
"Paano naman 'yung gusto mo? Di 'ba bata pa lang tayo lagi mo ng sinasabi sa akin na gusto mong magkaroon ng sarili mong photo studio?"
I shook my head lightly.
"I really don't have a choice. Isang anak lang ako. Parang wala naman akong puso kung hindi ko pa susundin ang gusto ng parents ko!"
My cousin and I just continued munching the chips. Inubos na lang namin ang buong maghapon sa panonood ng mga movies sa Netflix.
***
I'm so thankful for an affluent life, my parents can afford a solo room for me. Hindi naman sa sobrang arte ko. Dahil na rin siguro sa pagiging only child ko kaya hindi lang talaga ako sanay na may kahating tumira sa isang kwarto.
Maaga akong gumising kanina, first day of school na ngayon. Alam ko namang bihira ang mga prof na pumapasok sa unang araw ng klase pero pumasok pa rin ko on time. I wanted to get familiarize with my school.
Mostly sa mga kaklase ko noong college ay nagtatrabaho na kaya wala akong kaklase na nag-aral dito sa MU. Iyong iba kasi na magtutuloy sa med school ay sa ibang university nag-enroll dahil masyado nga raw mahal ang tuition fee rito.
The cool morning breeze embraced me as I entered the main gate. Hindi ko na ginamit ang aking sasakyan papunta rito. Gusto ko kasi talaga ma-familiarize rito sa MU kaya mas pinili ko na lang na maglakad tutal walking distance lang naman kasi ito mula sa dorm ko. I wore tattered jeans and white blouse. I matched it with my black Chuck Taylor shoes.
Kaliwa't kanan ang mga estudyante sa paglalakad. Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin sa kabuuan ng campus. Marami rin kasing puno sa paligid. Napahanga ako sa napakalawak na football field ng school na aking nadaanan. No wonder ginagamit na venue ito sa MCAA.
Kamuntik na akong matalisod nang matanaw ko sa di-kalayuan ang taong iniiwasan ko na makita rito sa MU. Walang iba kungdi si Juan Miguel Sandoval!
Mas nabanaag ang kulay brown niyang mga mata nang matamaan ito ng sikat ng araw. He has a fair complexion. I think he is about 6 feet tall.
BINABASA MO ANG
So Into You
Roman d'amourSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
