A/N: This is the last chapter. Salamat po sa lahat ng matiyagang naghihintay sa update nitong story. My apology to all of you kasi ito na yata 'yong pinakanatagalan kong natapos kasi andami talagang naging aberya along the way. Hopefully, I can update regularly this 2023 for my upcoming story "Meant to be." I really appreciate all of your support. I-try ko po pala makagawa ng Special Chapter nito, pero baka mauna ko munang i-post 'yong ilang chapters ng "Meant to be." Happy New Year to everyone!
***
On that same week ay bumalik na ako sa Bulacan. Sa sasakyan ni Migz ako sumakay upang maihatid niya ako sa bahay nina Lolo Juan.
It was a three hour drive. Medyo natrapik lang kami sa may Mc Arthur highway dahil may ginagawang kalsada sa may bandang Malolos. Panay mabeberdeng palayan at taniman ng gulay ang matatanaw mo sa paligid na tinatahak ng sasakyan namin. Ilang minuto pa ay narating na namin ang bahay ng grand parents ko. Nagmano kami agad ni Migz kina Lolo at Lola.
"Hija, kumain na ba kayo ng tanghalian?" Magiliw na tanong sa akin ni Lola Sonya. Napatingin tuloy ako sa may wall clock. Ganap na palang alas dose ng tanghali.
"Hindi pa po Lola." Napansin ko na kapwa sila nakatingin ngayon ni Lolo Juan sa katabi ko.
"Ah, si Migz nga po pala. Kaibigan ko." Medyo nahihiya kong sabi sa kanila.
"It's nice to meet you po." Medyo nag-aalangan pang bati ni Migz sa kanila. I think Migz just wants to break the ice. Though, he looked attractive in his pair of black polo shirt and dark blue denim.
Migz continued, "Clare and I were childhood friends. We also attended the same school from where she took Medicine."
My grandparents smiled at Migz cheerfully. Mukhang nagustuhan naman nila si Migz.
After a while, we had our lunch. Medyo tahimik si Migz habang kumakain kami ng tanghalian. Sa tantiya ko ay medyo naninimbang pa rin siya sa sasabihin at ikikilos niya. First time niya kasing makilala ang grandparents ko.
Migz and I spent the whole day catching up with my grandparents. Mukhang nakagiliwan naman nila na makipagkwentuhan kay Migz.
Mga bandang alas singko ng hapon ng magpaalam na si Migz. Mas pasok na kasi siya bukas. Besides, medyo conservative kasi sina Lolo at Lola. Hindi ako sigurado kung papayagan din nila si Migz na dito matulog sa bahay nila.
"So, I'll just see you next week." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Seryoso talaga siya sa plano niyang linggo-linggo akong dadalawin.
"Kung wala kang exams!" pagbibiro ko sa kanya. Ayoko rin namang mapabayaan niya ang pag-aaral niya nang dahil sa akin. He chuckled.
"Kahit na may exams. I can advance study." I smirked.
"Hay naku, Juan Miguel Sandoval. Hindi pa kita boyfriend ng lagay na 'yan. Paano pa kaya kung tayo na ulit? Baka nga totohanin mo 'yong araw-araw ka na nandito sa Bulacan!"
He crinkled his eyes as he smiled sweetly.
"E di sagutin mo na ako, para malaman mo!"
***
After two years
Minsan talaga hindi mo na lang napapansin ang pagdaan ng mga araw. I can't believe na calling ko pala ang pagkakaroon ng farming business. Sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko rito sa Bulacan ay nakabisado ko na ang pagpapatakbo ng negosyo. Sobrang saya nina Lolo Juan at Lola Sonya dahil buong akala raw nila noon ay ibebenta na lang nila ng tuluyan itong farm dahil nga walang nagkainteres sa mga tita ko na pamahalaan ito.
Migz was busy reviewing for the board exam. Katatapos niya lang ng post grad intenship niya. Monthly niya ako binibisita rito sa Bulacan. Kung minsan ay pumupunta rin ako sa bahay nila tuwing dumadalaw naman ako sa puntod ng parents ko. I don't know what label can we put on our relationship. Basta't ang alam ko lang ay masaya naman kami sa ganitong set-up. But there were times that I told him that he is free to date other women kasi hindi pa naman kami. Lagi niya lang akong sinasagot ng "I think Med School is my girlfriend right now!"

BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...