Chapter 6 - Promise

189 20 1
                                        

Pilit kong sinundan si Mary hanggang makarating kami sa gate.

"Mary, let me explain!" Bahagyang nanginginig ang labi ko habang nilalapitan ang nakatalikod kong kaibigan.

Sobrang nabigla pa rin ako sa mga nangyari kanina. Alam ko kung gaano niya kagusto si Migz. Kaya naman hindi ako makapaniwala na ako 'yong hinalikan ni Migz kanina sa truth or dare. Hindi ako makapaniwala na may gusto siya sa akin.

Ilang saglit pa ay nilingon na niya ako. Basa na ng luha ang magkabila niyang mata.

Ilang iling muna ang ginawa niya bago siya mag-umpisang magsalita.

"I totally understand, Clare! You don't have to explain anything!" She uttered dramatically. Punong-puno ng emosyon ang mga mata ni Mary. Mabibikasan ito ng labis kalungkutan at pagkabigo.

"It's okay if he likes you! Maybe one day my feelings for him will disappear." Ilang patak pa ng luha ang bumagsak mula sa mga mata niya.

"It's just a crush, bessy! I'm sorry if I overreact earlier," aniya sa mas kalmadong tono. Alam kong pilit lang niyang ipinapakita sa akin na hindi siya nasasaktan. But I knew deep inside, she was badly hurt. Hindi siya magwo-walk out kanina kung wala lang sa kanya iyong nakita niya.

Ang hirap no'n sa 'kin, dahil wala naman akong intensyon na masaktan ko siya. I considered her as my best friend. Hinding-hindi ko siya magagawang traydorin.

"Bessy, hindi ko siya gusto!" buong-loob kong pagpapaliwanag kay Mary habang tinatanaw ko siya ng nagsusumamo kong mga mata.

"Hindi ko nga alam kung ano ba ang nakain no'n bakit ako 'yong hinalikan niya sa truth or dare kanina," dugtong ko pa; pilit kong binabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya. Based on her expression, she was kind of relief because of my last statement.

"Baka nangtri-trip lang 'yon. Humanda sa akin 'yon mamaya kapag nagkita kami!" Iritable ko pang sabi habang inaayos ko ang mahaba niyang buhok na bahagyang nagulo.

"Huwag na, bessy," pamimigil naman niya na siyang nagpahinto sa aking ginagawa.

"It's totally fine with me. Kung ikaw man talaga ang gusto ni Migz! I will gladly accept that!"

Tinanaw ko siya gamit ang sinserong mga mata.

"No, bessy! Hindi ko siya gusto.Kung totoo man na ako ang gusto ni Migz, I will immediately turn him down. Pero sa tingin ko nagngtri-trip lang talaga 'yon kanina. Alam kong gustong-gusto mo siya. Kung mayroon mang babae na bagay kay Migz ikaw 'yon at hindi ako!"

Kung ikukumpara kaming dalawa mas di-hamak na lamang sa physical appearance sa akin si Mary. She has flawless fair complexion while my color is brown. She's much taller than me at sa model-type niyang katawan she's definitely the perfect match for a school heartthrob like Migz.

Isang mahigpit na yakap ang agad na iginawad niya sa akin.

"You don't know how much you make me happy, bessy! Oh, I can't help but to cry!" Naramdaman ko ang pamamasa ng kaliwang balikat ko dahil sa pagpatak dito ng mga luha ng kaibigan ko.

"Thank you so much, Clare! You're a true friend!" She tightened our hug.

Ayoko talagang masira ang pagkakaibigan namin ni Mary. On the first place, wala naman akong gusto kay Migz.

Hindi si Migz ang magiging dahilan ng pagkawasak ng iniingatan naming pagkakaibigan. Humanda talaga 'yong froglets na 'yon kapag nagkita kami ulit mamaya!

***

Magkahawak kamay kaming bumalik ni Mary sa loob ng venue. Napakasaya ko dahil naayos na naming dalawa kung ano man 'yong hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin kanina.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon