Parang hinihila sa bilis ang pagdaan ng mga araw. Before we know it, tapos na 'yong Finals namin sa school.
I knew I study well this whole sem. Pasado naman ang mga grades ko sa quizzes, Midterm at Finals. Sa end pa ng second sem namin malalaman 'yong grade namin for our Research subject kung saan magkakaroon din kami ng Defense.
Nandito kami ngayon ng mga kabarkada ko sa bahay nina Mary. Dito kasi nila napagkasunduan na pag-usapan 'yong Baguio Trip.
"Iba talaga kapag 'yong boyfriend mo may-ari ng ospital. Kahit na-trangkaso ka lang kailangan pang i-confine." Natatawang sabi ni Irish.
Napasulyap ako sa nakangising si Mary. Mukhang maayos na naman ang lagay niya ngayon. Pagkatapos kasi ng Finals namin ay na-confine sa Sandoval Medical Center si Mary.
"Besides having flu, I got overfatigue too. Wala rin kasi ang parents ko rito sa bahay para mabantayan ang condition ko." Si Mary habang kinukuha 'yong tray ng pagkain na iniaabot ng maid nila.
"Tita Rhoda also insisted that I get checked by a doctor in SMC." She smiled after saying that.
Tinukso tuloy siya nina Stacey.
"Girl, Migz mom is so nice and she is really fond of you! Ang swerte mo talaga kay Migz!"
Ako lang yata ang tahimik sa aming lima. Ayoko namang may mahalata sila sa akin kaya pinilit ko na lang na ngumiti habang nakikinig sa pag-uusap nila.
"Excited na ako sa Baguio!" Nangingislap pa ang mga mata ni Mary habang sinasabi iyon.
"Ako rin. First time ko kasi pumunta ng Baguio na mga friends lang ang kasama," ani Cattleya. Napalingon siya saglit sa akin.
"Clare, inaya mo na ba si Mark?" Pagkarinig ng ibang kaibigan ko ng sinabi niya ay ako naman ang inumpisahan nilang tuksuhin.
"Girl, isama mo na si Mark! Okay lang kahit mga solo lang kami nina Stacey at Cattleya ang importante masaya kayo ni Mary!"si Irish. Mary chuckled.
Pilit na lang din akong tumawa sa sinabi ni Irish.
"We seldom talk during the Finals week. Malamang nagpapahinga 'yon. Hindi rin biro ang mga exam sa Law School." Tanging nasabi ko.
Constant naman ang communication namin ni Mark. Parang ang awkward naman kasi kung aayain ko siya bigla sa Baguio Trip naming magkakaibigan.
I find it improper lalo na at wala namang label kung ano man ang mayroon sa aming dalawa. Saka wala rin naman talaga akong nararamdaman na something special sa kanya.
***
Madaling araw kami nagsimulang magbyahe papuntang Baguio. Dalawang sasakyan ang dinala namin. Iyong sasakyan ni Alex at 'yong sasakyan ni Migz. Siyempre roon ako sumakay sa sasakyan ni Alex.
Kasama namin dito sa loob sina Lester, Cattleya at ang girlfriend ni Alex na si Paulene.
Nag-enjoy naman ako sa byahe kahit na ang co-corny ng mga jokes nina Alex at Lester. Nang nasa bandang Tarlac na kami ay kumain muna kami ng early lunch sa Mc Donalds.
Si Migz at Mary ang umorder para sa aming lahat. Iyong mga boys naman ang naghatid ng tray ng mga pagkain sa aming lamesa.
"Huwag na. Treat na raw ni Migz," sabi ni Mary nang mag-abot sina Lester at Alex ng pera sa kanya.
"Thanks, bro!" ani Alex kay Migz.
Samantalang isang tango lang ang iginawad ni Lester sa kanya. Migz smiled at them afterwards
Iyong mga activities namin sa Baguio ang topic ng usapan ng mga kaibigan ko all through out our meal. I just enjoyed listening to them. From my seat ay hindi ko mapigilang mapasulyap sa kinauupuan ni Migz. He was busy drinking Mc Float while listening to Mary.
Hindi ko alam kung bakit tila nama-magnet ako na titigan nang husto ang mga mata niya- na lalong nagiging singkit sa tuwing siya ay tumatawa sa mga pinag-uusapan nila ng mga kaibigan ko. Ito na ba 'yong sinasabi parati sa akin ni Jane na "delikado"?
Hanggang sa matapos ang lunch namin ay halos kay Migz ko na naituon ang aking buong atensyon. Wala na nga ako halos naintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga kabarkada ko.
It is around 3:00 PM when we arrived at Leonila Hills. Dito located 'yong rest house nina Migz. Binati agad kami ng katiwala ng bahay nila pagkababa namin ng sasakyan.
"Migz, ang laki mo na. Ngayon ka na lang ulit naakyat ng Baguio," pagbati kay Migz ng isang may edad ng lalaki. Inayos ko ang pagkakasuot ng Panda hoody jacket ko sa aking katawan. Mas naramdaman ko kasi 'yong lamig pagkababa namin ng sasakyan.
"Oo nga po, Mang Pablo. Kamusta na po 'yong mga anak n'yo na sina Boyet at Paul?"
Saglit muna silang nag-usap ng katiwala nila. In fairness kay Migz mabuti talaga siya makitungo sa mga kasambahay at driver nila. Gayundin sa mga tauhan nila sa SMC. Tita Rhoda raised him well.
Sinundan namin papasok ng bahay si Mang Pablo. The interior of the house was made of good quality of hard wood. May ilang painting din na nakasabit sa dingding. Mataas din ang ceiling kung saan napapalamutian ng isang chandelier na gawa sa kapis.
Nasa tatlong baitang lang 'yong hagdan papunta roon sa mga kwarto. Umakyat kami rito para mapuntahan na 'yong mga room namin.
"This will be the girl's room," ani Migz sabay pagturo sa isang nakasaradong silid.
"Dito tayo." Sabay pagturo naman niya kina Alex at Lester sa silid na katabi ng kwarto ng mga babae.
"Ay, akala ko pa naman share kayo ni Mary ng room. Huwag na kayong mahiya sa 'min, Migz," si Stacey. Mabilis na namula ang magkabilang pisngi ni Migz.
Kinurot naman ni Mary si Stacey sa braso at mukhang magblu-blush na rin.
"Mamayang hatinggabi na lang daw. Tatakas na lang silang dalawa. May bakante pa namang kwarto oh!" Pang-aasar ni Alex. Sabay turo sa isang nakasaradong kwarto na nasa pinakadulo.
Mary chuckled.
"Bukas na tayo gumala guys. Matutulog daw muna 'yong driver. Napagod yata," wika ni Paulene habang nakatingin sa boyfriend niyang si Alex.
Me and my friends spent the whole afternoon sleeping in our rooms. Hindi rin kasi biro 'yong layo ng naging byahe namin kanina.
Mga bandang alas siyete na ako nagising. Pagtingin ko sa katabing kama ay si Paulene na lang ang nakahiga rito. Lumabas na rin siguro sina Mary kanina.
Walang tao paglabas ko sa sala. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa veranda. Mula sa pwesto ay tanaw na tanaw ang city lights sa kabuuan ng Baguio. Parang mga alitaptap na kumukutitap sa gitna ng gabi ang mga poste, bahay at iba't ibang establishment dito sa Baguio na siyang pinanggagalingan noong ilaw.
Sa ibabang bahagi ay natanaw ko roon sa may garden na nagluluto pala ng barbecue ang mga boys. Kasama rin nila roon sina Mary, Cattleya, Irish at Stacey.
Napatagal ang titig ko kay Migz na napapangiti sa mga jokes ni Alex. I gasped a deep sigh. Oh my! I really like him! Pero hindi na kami pwede!
Nakuntento na lang ako na tanawin siyang tumatawa mula sa aking pwesto. Napatingala ako sa langit. Sobrang aliwalas nito. May mga bituwin rin na mas lalong nagpatingkad sa ganda ng gabi. Mabuti na lang at nadala ko 'yong DSLR ko. I took a shot on the majestic constellations in the sky. Gayundin iyong nagniningning na city lights.
From afar, I also took pictures of my friends who seemed to enjoy cooking barbecue. Lastly, I took a stolen shot of Migz.
I felt goosebumps as I scanned all the photos especially on the last photo where Migz is smiling while holding a barbecue stick. He's really cute!
I couldn't help but feel regretful again. Clarette Amethyst, eto lang naman 'yong sinayang mo!
Admiring Migz from afar is like staring at the stars; beautiful to look at, yet too hard to reach!
BINABASA MO ANG
So Into You
RomansaSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
