Chapter 1

203 9 0
                                    

Here we go pips, let's rock Gunner!

Enjoy reading! 😘😘😘
------------------------------------------------------

 
Gunner is silently waiting for his parents, in his mother’s favorite restaurant. Simula ng bumukod na sila ng kambal ng tirahan, pinauso na ng ina nila ang once a month date daw nilang pamilya. At dahil mas madalang pa sa salitang madalang magpakita ang kakambal niya, sinisigurado niyang wala siyang mamimiss sa monthly date nila, para hindi narin siya makadagdag sa alalahanin ng mga magulang, lalo na ng kanilang ina. 
 
Dapat ay mamayang gabi pa sila magkikita ng mga magulang, pero may importante raw na kailangan puntahan ang dalawa mamayang gabi kaya ginawa na lang nilang lunch, he bet gagawa lang ng bagong kambal ang mga magulang niya, their parents are still sweet to each other, walang ipinagbago ang samahan ng mga ito maliban nalang sa pisikal na aspeto dahil nagkakaedad na rin naman ang mga ito. He immediately smiled when he saw his beautiful mother walking with his father, magkahawak kamay ang dalawa habang inaalalayan ng Daddy niya ang ina.
 
“Hi Mom! Bati niya sa ina saka tumayo at dumukwang upang halikan ito sa pisngi, “Hi Dad” baling naman niya sa ama saka nakipag fist bump dito. “Kanina ka pa ba?” nakangiting tanong ng kanyang ina habang ipinag hihila ito ng upuan ng asawa.  “Not really, I was just 5 minutes earlier” tugon niya rito saka bumalik sa pagkakaupo. “Did you order already son?” tanong naman ng daddy niya ng makaupo na rin ito. “Not yet, hinintay ko na kayo” as if on cue ay lumapit naman sa kanila ang isang waiter at nakangiting kinuha ang kanilang order.
 
“So, what is this important thing you need to go too?” tanong niya sa mga magulang.  “Ow, we need to attend a party later, nakalimutan ng daddy mo, kahapon lang niya naalalang sabihin sakin” naka ismid na paliwanag ng kanyang ina.
 
“You are really getting old Dad, nagiging makakalimutin kana” natatawa niyang turan na hindi naman minasama ng daddy niya “Blame you Mom for it” sagot nito dahilan upang kumunot ang noo ng kanyang Ina “Why me? Ikaw itong ulyanin na” tanong nito na napahawak pa sa dibdib nito. “Sweet, kung pinagbibigyan mo sana ako di sana matalas pa ang memorya ko, don’t you know that celibacy can slow a man’s memory” sabi nito dahilan upang mamula ang mukha ng kanyang ina at matawa naman siya. wala parin talagang kupas ang kanyang ama. Napaaray naman ang ama ng hampasin ito ng kanyang ina “Ikaw, kung ano  ano ang pinag sasabi mo, sa harapan pa talaga ng anak mo!” nanlalaki ang mata ng kanyang ina habang sinasaway ang asawa.
 
“Malaki na yang anak mo, siguradong gumagawa narin yan ng anak niya” sagot naman ng daddy niya na binigyan naman niya ng isang thumbs up, napailing nalang ang mommy niya sa kanilang mag ama.  “Gaano na ba katagal na wala dad?” tanong niya sa ama dahilan para siya naman ang tignan ng masama ng kanyang ina “Gregory Gunner!” may pagbabanta nitong turan, pero hindi sila nakinig ng kanyang ama na sinagot naman ang tanong niya “1 month” sabi nito dahilan upang muli siyang matawa at ang kanyang ina naman ay mapatakip sa sariling mukha, tila ito hiyang hiya na pinag uusapan nila ang sex life ng mga ito habang ang kanyang ama ay baliwa lamang ang reaksyon.
 
“We are not having this conversation” pinal sa turan ng kanyang ina ng makabawi ito sa pagka hiya, completely dismissing the topic, kaya ibang bagay nalang ang pinag kwentuhan nila hanggang matapos ang kanilang pag kain, mahirap na baka sumama ang mood ng kanyang ina, hindi panaman ito nakakatuwang magalit. Hindi agad sila umuwi dahil nag aya ang mommy niya na mag libot muna, kaya naman tinawagan niya ang kanyang secretary at sinabi rito na hindi pa siya makakabalik, mabuti nalang at wala naman siyang masyadong importanteng meeting na kailangan daluhan kaya pinagbigyan na niya ang mahal na ina.
 
They roam around the mall, naka sunod lang sila sa kanyang mommy habang manaka naka silang nag uusap ng daddy niya, halos lahat ng boutique na magustuhan ng ina ay pinasok nito, panay naman para sa kanila ang mga tinitignan nito kaya napapailing na lang sila ng kanyang ama, palaging ganun ang mommy niya, palaging ang para sa kanila ang iniisip, kaya nga sinisigurado niyang bilhan din ito ng gamit ito dahil kung iaasa nila rito ay hindi ito bibili ng para sa sarili nito, kung bibili man ay napaka dalang lang. “Heart, what do you think of this? Bagay sayo to” nakangiti nitong baling sa kanyang ama na napailing bago lumapit sa ina at kinuha ang hawak nitong damit saka ibinalik sa istante. “Sweet, kakabili mo lang sakin ng damit last month remember, hindi ko pa nga nagagamit, why don't you check and buy for yourself, kelan ka pa ba huling nag shopping para sa sarili mo?” sabi naman ng kanyang ama saka itinulak ang ina patungo sa ladies section ng naturang boutique, siya naman ay nag tungo sa mga sapatos na pambabae saka nag hanap ng sa tingin niya ay maganda pero komportable para sa ina, ng may natipuhan siya ay pinakuha niya ang size ng ina saka iyon binayaran, mamaya na lang niya iaabot sa ina kapag paalis na ang mga ito.
 
“Muli silang lumipat sa ibang boutique, this time ay hindi na nila ito hinayaang ma tungo sa men’s section dahil napaka rami na nitong nabili para sa kanila, kapag kasi namimili ito ng para sa kanilang ama ay meron din sila ng kanyang kambal, kaya hindi na niya kailangan bumili ng sarili niyang gamit dahil palagi naman siyang binibilhan ng ina, kahit ilang ulit na niya itong sinabihan na wag na dahil may sarili naman na siyang pera, kaso ayaw nitong papigil kaya hinahayaan nalang niya, dahil iyon nalang naman ang kasiyahan ng kanilang ina.
 
ALLISON WAS BUSY watching her son who is also busy playing in the mall’s playground kasama ang iba pang mga bata, natutuwa siyang makita itong masaya habang nakikipag laro sa mga bata sa loob ng playground, nasa labas lang siya at nag kakape habang nakamasid sa anak, may mga staff naman na kasama ang mga bata sa loob ng playground kaya safe na hayaang mag laro ang kanyang anak. Her son is now 4 years old, hindi katulad ng ibang bata na medyo bulol pa, ang anak niya ay matatas ng mag salita, siguro dahil kinakausap niya ito ng tuwid at hindi sinanay sa baby talk, napaka friendly rin nito at masayahin, Her life practically revolves around her son, mahal na mahal niya ito kaya naman sa abot ng kanyang makakaya ay ibinibigay niya rito ang mag papasaya rito, hindi madali maging isang single mom, lalo pa sa katulad niya na may kompanyang pinatatakbo, pero kahit papaano ay nakakahanap parin naman siya ng time para sa anak, kahit mahirap ay sinisigurado niya that she have enough time for her son, ayaw kasi niyang matulad ito sa kanila na lumaking walang magulang na nag aalaga.
 
Her mother is a single mom too sa kanila ng kakambal niya, katulad niya ay may negosyo rin itong pinatatakbo at halos wala na itong panahon para sa kanila ni Alyssa kaya halos silang dalawa lang ng kapatid at mga katulong ang palaging nasa bahay, maraming mahahalagang okasyon sa buhay nila ng kambal ang hindi nila nakasama ang ina, katulad nalang ng kanilang birthday, isang beses lang ata nila itong nakasama sa kanilang kaarawan at nagmamadali pa ito. Alam niyang mahal sila ng ina, hindi naman niya iyon pinag dudahan, alam niyang gusto lang sila nitong bigyan ng magandang buhay kaya kayod kalabaw ito upang itaguyod silang magkapatid, to the point na nawalan na ito ng panahon sa kanilang dalawa. Ayon sa kanilang Tita Connie, best friend ng mommy nila ay hindi sila pinanagutan ng kanilang ama, kahit nag makaawa ang kanilang ina dito dahil itinakwil ito ng mga magulang ng malamang nagdadalang tao ito, pero hindi ito pinanagutan ng kasintahan, sa halip at itinanggi nitong ito ang kanilang ama, according to Tita Connie, life was though for their mother since she got them, pero binuhay parin sila nito at itinaguyod ng mag isa, natakot itong maranasan nila ng kakambal ang mag hirap, kaya nagsumikap ito sa buhay, nag tagumpay naman ito sa bagay na iyon, kaso lang ay ang panahon nito ang naging kapalit ng tagumpay.  Kaya kahit may hinampo siya sa kawalan nito ng oras sa kanila ni Alyssa ay nauunawan niya ito, lalo na ngayon na meron narin siyang Gideon.
 
Nang mag dalaga silang magkapatid ay nag pakita at nagpakilala sa kanila ang ama, humingi ito ng tawad sa naging pagkakamili nito ngunit wala siyang maramdaman na kahit ano awa para rito, galit siya sa lalaki, dahil ito ang dahilan kaya lumaki silang hindi naramdaman kung papano ang arugain ng sarili nilang ina, dahil naging abala ito sa pag hahanap buhay, kung hindi sana nito tinalikuran ang kanilang ina, hindi ito mahihirapan, hindi ito mag kukumahog sa pag kayod upang itaguyod sila, dahil may katuwang ito sa buhay, pero nag paka bakla ang lalaki, nag pasarap lang at ng dumating ang responsibilidad ay daig pa ang bakla na umurong ang bayag. Kaya kahit nakipag lapit ito sa kanila ng kambal ay hindi niya ito pinansin hanggang sa mag sawa rin ito at hindi na muling mag pakita sa kanila.
 
Ang ama niya at ang ama ni Gideon ang dahilan kung bakit namumuhi siya sa mga lalaki, panay lang pasarap ang alam ng mga ito, pag dumating na ang responsibilidad tatakas na ang mga ito at iiwan ang babae, magkukunyari na hindi sa kanila ang bata kahit sa kanila naman talaga, mga walang kwentang klase ng lalaki, napakadami nila sa daigdig, hindi naman niya nilalahat, pero kung 100 ang lalaki sa mundo  95 sa kanila mga walang kwenta katulad ng kanyang ama at ng ama ng kanyang anak.
 
“Mommy” ang matinis at masayang tinig na iyon ang nag pabalik sa kanyang naglalakbay na diwa, ni hindi niya namalayang tapos na mag laro ang anak at bumalik na sa tabi niya.
 
“Yes honey?” nakangiti niyang tanong sa bata “I’m thirsty mommy” sabi nito kaya kinuha niya ang lalagyan nito ng tubig at inabot iyon dito, mabilis namang uminom ang bata, mukhang uhaw na uhaw nga ito. “How’s you play? Are you enjoying?” nakangiti niyang tanong sa anak ng matapos itong uminom. “Yes mommy, babalik pa po ako doon, I still want to play” sabi nito habang pinupunasan niya ang pawis nito sa likod. “Okay, just be careful, okay?” bilin niya rito bago ito hinayaang bumalik sa loob ng playground.
 
Napakabilis ng panahon, parang kailan lang nag mamakaawa pa sila ng kakambal sa ama nito upang panagutan ito pero wala rin silang napala, katulad ng kanilang ina ay tinalikuran lang rin sila ng walang hiyang lalaking iyon matapos nitong sabihin na hindi ito ang ama ng bata, makikipag sex tapos pag nakabuntis tatanggi, dapat sa mga lalaking ganun pinuputulan ng kaligayahan para mag tanda. Ipinilig niya ang ulo at huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili, sa tuwing maaalala talaga niya ang lalaking iyon ay umiinit ang kanyang ulo. Minabuti nalang niyang panoorin ulit ang anak na tuwang tuwa habang nag lalaro.
 
“Mommy” sigaw ng anak habang tumatakbo ito palapit sa kanya, ibinuka naman niya ang kamay at sinalubong ito ng mahigpit na yakap at halik saka ito binuhat at pinaupo sa kandungan niya. “Did you enjoy?” tanong niya sa bata habang hinahanap ang xtra nitong t-shirt na dinala niya, ng makita niya iyon ay hinubad niya ang damit nitong basang basa ng pawis tapos ay pinunasan ito ng maigi, nilagyan niya ng konting polbos ang likod nito upang mapreskuhan ito bago isinuot ang malinis nitong damit. habang binibihisan niya ito ay panay ang kwento nito sa kanya ng mag ginawa nito, akala mo ay wala siya doon at hindi niya nakita ang mga ginawa nito. nakangiti naman siyang nakinig sa anak habang inaayusan ulit niya ito. Ng matapos na siya ay hinawakan niya ito sa kamay at sabay na silang nag lakad, ng bigla nalang nitong bitawan ang kanyang kamay at kumaripas ng takbo patungo sa nakita nitong ice cream parlor, akmang susundan na niya ang anak ng makabangga ito ng mag asawang nag lalakad, mabilis niyang dinaluhan ang anak upang tingnan kung ayos lang ba ito dahil baka napasama ang bagsak nito, ng masiguradong ayos lang ang anak ay kinarga na niya ito saka humingi ng paumanhin sa mag asawang nabangga nito.
 
“I’m sorry Ma'am, Sir, bumitaw kasi siya sakin dahil nakita niya yung favorite niyang ice cream” pag papaliwanag niya sa mag asawa na tila gulat na gulat habang nakatingin sa mukha ng kanyang anak.
 
“I-it’s okay Hija, do you mind me asking, sino ang ama ng anak mo?” it was a random question from the lady, medyo napakunot ang noo niya sa tanong nito, tataasan na sana niya ito ng kilay ng may biglang sumulpot na lalaki sa tabi ng mag asawa.
 
“What’s happening here Mom? Dad?” tanong ng baritonong tinig na iyon na kilalang kilala niya, napabaling siya sa lalaking dumating kasabay ng pag akyat ng lahat ng dugo niya sa kanyang ulo,  if looks could kill sigurado siyang tumimbuwang na ito sa paanan niya. Ang mukhang iyon ay hinding hindi niya makakalimutan hanggang sa kabilang buhay, hindi dahil sa makalaglag panty ang taglay nitong ka gwapuhan, kundi dahil sa matindi niyang pag nanais na putulan ito ng kaligayahan, buhay papala ito? Akala niya ay nasagasaan na ito ng bus, so hindi pa rin pala dinidinig ng Diyos ang panalangin niya, kailangan pa siguro niyang manalangin ng mas mataimtim para mabura na ito sa mundong ibabaw.
 
“Nothing, nabangga lang kami itong bata” sagot ng ama nito dahil ang ginang ay tila naka tulala parin sa anak niya, saka niya naalala ang tanong ng babae, hindi niya alam kung dahil ba sa galit niya ay itinuro niya ang lalaki na bagong dating, sabay sabing
 
“Him, he is the father of my child”                                                                                                                                           

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon