Mas happy and bright pag may nag comment and vote! Beke nemen pipol 😁
Happy reading!
----------------------------------
“WHAT DO YOU WANT?” nanggagalaiti sa galit na tanong ng babae, pakiramdam niya ay puputok na ang mga litid nito sa leeg dahil sa galit na pinipigilan, kung nagpipigil na ba itong matatawag sa lagay na iyon.
“Will you please calm down? Baka sumabog na yang mga ugat mo sa leeg, sayang naman, hahalikan ko pa yan” medyo mahina niyang pag bigkas sa mga huling kataga upang hindi nito marinig, pero sa palagay niya ay narinig pa rin siya nito kung ang pagkalaglag ng panga nito ang pagbabasehan. Hindi tuloy niya alam kung matatawa ba siya sa matinding pagkagulat na nakabalatay sa maganda nitong mukha, pero at least, saglit na nawala ang pamumukol ng mga ugat nito sa leeg, saglit lang dahil mabilis din itong nakabawi sa pagka bigla at agad na bumalik ang mabalasik nitong itsura. Hindi nag salita ang babae, bagkos ay tumalikod ito at nag lakad palayo sa kanya, mabilis naman niya itong hinabol at hinarangan.
“Oh, saan ka pupunta? Hindi pa nga tayo nag uusap lalayasan mo na ako?” napatigil naman ang babae at napipikong namewang.
“Kung wala kang matinong sasabihin, lumayas ka sa harapan ko animal ka! Bago pa ako tuluyang maging mamatay tao dahil sayo!” sigaw nito sa mismong pagmumukha niya, pakiramdam tuloy niya ay na bingi siya sa lakas ng boses nito.
“Grabe! May megaphone kaba diyan sa lalamunan mo? Na bingi ako doon ahh” sabi niya habang dinudukot ng hinliliit ang tenga niyang mas nasaktan. Wala namang pakialam na tinignan lang siya nito ng masama.
“Kumalma ka kasi muna, paano tayo mag uusap ng maayos kung ganyang para kang bomba na malapit ng suma-”
“Wala kang pakialam!” hindi na niya nagawang tapusin ang gustong sabihin ng bigla na naman siyang sigawan ng babae, ang sakit talaga nito sa tenga, kung hindi lang talaga ito ubod ng ganda, baka nilagyan na niya ng duct tape ang bibig nito.
“Grabe sya! Alam mo Ganda, hindi bagay sa maganda mong pustura ang sumigaw, kaya kumalma ka, okay? Nasisira ang poise mo, ang sexy mo pa naman ngayon” sabi niya tapos ay napakagat sa sariling labi, shit! kakagigil talaga ang babaeng ito, sarap halikan. Kapag ito ang kaharap niya araw-araw, malamang palagi siyang distructed, hindi kasi niya maiwasang mamangha rito.
“Is that how you get your women into bed? So lame” sabi nito saka akmang maglalakad na naman upang iwan siya pero hindi niya ito hinayaan.
‘I don’t know, you tell, I mean, you end up in my bed, right? What did I do to have you before? Just tell me and I will gladly do it again” nakangiti niyang tanong sa babae na umani naman ng malakas na singhal mula rito.
“Tse! Tumabi tabi ka sa daraanan ko, unlike you may anak akong naghihintay sakin” sabi nito saka siya tinulak, pero nag matigas parin siya, sa ayaw at sa gusto nito ay mag uusap sila, sinusubukan lang naman niyang pagaanin ang usapan, para medyo mabawasan ang galit nito at mag kaintindihan silang dalawa, kaso mukhang lalo itong nagagalit sa mga banat niya kaya bumuntong hininga nalang siya saka ito hinawakan sa magkabilang braso at tinitigan sa mga mata, bagay na parang gusto niyang pagsisihan dahil ng magkatitigan silang dalawa ay para siyang nalunod sa napakaganda nitong mga mata.
“Ikaw ba magsasalita o sasayangin mo lang talaga ang oras kong damuho ka” galit na naman nitong turan. Hindi niya alam kung paano niya pakikisamahan ang babaeng ito, she looked so fine and full of class with her sexy corporate dress, pero kung mag salita ito ay parang babaeng lumaki sa kanto at hindi babaeng nag papatakbo ng malaking kompanya.
“Okay, atat naman masyado eh, pinakakalma nga muna kita para magkaintindihan tayo, now if you badly want to end this conversation with me, pwede bang makisama ka? Kumalma ka please, para magkaintindihan tayo” sabi niya rito na sa awa naman ng Diyos ay mukhang tumalab dahil ipinikit nito ang mga mata at tila pilit na pina pakalma ang sarili, pinalis nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito saka makailang beses na humugot ng malalim na buntong hininga habang nakapikit. Kung kinakalma ba talaga nito ang sarili o inaakit lang siya ay hindi niya alam, pero kahit na ang una ang ginagawa nito, naaakit parin siya sa kagandahan nitong ngayon ay buong laya niyang napag mamasdan. Para siyang namagneto ng mapupula nitong labi, hindi niya namalayang unti unti na palang lumalapit kanyang mukha sa babae, basta nakatitig lang siya sa labi nito. Isang dangkal.. kalahati.. one fourth.. nalalanghap na niya ang mabango nitong hininga, kaunting lapit pa at mag lalapat na ang kanilang mga labi, marahan siyang pumikit habang patuloy ang pagbaba ng kanyang mukha palapit sa babae, inihahanda ang sarili sa masarap na putaheng nakatakda niyang matikman, ng walang ano ano ay naramdaman niya ang pag dapo ng isang mabigat na palad sa kanyang kaliwang pisngi.
Natulig ang kanyang tenga, tila siya nabingi sa lakas ng sampal nito, daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig, hindi siya agad nakagalaw, makalipas ang ilang minuto ay unti unting umakyat ang dugo sa kanyang ulo, wala pang kahit sino ang nag tangkang sampalin siya.
Galit niyang hinarap ang babae, at handa na itong parusahan ng matigilan siya dahil sa nanlilisik nitong mga mata, but what really caught him off guard was that unfamiliar feeling that suddenly washout his anger. Nakadama siya ng kaba at ng matinding pagnanais na pawiin ang galit nito, this is the first time na nasaktan siya physically at hindi gumanti. Huminga na lang siya ng malalim to get a hold of his emotion, bahagya rin siyang umatras at tumikhim upang kalmahin ang sarili.
“Sorry about that” napapakamot sa sariling batok niyang turan, inirapan naman siya nito bago pinag cross ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib nito, she is surprisingly calm now kumpara kanina, isang sampal lang pala sa kanya ang makakabawas sa galit nito, kung alam lang niya di sana kanina pa siya nag pasampal. On the second thought, wag nalang pala, dahil ang bigat ng kamay nito, pakiramdam niya ay namaga ang kanyang pisngi. Nakataas lang ang kilay ng babae habang nakatingin sa kanya na tila ba ito naghihintay na mag paliwanag siya, kaya pilit siyang nag halungkat ng pwedeng idahilan sa isip, pero mukhang lahat ng katalinuhan niya ay tumalsik sa kalsada dahil sa lakas ng sampal nito.
“Uhm, wag mo akong tignan ng ganyan” panimula niya “Kasalanan mo yun, wag mo na ulit gagawin yun, okay? Nawawala ako sa sarili eh” sabi ulit niya habang nahihiyang tumingin sa babae. Mas lalong namang tumaas ang kilay nito, akala niya ay todo na ang pagkakataas niyon kanina, hindi niya akalaing may iaangat pa pala ang kilay nito. “Okay! I’m sorry” nakataas ang dalawang kamay niyang turan, hanep na buhay naman talaga ito, siya na nga ang nasampal ng ubod ng lakas, siya pa ang kailangang mag sorry, nasaan ang hustisya? “Ang ganda mo naman kasi” tila sumusuko niyang pag amin dito. Hindi ito nag salita bagkos ay mas lalong hinigpitan ang pagkaka salikop ng dalawang kamay sa tapat ng dibdib nito.
“Yan ba ang gusto mong pag usapan natin? Kung yan lang naman ang ipinunta mo rito, makakaalis kana, hindi gumagana sakin yang mga complement mo, at isa pa, hindi ko kailangan niyan lalo na kung galing sayo, dahil alam kong maganda ako” sabi nito saka bahagyang gumilid upang umalis sa harapan niya. Katulad kanina ay hinawakan niya ito sa braso upang pigilin sa tangkang pag alis, mabuti nalang malayo ang kinaroroonan nila sa bahay nito, kundi ay baka kanina pa siya nito napag sarhan ng gate.
“Fine! I want to meet my son” walang ligoy niyang turan bago pa niya tuluyang maubos ang pasensya nito, mukha panamang wala ito nun.
“Okay, you’ve already meet him, when you invited yourself inside my residence without permission, now you can leave and please, don't ever comeback” walang emosyon nitong turan na inalis ang kamay niyang nakahawak dito.
“That’s not what I mean” sagot niya na hindi ito binibitawan “I want to tell him that I’m his father, I want to be a part of his life”
“Not happening” wala ulit emosyong turan ng babae
“I won't accept that” pagmamatigas na rin niya, alam niyang malaki ang kasalanan niya rito, oo pagkakamali talaga niya iyon, hindi niya maitatanggi, pero may karapatan siya sa bata at hindi siya papayag na ipagtabuyan lang ng babae. “I have rights on him as much as you do, you're the mother I’m the father 50/50, matalino ka alam mo ang tinutukoy ko”
“Didn’t you already throw away your rights when you push us away? Araw araw kaming nagpabalik balik sa office mo sa loob ng isang buwan, but what did you do? You pushed me away you fucking asshole! But even so, I eat my pride and beg you to believe me, I even suggested for you to do a paternity test to prove that we are telling the truth, pero ano? Pinanindigan mo na hindi ikaw ang ama. So bakit hindi mo yun gawin ngayon?” matalim ang mga mata nitong turan, napapikit naman siya, totoo naman kasi talaga lahat ng sinabi nito, but he has his reason.
“Look, everything that you said was true, I won't deny it, but I have my reasons” simula niyang pag papaliwanag sa babae “You see, that tim—”
“I don't care” putol nito sa kanyang pagsasalita. “Will you let me finish my sentence” sagot naman niya dahil nag sisimula na siyang mawalan ng pasensya sa inaasal nito.
“Why? What's the use? Will your explanation change everything that has happened? It won't, so keep it to yourself because I’m not interested. The time for you to explain was four years ago, not now” seryoso nitong turan dahilan upang mapabuga siya ng hangin.
“Ang tigas din ng ulo ng lahi mo no? basta I will fight for my son” deklara niya, tinitigan siya nito sa mga mata saka baliwalang nag kibit balikat
“Okay, do whatever you want, this is after all a free country, so yeah, do as you please, make your day happy and bright” ngiting aso nitong turan.
He doesn't know but he really finds her fake smile fascinating and cute, he is not even sure if it was really the smile or her lips that drew him to her, he just realized that his feet took a step forward while both his hands grabbed her by the face and kissed her luscious lips. He couldn’t describe the feeling that engulfed him the moment their lips touched, parang gumaan ang kanyang pakiramdam, tila siyang idinuyan sa ulap, it feels so good he doesn’t want to stop.
Makalipas ang ilang minutong pag kabigla ay malakas siya nitong itinulak palayo rito, at dahil lunod pa siya sa masarap na pakiramdam ng mahalikan ito ay hindi niya napag handaan ang sununod nitong ginawa.
“Bwisit ka! Maniac! Maniac!” sunod sunod nitong turan habang malakas siyang hinahampas ng mabigat nitong kamay.
“Aray! masakit, tama na” pag rereklamo niya habang pilit sinasangga ang pag atake nito gamit ang dalawang braso, pero patuloy lang siya nitong sinugod ng malalakas na hampas, kaya naman napilitan na siyang hawakan ito sa magkabilang braso to stop her from attacking him, she looks like a wild cat ready to pounce him if he dare let go of her hands, kaya naman hindi niya ito binitawan, he would have let her go if they are in bed and she is going to attack him the sexy way, pero wala pa siyang planong magkapasa na siguradong magkakaroon siya kapag nakawala ito sa pagkakahawak niya.
“Aray ko naman Ganda, makahampas ka naman” bahagyang nakasimangot niyang turan sa babae na pilit paring kumakawala sa pagkakahawak niya “Isang kiss lang naman ang ninakaw ko sayo, isang daang hampas agad ang balik mo sakin, eh dati naman higit pa sa halik ang binigay mo sakin” This time ay nakangiti na niyang turan sa babae saka ito muling ninakawan ng mabilis na halik sa labi, pagkatapos ay agad niya itong binitawan sabay takbo ng mabilis. Ang lakas ng tawa niya habang tumatakbo papalayo rito, habang ang babae ay nanggagalaiti sa galit.
“Kagatin ka sana ng aso hinayupak ka! madapa ka sana! Tubuan ka ng singaw sa labi maniac ka!” rinig niyang sigaw nito while he run for his life, he can't believe that teasing her will be this fun, natatawa siya sa mga pinag sasabi nito dahil para itong bata na inapi ng kalaro nito, nagawa pa siyang batuhin ng sapatos, pero hindi na siya inabot niyon.
“See you next time Ganda” nakangiti niyang sigaw para marinig nito habang kumakaway sa babaeng parang gusto ng mag earthbending para lang patirin siya, tumigil na siya sa pag takbo dahil nakapag lagay naman na siya ng sapat na distansya sa pagitan nila, sapat para masabi niyang ligtas siya sa galit nito, sa ngayon.
“Fuck you ka! Mabungi ka sanang animal ka!” balik sigaw naman nito sa kanya dahilan upang lalo siyang matawa.
“I would love too, but I would prefer lovemaking than fucking Ganda” pang aasar pa niya rito, nagpupuyos naman sa galit siya nitong tinalikuran at mabibigat ang hakbang na nag lakad pabalik sa bahay nito kung saan naghihintay ang kanilang anak.
Ahh, his day is indeed happy and bright!
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...