Good day!!! Welcome back to me! sorry now lang ang update, nawalan po ako ng laptop kaya hindi ako nakapag update, I hope nandiyan pa kayo, wag ng mag tampo hehehe.
Happy reading my dear Lutians and Lunatics, don't worry I will not start a story na hindi ko tatapusin hehehe please bear with me lang po dahil mahirap mag update ngayon.
Love yuh all!! happy reading!!
-----‐----------------------------------------------
Ramdam ni Gunnar ang matalim na mga matang nakasunod sa bawat pag hakbang niya pababa ng hagdan, kung hindi nga lang siguro niya karga ang anak ay baka kanina pa siya gumugulong pababa ng hagdan. But he cant be bothered by her anger, kahit pa nga siguro masunog ang likod niya sa init ng pagtitig nito doon ay ayos lang sa kanya.
Alam mo daddy, sabi ni mommy ie-enroll nia daw ako sa horse riding pag bibida ng anak sa kanya.
Really? pakikisakay niya rito, mukhang masaya ito sa idea na mag aaral ito mag patakbo ng kabayo, halata iyon sa kislap ng mga mata ng anak.
Yes po, pero sabi ni mommy mag ask daw muna kami ng permission kay tito Den. Sana payagan niya ako, I really want to learn how to ride a horse, ang saya saya ko nung nakasakay ako sa horse kahapon daddy
Dont worry, papayagan ka ng tito Den mo kapag magaling na magaling kana, kaya mas magpagaling ka pa okay? sagot niya rito na mabilis namang tinanguan ng anak. Ng makarating sila sa kusina ay nakahain na ang pagkain kaya agad na niya itong pinaupo sa pwesto nito, siya naman ay nag tungo sa kanyang pwesto upang maupo narin.
Can we talk for a while? Pigil ni Allison sa tangka niyang pag upo, seryoso ang tinig nito maging ang bukas ng mukha habang nakatingin sa kanya, he already knew what will happen next but he still manages to smile at her and nod. Walang reaction na tumalikod ang babae at nag patiuna sa pag lalakad palabas ng kusina, siya naman ay mabilis na nag paalam sa anak nila at sumunod na sa dragon na siguradong nagiinit sa galit sa kanya.
What are you still doing here? Why did you sleep here? Who gave you the right to sleep here? And why did you kissed me? Who do you think you are to just do as you pleased in my own house sunod sunod nitong tanong ng humarap ito sa kanya. Ni hindi manlang siya binigyan ng pagkakataon na tuluyang makalapit o makaupo manlang sana, binanatan na agad siya, minsan talaga ay parang ArmaLite ang bibig ng babae.
Uhm, sorry beautiful, hindi ko lang napansin na naka idlip na pala ako sa tabi ni Giddy pag dadahilan niya kahit alam naman niyang hindi iyon bibilhin ng babae, hindi nga siya nagkamali dahil mabilis na tumaas ang isa nitong kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa, kasunod ay ang pag silay ng sarcastic na ngiti sa labi nito habang ang mga mata nito ay nananatiling matalim na nakatitig sa kanya. Dapat kabahan siya sa nakikitang galit ng babae, pero hindi niya maiwasan ang humanga dito, siguro ay may problema na talaga siya sa pag iisip to still think and admire her beauty even in this situation.
Hindi mo napansin na nakatulog ka sa tabi ng anak ko? what a perfect excuse you have there Mr. Silva, kaya pala naka pantulog ka pa? so while you were sleeping ay nanaginip ka at nag palit ka ng damit? Anong palagay mo sakin? tanga? medyo may kalakasan nitong tanong habang nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya, may naka ready naman siyang sagot sa mga tanong nito kaya hindi siya nababahala, ibinuka niya ang bibig upang magpaliwanag ng makarinig siya ng mahinang pag hikbi dahilan upang mapalingon siya sa gawing likod.
Are you fighting? Gideon asked, bahagya itong nakayuko at sobrang lungkot ng facial expression habang may maliliit na butil ng luha ang pumapatak mula sa mga mata nito.
Bakit mo po inaaway si daddy mommy? tanong nito sa ina dahilan upang mapabaling siya sa babae na ngayon ay maamo na ang bukas ng mukha, malayo sa expression nito kanina na akala mo ay nakahanda itong pumatay ng tao. Katulad niya ay nagulat rin ito sa biglang pag sulpot ni Gideon, bakas sa mukha nito ang pagkalito at halatang hindi nito malaman ang isasagot sa tanong ng anak nila. Kaya naman mabilis niyang sinamantala ang pagkakataon, naglakad siya palapit sa anak at lumuhod sa tabi nito bago nag papaawang nag salita.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...