Chapter 39

76 3 0
                                    

Nakangiwi si Gunnar habang nag kakamot ng batok at nakatayo sa tapat ng bukas na pinto ng kanilang silid, habang sa kabilang kamay ay hawak niya ang tray ng pagkain na inihanda niya para sa maganda niyang asawa, gusto sana niya itong surpresahin ng breakfast in bed. Kaso, mukhang wala ito sa mood para sa kahit anong surpresa dahil sa talim ng mga mata nitong nakatingin sa kanya habang medyo patagilid itong nakaupo sa gilid ng kama.

“Good morning Ganda” alanganin niyang pag bati sa asawa habang humahakbang papasok ng kanilang silid at isinara ang pinto, itinago niya ang kaba sa isang pilit na ngiti, ang magandan naman niyang asawa ay sinundan siya ng nakamamatay na tingin, mabuti nalang at walang laser ang mga mata nito, kundi siguradong kanina pa siya nagkalasog lasog sa talim ng paninitig nito sa kanya. Inilapag niya ang dalang tray sa side table at muling humarap sa asawa na masama pa rin ang tingin sa kanya.

“Breakfast in bed para sa napaka ganda kong asawa” papuri niya rito pero walang epekto iyon sa babae na binato pa siya ng unan.

“Oh, ang aga aga naman mangaway ng mahal ko, ano bang problema?” masuyo niyang tanong ng masalo ang unan na ibinato nito sa kanya at ibinalik iyon sa kama.

“I can't walk, that’s the problem and it’s all your fault!” hindi kalakasan ngunit pasigaw nitong turan, imbes na maawa sa lagay ng asawa ay napangiti pa siya, hindi naman sa masaya siya na nasasaktan ito ngayon pero patunay kasi iyon na hindi lang siya nanaginip kagabi, totoong may nangyari sa kanila at buong puso itong nag paubaya. Napalis lang ang ngiti sa labi niya ng tamaan siya ng malambot na bagay sa mukha, binato nanaman pala siya ng unan ng maganda pero may tuyo niyang asawa, ngunit dahil nasasaktan ito at siya naman talaga ang dahilan niyon ay ayos lang kahit ubusin nito ang lahat ng unan sa pagbato sa kanya.

“Tatawa tawa ka pa riyan, akala mo ba nakikipagbiruan ako sayo?” irritable nitong turan, sinubukan nitong tumayo dahilan upang mapangiwi ito, nakita pa niya ang bahagyang panginginig ng mga tuhod ng asawa kaya mabilis niya itong nilapitan upang alalayan.

“Let me help you ganda, saan ka ba pupunta?” alok niya ng tulong dito.

“Sa CR” mataray nitong sagot habang masama pa rin ang tingin sa kanya. Napailing nalang siya sa inasal ng asawa at saka ito binuhat ng walang kahirap hirap. Ginawaran muna niya ito ng mabilis na halik sa labi bago nagsimulang maglakad patungo sa CR, isang hampas naman sa dibdib ang iginanti nito sa kanya.

“Ayan ka nanaman” mapanaway nitong turan na ikinatawa niya.

“What? It’s just a morning kiss, pampalakas”

“Morning kiss your face” nakasimangot nitong bulong habang nakakapit sa kanya, hindi na lang niya pinatulan ang init ng ulo nito dahil baka mag away lang sila. Ng makapasok sa CR ay inilapag niya ito sa may sink.

“What now?” tanong niya sa asawa
“I want to pee, shower and brush my teeth” sagot nito, kaya muli niyang binuhat ang asawa at pinatayo sa tapat ng toilet bowl, maingat niya itong inalalayan simula sa pagbaba ng suot nitong underwear hanggang sa makaupo ito ng maayos sa toilet bowl upang gawin ang kailangan nitong gawin. Napansin niya ang bahagyang pag yuko ng asawa kasabay ng pag kalat ng pulang tinta sa pisngi nito dahil marahil sa hiya, napangiti naman siya sa naging reaksyon nito, napakaganda talaga ng babae lalo na kapag nag bablush. Hinawakan niya ito sa baba at pina tingin sa kanya.

“Why is my wife blushing?” nakangiti niyang tanong dito, pinaikutan naman siya nito ng mata, dinadaan sa pag tataray ang hiya na nararamdaman.

“Isn’t it obvious” mataray nitong turan

“Ganda, you don’t have to be ashamed of me, I am now your husband, it’s my duty to aid you in every way I can whenever you are having a hard time”

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon