Chapter 9

65 5 0
                                    


 
After his dinner with his parents ay umuwi na rin siya at hindi na itinuloy ang planong pag pasok sa bahay ni Allison, tama ang mommy niya, kailangan niyang intindihin ang babae at irespeto ang nararamdaman nito. Kaso, paano niya gagawin ang bagay na iyon kung kahit nga anino niya ay ayaw nitong makita, siempre para maunawaan niya ito ay kailangan nilang mag usap.
 
Napahawak na lang siya sa sintido at napapikit, nandito siya ngayon sa kanyang office at nag tatrabaho dahil nakiusap ang daddy niya na tapusin na niya ang one week vacation na hiningi dito, at dahil may kaunting pagbabago sa plano niya ay pumayag siya. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya maunawaan ang mga binabasang dokumento, dahil ang utak niya ay punong puno ng mga isipin tungkol sa babae at sa kanyang anak.
 
“It’s nice to finally see you crumble over a woman huh, ano? Kaya pa ba?” dinig niyang turan ng tinig na kilalang kilala niya, paano niyang hindi makikilala ang mayari ng tinig na iyon eh halos magka boses sila, idagdag pa na iisa ang mukhang taglay nila, pero siempre mas gwapo siya.
 
“Hayop kang put*ng*na mo! Buhay ka pa pala?” sagot niya rito saka tumayo at mabilis na lumapit sa lalaki upang bigyan ito ng man hug.
 
“Di naman halata na namiss mo ako ng todo Bal” patawatawa nitong sagot habang tinatapik ang kanyang balikat.
 
“Bwisit ka! Malaki na ang utang mo sakin baka akala mo, ang hirap bantayan ng babae mo” sabi niya rito saka bumalik sa kanyang swivel chair, ang kakambal naman ay naupo sa sofa di kalayuan sa kanyang table.
 
“Hindi ko naman sinabi sayo na bantayan mo ahh. Kaya ko namang bantayan yun” nakangisi nitong turan.
 
“Gago ka talaga, hanggang kailan mo siya itatrato ng ganyan? Kapag yun napagod sayong hayop ka, baka mabaliw kana talaga” seryoso niyang turan,  sa totoo lang ay nag aalala talaga siya sa kakambal niyang ito, napaka delikado kasi ng ginagawa nito, minsan gusto na niyang maniwala na tuluyan na itong naligaw ng landas at kinain ng kasamaan, dahil na rin sa mga nalalaman niyang kinasasangkutan nito, drug dealing, gun smuggling, killing at kung ano ano pa, wala rin naman itong sinasabi upang mag paliwanag sa kanya. But deep inside ay naniniwala siyang may dahilan ito, na hindi ito totoong masama, na may pag-asa pa itong bumalik sa dati, kaya nga todo ang ginagawa niyang pag babantay sa babaeng iyon kahit sobrang sakit na ng ulo niya, dahil alam niyang ang babaeng iyon na lang ang pag-asa para bumalik sa normal ang buhay ng kambal niya. This man in front of him, may look strong and deadly from the outside, especially with all his tattoo, but he knew deep inside, he is a softy, ito ang tipo ng tao na kapag nag mahal, bigay lahat, walang tinitira para sa sarili, nakahanda itong mamatay at pumatay alang alang sa mga taong mahalaga rito. Diba kaya nga ito napasok sa sitwasyong kinalalagyan nito ngayon, dahil sa lintik na pagmamahal nito, kaya nga natakot siyang mag seryoso sa pakikipag relasyon, dahil nakita niya kung paanong nagdusa ang kakambal, ayaw niyang matulad dito, kaso mukhang nasobrahan naman ata siya, kaya heto siya ngayon namomroblema.
 
“Tsss” yon lang ang sagot sa kanya ng kapatid, kaya binato niya ito ng ballpen na hawak na mabilis naman nitong nasalo. “Umayos kang gago ka, pasalamat ka mabait ako kaya binabantayan ko yun, alam ko naman kasing nga-ngawa ka pag nawala siya sayo, baka magpakamatay ka pang animal ka” sabi niya na tinawanan lang ng kapatid.
 
“I’m so touch with your thoughtfulness my dear twin brother” pambubuska nito sa kanya na humawak pa sa dibdib nito. siya naman ay napailing na lang.
 
“Why are you here anyway? Did you see Mom and Dad? You should see Mom, nag aalala yun Con” paalala niya sa kapatid.
 
“Yeah, dadaan ko sa bahay mamaya” kibit balikat nitong turan. Itong kakambal niya ay daig pa ang kabute, halos isang taon niya itong hindi nakita, susulpot lang kung kailan nito trip at aalis din ng walang paalam. Kaya pag nag papakita ito ay palagi niyang pinapaalalahanang magpakita sa mga magulang nila bago ito muling magtago sa lungga nito. Hindi pa naman ito marunong mag paramdam man lang kung buhay paba ito o inaamag na, nag memessage siya rito pero hindi pinapansin ng gago, kaya minsan gusto talaga niya itong tirisin ng buhay kung hindi lang niya ito kakambal.
 
“So, anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?” muli niyang tanong dito.
 
“Nothing may itinumba lang ako sa tabitabi” walang kabuhay buhay nitong turan na akala mo ay isang pusa lang ang itinumba nito, hindi na siya nagulat sa isinagot nito sa kanya, siguro ay nasanay na rin siya sa mga pinaggagawa ng kapatid sa loob ng ilang taon simula ng lumayo ito sa kanila.
 
“So, I heard, nakahanap kana ng katapat mong animal ka” tatawa tawa nitong turan dahilan upang tingnan niya ito ng masama.  
 
“Kung nandito ka para pagtawanan ako, makakaalis ka nang hayop ka” sagot niya rito na tinawanan lang ng kakambal.
 
“Maganda sya huh, mabuti naman at nag improve na ang taste mo sa mga babae, at ang gwapo ng pamangkin ko, mana sa Tito” nakangisi nitong turan habang siya ay hindi napigilan ang pag badha ng gulat sa mukha.
 
“You knew them?” napapantastikuhan niyang tanong sa kapatid.
 
“Nakakainsulto ka naman Bal” nakangisi pa rin nitong turan “Anong palagay mo sakin walang alam?”
 
“Oo, bobo kang animal ka eh” kibit balikat niyang sagot sa lalaki, habang sa loob ay napapangiti siya, at least his brother is still connected to them, ayaw lang nitong ipahalata.
 
“You are here, yet you never even paid your father a visit Gregory Conall” masama ang mukha na turan ng kanilang ama na basta na lang pumasok sa kanyang office.
 
“Old man!” pag bati rito ni Conall sabay tayo at nakipag man hug sa kanilang ama na lalo namang sumama ang mukha sa itinawag rito ng kakambal niya.
 
“I’m not that old yet, you moron” sabi nito sa kapatid niya ng mag hiwalay ang dalawa.
 
“I was planning to go to your office pagkatapos ko rito, I just visit this asshole to check kung buhay pa siya, akala ko pag lalamayan na eh” natatawa nitong turan sa kanilang ama na tinapik naman ito sa balikat habang may ngiti sa mga labi, halatang masaya ito sa muling pag papakita ng kakambal niya.
 
“Malapit na, nakahanap ng dragon na magpapatino sa kanya” natatawa namang pag kukwento ng ama niya sa kakambal, habang sabay na naglalakad ang dalawa papunta sa sofa na kinauupuan ng kambal kanina, hindi pa umiinit ang pwet ng dalawa sa sofa ay muli nanamang bumukas ang pinto ng kanyang office at pumasok ang kanyang humahangos na ina.
 
“Conall?” tawag nito habang palinga linga, tila may hinahanap, napahinto ito sa pag lalakad at natutop ang sariling bibig ng makita ang kanyang kakambal na katabi ng kanyang ama, tila hindi ito makapaniwalang nakatingin sa anak habang tumutulo ang masaganang luha sa mga mata nito.  Mabilis namang tumayo ang kakambal niya upang salubungin ng yakap ang kanilang ina, walang nagsalita sa kanilang lahat, hinayaan lang nila ang ina na umiyak habang yakap ang kakambal niya, they all knew na labis labis ang pagaalala nito sa kambal niya.
 
“Your here” umiiyak parin nitong turan, kasabay ng mas lalong pag higpit ng yakap nito sa kapatid niya, si Conall naman ay nakangiti lang habang mahigpit ring yakap ang ina.
 
“Yes, I’m here mom, your son is alive so no need to cry” nakangiting tugon ng kambal sa mommy nila dahilan upang dumilim ang mukha ng kanilang ina.
 
“Ikaw na bata ka!” sabi nito saka kumawala sa pagkakayakap kay Conall “Where have you been? Hindi ka man lang sumagot sa mga tawag at messages ko sayo” bakas ang matinding hinampo sa tinig ng kanilang ina habang sinasabi ang mga bagay na iyon, ang kakambal naman niya ay napakamot nalang sa batok nito saka nag lalambing na inakbayan ang mommy nila, habang siya ay napapangiti sa loob. Now it’s his twin’s turn para masermonan at mapingot ng mommy nila, at ganun nalang ang tawa niya ng nakangiwi na sumigaw ng aray ang kakambal dahil mahigpit ng hawak ng mommy nila ang tenga nito.
 
“Mom your so harsh, minsan na nga lang tayo magkita nananakit kapa” pag rereklamo ng kapatid ng bitawan ito ng mommy nila. “And you are so heartless for making your mother worry to death” nakapamewang na sagot ng mommy nila, muli naman itong niyakap ng kakambal at sa naglalambing na tinig ay sinabing. “Wag ka nang magalit Mommy, aalis na ulit ako mamaya tapos galit kapa” sabi nito na ikina buntong hininga nalang ng kanilang ina. Pero agad ring napakunot ang noo ng ginang ng may mapansin sa anak.
 
“May bago ka nanamang tattoo Gregory Conall?” sa medyo galit na tinig ay turan nito “Mom it’s an art” pagdadahilan ng kapatid.
 
“Art you face, baka naman sa susunod pati yang mukha mo palagyan mo na rin ng tattoo, sinasabi ko sayo Conall paplantsahin ko yang mukha mo pag may nakita akong tattoo diyan. Pag babanta nito sa kakambal niya na mabilis namang sumaludo at tumayo ng tuwid.
 
“Yes Ma’am” mapagbiro nitong turan sa ina saka muling nag yakap ang dalawa. Pagkatapos ng ilang minutong pag uusap ay nagaya ang kanilang ina na umuwi sa bahay dahil mag luluto raw ito ng paborito nilang dalawa, at dahil mas bihira pa sa blue moon kung makumpleto sila ay walang umangal kahit isa.
 
MAGKATABI SILANG NAKAUPO ng kakambal sa loob ng kanyang sasakyan, pauwi na sila, at dahil iniwan nito ang kotse sa office ay ihahatid niya ito roon.
 
“What is this?” tanong niya rito ng may iabot itong maliit na papel sa kanya bago pinaandar ang kanyang kotse, ito ang mag mamaneho ayon narin sa kagustuhan nito.
 
“It’s a calling card, are you blind?” sagot naman nito na sumaludo sa kanilang security guard ng pag buksan sila ng gate.
 
“I know it’s a calling card moron, but what is this for?” balik niya rito
 
“Give me a call if you need anything” sagot nito sa kanya, dahil sa sinabi nito ay mabilis niyang itinabi sa wallet ang binigay nitong calling card. 
 
“You already dispose your old number?” tanong niya rito.
 
“Nope, just use that number if you need my help or for anything emergency, and please don't give it to Mom, she will use that number para kulitin ako” seryoso nitong turan na tinanguan nalang niya, he knew his brother has a reason for keeping his distance from them, maybe for their safety, dahil hindi naman biro ang ginagawa nito.
 
“What’s your plan after here?” tanong niya rito ng balutin sila ng katahimikan.
 
“Wala naman, ganun parin dating gawi” kibit balikat nitong turan.
 
“Kailan ba yan matatapos Bal? Our parents are getting old, baka mapadali ang buhay ni Mommy sa pagaalala sayo palagi”
 
“Nandiyan ka naman eh, substitute mo muna ako” nakangisi nitong turan na ikina iling na lang niya, with his twin's answer, he knew, malayo pa na bumalik ito sa dati. Minsan ay hindi niya maiwasang mamiss ang dati niyang kakambal, yung palagi niyang kasama sa lahat ng ginagawa niya, mapa kalokohan o kung ano pa man, pero hindi naman siya nakakadama ng tampo so sama ng loob dito, he understand him, isa pa, alam niyang palagi itong nakabantay sa kanilang lahat.
 
“Just don’t die Bal” bilin niya sa kapatid ng makarating sila sa office at bumaba ito ng driver’s seat upang lumipat sa sasakyan nito.
 
“That’s not even part of the plan Bal, so, don't worry at isa pa nga pala, thank you for watching over her” nakangisi nitong turan.
 
“Tsss, do what you have to do and come back as soon as you can, bago pa ako maubusan ng dugo sa babaeng yun” nakasimangot niyang turan na tinawanan lang ng kakambal.
 
“I’ve spoken to your Allison, she is letting let me visit your son tomorrow. 9am to 5pm Bal, you already knew what to do” sabi nito habang nag lalakad palayo sa kanya, siya naman ay napatulala sa sinabi nito. nang papasok na ito sa kotse nito ay nakakaloko siya nitong nginitian, “I think were even Bal” sabi nito bago tuluyang pumasok sa sasakyan nito at pinaharurot iyon palayo, siya naman ay naiwang naka awang ang labi, pagkalipas ng ilang minuto ay dahan dahang umalpas ang isang masayang ngiti sa kanyang labi.
 
“Damn!” pagmumura niya saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan pabalik sa kanyang condo, he can kiss his twin brother for this, that moron, so that’s the real reason kaya siya nito pinuntahan kanina. Pag dating niya sa kanyang condo ay tuwang tuwa siyang pumasok at agad na tinawagan ang kilala niyang tattoo artist, it’s time to play substitute like how they usually do, when they are still kids. Ngayon palang ay excited na siyang makita, makausap at mayakap ang kanyang anak, kahit haharap siya rito bilang tiyuhin nito at hindi bilang ama ay ayos lang sa kanya. For now ay makokontento muna siya sa daang ginawa ng kakambal upang makalapit siya sa anak ng hindi pinapatay ng dragon nitong ina.
 
“Ahh tomorrow is another day”

--------------------------------------------------
T

his was how i imagined the Gregory's face are.
Bala na kayo sa katawan whahaha basta yung isa may tattoo yung isa wala. 😁

PS: di ko alam kung sino to, basta nakita ko lang sa net at nagwapuhan ako kaya ayan whahaha. Bala na kayo dyan.



Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon