Good day Luetians 🙂. I just want to make a correction here, ngayon ko lang napansin iba pala spelling ng name ni Gun, the right spelling is Gunnar, A po cia hindi E. 🙂 sarry typo. Baka malito kayo.
Anyways happy reading! 😘
--------------------------------------------------Allison is especially busy that day, it’s Gideon’s 5th birthday, the party will start at exactly 3pm and she made sure that everything is ready a day before, but she still wants to personally oversee the preparation. Gideon was very excited, kanina pa nga nito gustong isuot ang Captain America nitong costume na talagang pinatahi pa niya, he personally requested to have an Avengers themed party, and who is she to decline her son’s birthday request? She originally planned to hold the party in their house but changed her mind and decided to rent the village clubhouse.
Ng masiguradong maayos naman ang lahat ay saka lamang siya bumalik sa kanyang tahanan upang makapag handa narin, napangiti siya ng makitang nasa parking ang sasakyan ni Gunnar, for some reason, she felt happy na narito ang lalaki sa kaarawan ni Gideon, ilang taon din silang nag diwang na wala ito, at least ngayon ay narito na ang lalaki at nakasisigurado siyang labis na matutuwa ang anak niya kapag sinabi na niya ang surprise niya rito mamaya, may bigat parin sa puso niya pero kapag naaalala niya ang masasayang ngiti ng anak ay nawawala ang mga alalahanin niya. Pumasok siya sa kabahayan at deretsong umakyat sa taas, nadaanan niya ang silid ng anak, malayo pa lang siya ay dinig na niya ang masigla nitong tinig, hindi na siya nagulat dahil palagi namang ganun kaingay at kasaya ang anak niya sa tuwing kasama ang ama nito, saglit siyang tumigil sa silid ng anak upang silipin ang ginagawa ng dalawa, napangiti siya ng makitan nakasuot na ang mga ito ng kanya kanyang costume, Naka Thor costume si Gunnar at masasabi niyang bagay iyon sa lalaki.
“Mommy” masilang tawag sa kanya ni Gideon n makita siya nito, tumakbo ito palapit sa kanya kaya lumuhod niya upang mayakap ito. “Why aren't you dressed yet mommy?” tanong nito sa kanya na lalo niyang ikinangiti. “I just came here to check on you, since you already change into your costume, mommy will now head to her room and change, you can wait for me downstair” sabi niya sa anak saka ito binitawan, tinanguan muna niya si Gunnar na ngumiti naman sa kanya bago siya lumabas ng silid ng anak upang mag ayos narin.
Mabilisan lang ang ginawa niyang pag aayos, naka ready naman na lahat ng gagamitin niya, mabilis siyang naligo at simpleng makeup lamang ang inilagay niya tapos ay lumabas na siya ng silid at bumaba ng hagdan, hindi pa siya tuluyang nakakababa ng hagdan ng marinig niya ang pag sipol ni Gunnar, dahilan upang mapatingin siya sa gawi nito, the brute, hindi man lang nito itinago ang ginawang pag siyasat sa kanya, he is blatantly scanning her from head to toe, sa ibang pagkakataon ay siguradong na offend na siya sa ginawa nito, but for some reason ay hindi siya nakakaramdam ng pagka offend sa ginagawa ng lalaki, in fact she is happy to see admiration in his eyes, she cant help but to feel confident.
Nang tuluyan siyang makababa sa hagdan ay tumakbo si Gideon palapit s akanya kaya lumuhod siya, tapos ay binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi nito. “You look beautiful mommy” bulong nito sa tenga niya na lalo niyang ininangiti, “You look handsome too baby” bulong rin niya sa tenga nito na ikinangiti din ng anak niya, napansin niyang gustong gusto nito kapag sinasabihan ito ng gwapo. “Ang daya bakit kayo lang ang nag uusap?” nakatulis ang nguso na singit ni Gunnar sa pag uusap nila ng anak. Inirapan naman niya ito saka ibinaba si Gideon “Let’s go?” tanong niya rito, masiglang tumango ang bata kaya inakay na niya ito palabas ng pinto, mabilis namang sumunod sa kanila si Gunnar at hinawakan rin ang kabilang kamay ni Gideon. “You look so lovely with your costume” papuri nito sa kanya, nakadama siya ng kakaibang tuwa sa puso niya pero hindi niya iyon pinag tuunan ng pansin at tuloy tuloy lang na naglakad without paying attention to Gunnar, kahit ramdam na ramdam niya ang pag titig nito sa kanya, napapansin kasi niyang nagiging feeling close ito kapag pinapakitunguhan niya ng maayos.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...