Kanina pa niya pinag mamasdan ang walang buhay na si Allison sa kabilang bahagi ng court room, nag aalala siya sa nakikitang pag bagsak ng katawan nito maging ang kawalan nito ng buhay. Today is the day na sasabihin sa kanila ang resulta ng halos tatlong buwang paglilitis, alam na niyang sila ang panalo, kahit hindi pa binababa ang resulta, gaano man kagaling ang abogado ng babae ay wala parin itong nagawa, sa gitna ng lahat ay hindi niya mapigil ang humanga sa abogado ni Allison, magaling ito, pakiramdam nga niya ay nakatagpo na ng katapat sa loob ng korte ang pinsan niya, sa katunayan ay ang pagiging mahusay nitong abogado ang dahilan kung kaya humaba ng ganoon ang paglilitis, nagkataon lang talaga na walang matibay na ebidensyang naipakita ang kabilang kampo tungkol sa claim ng mga ito na inabandona niya ang anak.
Pagdating ng judge ay agad silang tumayo, ngunit hindi niya inaalis ang mga mata kay Allison, pinalapit ng judge ang dalawang abogado na nag rerepresenta sa bawat panig at saglit na kinausap, matapos ang saglit na pag uusap ay bumalik na ang mga ito sa kanya kanyang pwesto, tapos ay binasa na sa harap nilang lahat ang naging pasya ng korte. Masaya siya sa naging resulta dahil inaasahan naman na talaga niya iyon, pero nadudurog din siya ng makita ang pag daloy ng luha mula sa mga mata ni Allison, tumayo siya upang lapitan ang babae ngunit mabilis siyang pinigilan ni Zil,
“This is not yet the right time and place cous” mahina nitong bulong dahilan upang tumigil siya, pinag masdang nalang niya ang babae ng walang kabuhay buhay itong tumayo upang lumabas ng naturang silid. Pinalis niya ang kamay ng pinsan na pumipigil sa kanya ay marahang sinundan ang babae na tila wala sa sariling nag lalakad, ni hindi na nga nito hinintay ang kaibigan na ngayon ay nag kukumahog sa pag ligpit ng mga gamit nito upang habulin ang babae.
Siya naman ay wala ng pakialam sa ibang tao sa paligid niya, nakatoon lang ang mga mata niya kay Allison, kaya ng makita niyang mababangga ito ay mabilis siyang kumilos upang iiwas ito sa pader na siyang tinutumbok nito habang tila wala sa sariling nag lalakad. Hinawakan niya ito sa braso at bahagyang hinila upang hindi ito mabangga, sakto namang na kalapit sa kanila si Automn
“God Als! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?” mahina nitong pag saway sa babaeng ngayon ay nakatingala at nakatingin sa kanya, marami pang sinabi ang kaibigan nito pero wala na doon ang atensyon niya kundi nasa mga mata ng babaeng minamahal, her eyes looks so cold and void of anything, ang inaasahan niyang pagkamuhi ay wala doon, wala ring sakit, basta blanko lang itong nakatingin sa kanya, pakiramdam tuloy niya ay robot ang kaharap niya, naputol lang pag titinginan nilang dalawa ng bahagya na itong hilahin ni Automn palabas ng naturang silid, sinundan na lang niya ng tingin ang dalawang babae hanggang sa makasakay ang mga ito sa sasakyan.
“Nasa bahay na si Gideon” imporma sa kanya ng pinsang si Nil, bahagya niya itong nilingon saka mahinang tinanguan tapos ay naglakad na siya patungo sa sariling sasakyan upang puntahan ang kanyang anak, hindi na sila nahirapang isama ang bata dahil pumayag naman ito ng gabing makiusap siya rito, pero alam niyang malungkot ito ngayon dahil ito ang unang beses na hindi nito makakasama ang ina sa iisang bubong. Gustuhin man niyang sundan sila Allison at agad itong kausapin ay kailangan muna niyang ipag paliban ang pansariling kaligayahan, kailangan muna niyang unahin ang anak nila, dahil siguradong hindi na talaga siya mapapatawa ng babae kapag nalaman nitong pinabayaan niya ang anak matapos niya itong kunin sa puder nito.
Hindi nga siya nagkamali, dahil pag pasok palang ng sasakyan niya sa bakuran ng kanilang bahay ay agad na niyang natanaw ang anak na nakaupo sa harap ng pinto katabi ng kanyang ina, napakalungkot ng mukha nito at tila naman iyon pilit pinagagaan ng kanyang ina, pero walang epekto. Huminga muna siya ng malalim bago nag paskil ng ngiti sa labi at lumabas ng sasakyan upang lapitan ang anak. Kung dati ay agad itong ngumingiti sa tuwing makikita siya, ngayon ay tumayo lang ito pero nanatiling malungkot ang bukas ng mukha.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomantikGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...
