“Wooow! Ang pretty ng mommy ko!” hindi niya napigilan ang mapangiti sa sinabi ng anak, kaya agad siyang nag lakad palapit dito at bahagyang yumuko upang gulohin ang magulo na nitong buhok.
“Binobola mo ata si mommy eh” nakangiti niyang turan na mabilis naman nitong sinagot.
“Hindi po, you're really pretty mommy” mas lalo lamang lumapad ang pag kakangiti niya.
“Diba daddy pretty si mommy?” tanong nito sa ama, ng sa tingin nito ay hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Dahilan upang mapabaling siya ng tingin sa lalaking hindi na niya napagtuUnan ng pansin kanina, dahil sa nakakatuwang papuri ng anak. Seryoso ang bungad ng mukha nito, at may pailan ilang butil ng pawis ang namuo sa noo nito, bahagya ring nakatiim ang pangga nito habang titig na titig sa kanyang dibdib na mas lalong na expose dahil sa kanyang pagkakayuko.
“Daddy” muling tawag dito ni Gideon ng tila hindi nito narinig ang tanong ng anak. Bahagya pa nga itong inalog ng anak niya sa balikat, saka lamang ito tila natauhan.
“Ahh yes buddy? What were you saying?” tanong nito sa anak saka tila napipilitang inalis ang mga mata sa kanyang dibdib, upang pagtuunan ng pansin ang anak.
“Diba po ang pretty ni mommy” muling turan ng anak.
“Yes!” mabilis na sagot ng lalaki saka ito muling humarap sa kanya “She’s very pretty, and hot too” medyo may kahinaan ang tinig nitong dagdag habang matiim na nakatitig sa kanyang mga mata, na tila ba siya nito pinapaso sa paraan nito ng pag titig. Hindi naman niya maiwasan ang makadama ng pagkailang sa walang pakundangang pag papakita nito ng paghanga sa kasalukuyan niyang ayos. oh, anong inaarte arte mo dyan? Diba ito naman ang gusto mo? Sumbat ng pasaway niyang isip.
“I told you mommy” narinig niyang turan ng anak dahilan upang maputol ang pagkakatinginan nila ng lalaki.
“Naniniwala naman si mommy sayo baby” nakangiti niyang turan saka ito hinalikan sa noo “Tara na sleep na tayo” nakangiti niyang sabi, mabilis namang pumayag ang anak na pumuwesto sa gitna ng kama, siya naman ay marahang inangat ang comforter at umayos ng pwesto sa kanang bahagi habang si Gunnar ay nasa kaliwang bahagi ng anak.
“Goodnight po mommy and daddy, I love you both” masiglang turan ng anak, pumihit siya paharap sa anak saka ito marahang hinaplos at bumulong. “I love you too baby, I love you so much” turan niya saka ito ginawaran ng masuyong halik sa pisngi, napansin niyang ganun din ang ginawa ni Gunnar, hindi niya napigilan ang pag silay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi, sweet din talaga ang mokong, aside from that, it makes here happy to see how happy her son is ngayon na magkakasama silang tatlo, she close her eye ang prepare herself to sleep when Gideon speaks again.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...