Chapter 19

73 6 0
                                    

Natutuwa naman ako sa mga nag vovote doon sa 1st 3 stories  at sa iba ko pang sinulat🙂, dahil natuwa ako sa mga votes kila Brent, Dane at Fire, medyo binasa ko ulit yung ibang chapters nila. At grabe hindi ko mawari kung matatawa ba ako o mahihiya 🤦‍♀️🤦‍♀️.

Hahaha wrong spelling, typo error, wrong gramar, mga pangalang naiba, H na nagiging N at marami pang iba 😅😅😅.  Sorry po sa lahat ng error, salamat din at napagpasensyahan nio😁.

I'm trying na mag check muna bago mag post sa Savage Series, pero kung may mapapansin parin kayong errors, ipagpatawad po ninyo, nakakaduling narin talaga sa part ko at sa totoo lang ay nakakaubos din talaga ng utak 😆, kaya nga merong mga editor sa mga publishing companies to double check yung mga ganyang bagay, ipagpatawad po ninyo wala akong editor, sariling sikap lahat ng ito😂😂.

Ayon salamat sa mga votes 😘, sana po yung mga nag babasa ng current story na sinusulat ko, which is itong SSB2 - Gunnar, sana mag vote din kayo and siempre comment, pampagana man lang mag sulat 😆, kung hindi naman sana kalabisan sa inyo 😁😅. Oi pero may nag vote na sa story ni Gunnar huh salamat sayo 😘😘😘. 

Cia, dami ko ng kuda, happy reading, hope to see your votes and read your comments 😁😊😘.

---------------------------------------------

Nakangiti habang kumakaway si Allison sa anak niyang lulan ng sasakyan ni Gunnar, masaya ang bukas ng mukha nito habang nakadungaw sa nakabukas na bintana ng sasakyan, habang panay ang kaway at sigaw ng “Babay mommy”.

Ang kasiyahan sa kanyang mukha ay dagling napalitan ng kalungkutan ng tuluyan ng maglaho sa kanyang paningin ang sasakyan ng binata. Simula ng ipagtapat niya sa anak ang totoo nitong relasyon kay Gunnar ay palagi na nitong hinahanap ang ama, palagi rin itong sumasama sa lalaki, dahil doon ay naging madalang na lang ang panahon na nakakasama niya ang anak, at aaminin niyang nakakadama siya ng selos. Pilit niyang nilalabanan ang negatibong emosyon dahil masaya naman ang anak niya, nauunawaan rin niya na gustong bumawi ng mga Silva sa bata kaya hanggat maaari ay gusto ng mga ito na makasama ang anak niya, pero kahit anong sabi niya sa sarili na para iyon kay Gideon ay hindi niya maiwasan ang masaktan, ilang linggo pa lang simula ng makilala nito ang ama pero ang laki na kaagad ng pagbabago sa sitwasyon, minsan pakiramdam niya ay hindi na siya kailangan ng anak, alam niyang hindi nito iyon intensyon pero pakiramdam niya ay nakakalimutan na siya ng anak. 

Four years, apat na taon na silang dalawa lang ang magkasama, siya lang ang palagi nitong hinahanap at hinihintay na umuwi galing trabaho, siya ang gustong makalaro, makasalo sa pagkain at iba pang bagay, ngayon ay iba na, palagi ng si Gunnar ang bukang bibig nito, pagkauwi nito galing sa ama ay walang ibang bukang bibig ang anak niya kundi ang ama nito, how cool his father was, the things they do together, how happy he was and many more. Pagsapit naman ng umaga ay wala na agad itong bukang bibig kundi ang ama, kung anong oras darating ang binata, kung ano ang lalaruin ng mga ito at kung ano ano pa, pakiramdam niya ay isa nalang siyang hangin sa buhay ng anak, nariyan pero hindi napapansin, nag i-exist pero parang wala, at hindi niya maalis na masaktan. On weekends like this, they will usually play in the backyard and during his nap time, she will attend to some business matter, but since Gunnar ay ni hindi na niya nakakasama ang anak tuwing weekend, madalas ay maaga itong sinusundo ng ama dahil pagkagising palang nito ay tatawagan na agad nito ang ama upang tanungin kung anong oras ito kukunin sa bahay, tapos late narin umuuwi ang mga ito, 10pm, kadalasan pa ay tulog na ang anak niya, in just a week she was already neglected, para siyang basahan na nawalan na ng purpose. 

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon