Happy reading! 🙂
------------------------
Tuwang tuwa sa galak ang mga pinsan at ang kaibigan niya habang halos hindi na makahinga sa katatawa, gusto tuloy niyang kunin ang baston ng lolo nila at paghahampasin ang mga damuho. Hindi niya alam kung paano ng mga ito nalaman ang nangyari noong nagdaang araw, pero may idea na siya kung sino ang salarin, walang iba kundi ang pinsan niyang si Thor, ito lang naman ang mahilig mag lagay ng kung ano anong tracking device sa kanilang lahat pag sinusumpong ito ng kabaliwan, kung nakakamatay lamang ang tingin niya ay siguradong kanina pa bumulagta ang pinsan niyang ito dahil sa talim ng mga tingin niya rito.
“Epec” natatawang komento ni Neil habang hawak ang tiyan nitong nanakit na sa katatawa.
“Nakahanap ka rin ng katapat mo pre” it was Edric, isa pa itong lalaking ito eh, akala niya ay ito ang higit na makakaunawa sa kanya dahil sa kanilang lahat ay ang hudyo ang unang na inlove, at sobrang hirap ng pinagdaanan nito, kamakailan lang nila nahanap si Aster na naglayas ng mabuntis ito ng lalaki, kaya ngayon ay nakakatawa na ito, gayong noong mga nakaraang buwan ay parang mamamatay si gago.
“Mag si layas nga kayong mga hinayupak kayo bago ko kayo mabalatan ng buhay lahat” sabi niya sa mga ito sabay turo ng pinto palabas ng kanyang office, talagang dinayo pa siya ng mga hinayupak para pag tawanan, busy ang mga ito alam niya, pero pag dating sa ganitong mga bagay ay biglang nagiging maluwag ang schedule ng mga hayop, ang sasarap isumpa isa isa, ganitong mainit ang ulo niya dahil sa babaeng mahal niya ay baka talagang makatay niya ang anim na lalaking halos hindi magkandaugaga sa pagtawa.
“Sorry bal, I can't help it, that was really epec” sabi naman ng kakambal niyang palaging missing in action, pero ngayon ay nandito at kasama nila para lang pagtawanan siya, what a great and supportive twin!
“How is it going man? Sabihin mo lang kung kailangan ko ng operahan ang puso mo, libre na lang kawawa ka naman eh” si Den na tawa pa rin ng tawa, he knew that this 6 will grill him alive at hindi sya titigilan ng mga ito, kasalanan kasi talaga ito ni Allison, pasalamat talaga ang babaeng iyon at mahal niya ito, kundi ay baka ginilitan na niya ito ng leeg.
“I can't believe na may babaeng bumasted sayo insan” aliw na aliw namang komento ni Torin na siyang pinaka chismosa sa kanilang lahat, kung hindi ba naman ito chismoso, mag lagay ba naman ng tracking device with complete audio sa kanya, malakas ang kutob niya na iyon ang ginawa ng lalaki kaya nalaman ng mga ito ang pag uusap nila ni Allison ng araw na iyon.
“Shut up Torin, hindi pa kita nasasakal sa pag lalagay mo ng tracking device sa aking baliw ka” sabi niya rito dahilan upang muling mag tawanan ang mga ugok, tuwang tuwa sa kameserablehan ng buhay niya ang mga walang hiya, hindi rin itinanggi ni Torin ang sinabi niya, ibig sabihin ay totoo ang hinala niya. “Mag silayas na nga kayo dito mga hinayupak kayo” pag papalayas niya sa mga ito pero ni isa ay walang nakinig sa kanya.
“God man! that was really unexpected. Anong nangyari sa charm mo?” pambubuska ng pinsan niyang si Zil, hindi nalang siya sumagot at hinayaan ang mga ito na tumawa hanggang kabagan ang mga ito, ipinagdarasal na lang niya na ma-fart poison ang mga hinayupak dahil sa katatawa. Hindi naman niya masisisi ang mga ugok, kung siya ang nasa kalagayan ng mga ito ay siguradong tatawa rin siya, but since it was him who is at the receiving end, he is annoyed. Idagdag pa ang pinong kirot sa kanyang puso, this feeling he has for Allison is serious, kaya sobrang sakit talaga ng naramdaman niya ng walang pakundangan siya nitong tanggihan. Kaya kahit naiinis sa ginagawang pambubully ng mga pinsan ay hinayaan na lang niya ang mga walang hiya, at least with them around he can temporarily, even not totally escape the pain in his heart.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...