Chapter 15

69 5 0
                                    

Happy reading 😘. Welcome to the club sa mga bagong budol natin dyan😁. As per usual, please enjoy your stay. 😄

😘😘😘
--------------------------



 
It has been a week since Gideon was brought in the ICU, but he never seen Allison visit their son even once, he knew something is wrong going on. Palagi kasing si Manang Doris ang naroon para sa anak nila, umasa siyang makikita ang babae pero hindi talaga ito nag papakita, kaya hindi niya maiwasan ang mag alala para sa kalagayan nito, alam niya kung gaano kamahal ni Allison ang anak nila kaya nakapag tataka talaga na wala ito sa hospital upang personal na asikasuhin ang bata.
 
“Manang Doris” tawag niya sa babaeng kalalabas lamang ng silid ng anak, hindi parin sila pinapayagang mag tagal sa loob, kung papayagan man ay paisa isa lamang at limitado lamang ang oras, kahit papaano naman ay unti unting nagiging stable ang kalagayan ng anak niya, pero hindi pa rin ito nagigising. Bumaling sa kanya ang ginang, hindi ito nag salita kaya ibinuka niya ang bibig upang itanong ang bagay na isang linggo ng bumabagabag sa kanya.
 
“Is Allison okay? Is she sick? May nangyari ba sa kanya?” sunod sunod niyang tanong sa ginang na mas nalungkot ang mukha. “Wala siyang sakit kung iyon ang gusto mong malaman, pero hindi maganda ang kalagayan ng alaga kong iyon sa ngayon, natatakot na nga akong baka bigla na lang siyang bumigay” sagot ng matanda na lalo niyang ikinabahala, so may nangyayari nga na hindi niya alam.
 
“Ano po bang nangyari manang?” di niya napigilang itanong, muli siyang tinignan ng ginang, tila ito nag dadalawang isip kung magsasalita ba o hindi, sa huli ay bumuntong hininga ito at piniling sagutin ang kanyang tanong.
 
“Ang batang yon, naaawa ako sa kanya, simula pa noong bata siya ay marami na talagang pinag daanan iyang si Allison, ng mawala sa kanya ang lahat ng mahahalaga sa buhay niya ay si Gideon lamang ang naiwan, kaya sa bata siya humuhugot ng lakas upang mag patuloy sa buhay, tapos nangyari ito” sabi nito saka muling bumuntong hininga at bahagyang ngumiti sa kanya.  “Nag papasalamat akong nandito kana bago pa man mangyari ang aksidente, pag pasensyahan mo na kung hindi mo nakikita si Allison, hindi iyon nangangahulugan na wala siyang pakialam sa bata, mahal na mahal niya si Gideon, kaya hindi niya kayang makita ang bata sa ganyang kalagayan, ikaw na muna ang bahala sa anak nyo, gawin mo ang lahat upang gumaling na ang bata, yun lang ang paraan upang bumalik na rin sa normal si Allison, nag aalala akong kapag nag patuloy na ganito ay tuluyan ng bumigay ang alaga kong iyon” mahaba nitong paliwanag sa kanya. Ngayon ay nauunawaan na niya, kahit gaano pa katatag ang isang tao, meron parin itong kahinaan, kay Allison, iyon ay ang anak nilang si Gideon, hindi niya alam ang mga pinag daanan ng babae maliban sa pang iiwan niya rito sa ire noon, but he is sure it must be hard for her to be like this. Marahan siyang tumango sa ginang upang iparating rito ang kanyang tugon, kahit naman hindi nito hilingin ang bagay na iyon ay talagang gagawin niya ang lahat para makaligtas ang anak niya, lumalaban ito kaya hindi rin siya bibitaw.
 
“Hindi ko pababayaan ang anak ko manang, kayo na po muna ang bahala kay Allison, ipinapangako kong makakaligtas ang anak namin, gagawin ko ang lahat, kahit buhay ko ibibigay ko para sa aming anak, paki sabi po kay Allison na nandito na ako, hindi na siya nag iisa, nandito ako para protektahan sila ng anak ko” sabi niya sa ginang na masuyong ngumiti sa kanya, marahan itong tumango bago magpaalam na uuwi na dahil kailangan pa nitong asikasuhin si Allison, hindi man nito masyadong ipinaliwanag kung ano ang nangyayari sa babae ngayon ay may idea na siya.
 
Nanatili siya sa labas ng ICU upang bantayan ang kanyang anak, hindi siya madasaling tao, pero simula ng dalhin sa hospital ang anak niya ay halos oras oras na siyang nagdarasal para sa kaligtasan nito. Maya maya ay dumating ang pinsang si Aiden para sa regular visit nito, sa katunayan ay madalas nitong silipin si Gideon upang masigurado na maayos ang kalagayan ng kanyang anak, bagay na labis niyang ipinag papasalamat sa pinsan.
 
“You okay man?” tanong nito ng madatnan siyang malalim na nag iisip, hindi kasi mawala sa isip niya ang sinabi ni Manang Doris tungkol kay Allison, gusto niya itong puntahan at yakapin, pero ng mga oras na iyon ay isa lang ang malinaw na solusyon upang maging maayos ang kalagayan ng babae, iyon ay ang tuluyang maka recover ang anak nila. “Matatagalan pa ba bago magising ang anak ko?” tanong niya sa pinsan, hindi agad siya nito sinagot, bagkos ay walang imik itong pumasok sa loob ng ICU upang tignan ang anak niya, lahat ng tubo ay tinignan nito at masusing sinuri, pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ito at naupo sa kanyang tabi. “Your son is doing great, hindi ko masasagot kung matatagalan paba bago siya magising, but what I can say is that he is fighting and responding well, malala ang naging tama ng anak mo, masyadong malakas ang naging pag tama ng ulo niya causing his severe head injury, nagkaroon ng crack sa kanyang bungo, pasalamat nga tayo that none of the bone fragment hit his brain or else, baka mas malala pa ang kalagayan niya sa sitwasyon niya ngayon, some of his ribs are broken too,  and his body is still to small to take such a huge blow. But your son is fighting. We can never tell, but we are doing our best to help him. It might also help kung kakausapin nyo ang bata to encourage him to fight, Allison can do that, sa ating lahat na narito si Allison ang may malaking epekto sa bata, who knows baka mas mapabilis ang pag galing ng anak ninyo” suggestion ng pinsan niya na tinanguan niya. May point ito, ang problema lang ay kung paano niya madadala sa hospital ang babae kung may pinag dadaanan ito.
 
KINABUKASAN ay bumalik si Manag Doris sa hospital upang icheck si Gideon, kaya kinausap niya ang ginang tungkol sa suggestion ng pinsan, “Susubukan ko siyang kausapin mamaya pagkauwi ko” sabi nito sa kanya. Kinahapunan ay muling bumalik si manang Doris kasama si Allison, nagulat pa siya sa napakalaking pagbabago sa babae, namumutla ito at napakalaki ng ibinagsak ng katawan, namamaga rin ang mga mata nito, halatang dahil yon sa madalas na pag iyak, parang binasag ang puso niya ng makita ito pero hindi siya nag pahalata, right now ay hindi awa niya ang kailangan nito, nagkatinginan sila ni Manang Doris na siyang umaalalay sa babae, ng makalapit siya sa dalawa ay tinanguan niya ang ginang bago makuha rito ang kamay ni Allison, dahilan upang tumingala ito sa kanya.
 
“Is, is he okay?” mahina at may panginginig nitong tanong sa kanya, masuyo naman niya itong nginitian bag tumango “He is fighting, according to Den he is responding well to the medications, kailangan lang ng kaunting tulong natin to encourage him to fight and finally wake up” tumango ang babae, kahit papaano ay may nakita siyang kaunting pag asa sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. Den brief Allison kung ano ang mga pwede at hindi nito pwedeng gawin sa loob, she should be able to keep her emotion in check while talking to their son, Allison listen attentively and nodded her head earnestly. Pinayagan siya ng pinsan na samahan ang babae sa loob ng ICU, just in case she breaks down, pinagbuksan niya ito ng pinto at marahang iginiya papasok sa loob, napansin niyang pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng babae habang palapit sila sa kanilang anak, somehow he felt relieved knowing na kumukuha ito ng lakas sa kanya, noon niya narealize that Allison is just an ordinary woman, she may be strong, but she also need someone to hold her and protect her, that is what she is missing for the longest time, kaya siguro napilitan itong maging matatag para sa sarili dahil wala itong ibang kakapitan, but he is here now, he promise to himself that he will protect this woman with all his might. Naramdaman niya ang panginginig ng babae ng tuluyan na silang makalapit sa kanilang anak, kaya naman niyakap niya ito sa baywang upang hindi ito matumba, with her current situation ay baka bigla na lamang itong himatayin, binitawan nito ang kanyang kamay saka nanginginig na hinawakan ang maliit na kamay ng kanilang anak, she is now crying though she is still trying not to make a loud noise dahil ipinagbabawal iyon ng doktor. It was hard for him to watch her cry as she hold Gideon’s tiny hand, gayon pa man ay nag pakatatag siya at patuloy lang na inalalayan ang babae sa bewang upang hindi ito matumba, maya maya ay marahan nitong hinaplos ang ulo ng kanilang anak, sa parting walang benda, bago nito dinala sa labi ang kamay ng bata upang buong suyong halikan at sa nanginginig na tinig ay pilit na nag salita, this time ay nakaluhod na ito sa banda uluhan ng kama ni Gideon, hinayaan lang niya ang babae at nanatili siya sa likod nito, hawak ito sa balikat as if telling her that everything will be okay.
 
“Baby” panimula ng babae “Please wake up my love! please fight for Mommy, I love you so much baby! I miss you so much! I want to talk to you already, see you smile, play with you, hug you tight and kiss you non stop, please wake up already anak, stop making mommy worry please! I’m waiting baby, mommy is waiting, please come back to me already” lumuluha nitong pakiusap sa kanilang anak as she gently squeeze his hand, paulit ulit nitong kinausap ang bata, making promises, telling him how much she love him, encouraging him to wake up. Habang kinakausap nito ang anak nila ay nanatili lamang siyang tahimik as tears falls from his eyes, mabilis rin niya iyong pinunas, he don’t want Allison to see him like that, pagkalipas ng ilang minuto ay nakita niya si Den sa labas ng glass window, signaling that their time is up and they need to leave the room already, tinanguan niya ang pinsan saka masuyong hinaplos ang babae sa likod, niyuko niya ito at sa mahinang tinig ay bumulong sa tenga nito. “We need to leave the room now” sabi niya sa babae, nakakaunawa naman itong tumango at pinunasan ang mga luha sa mukha nito, she gently put Gideon’s hand on his side and give him a gentle kiss on his head before whispering “I love you baby, mommy is waiting for you” bago marahang tumayo, alerto naman niya itong inalalayan because she is so weak to even stand up on her own, marahan niya itong inalalayan hanggang sa makalabas sila ng ICU, nagtungo sila sa silid na nakalaan para maghubad ng PPE na ipinasuot sa kanila bago sila pumasok sa kinaroroonan ng anak kanina, umiiyak parin ang babae kaya hindi na niya napigilan ang yakapin ito ng mahigpit, hindi ito gumanti ng yakap pero hindi rin siya nito tinulak, umiyak lang ito ng umiyak at hinayaan lang niya ito hanggang sa wakas ay tumahan na rin ito, hinawakan niya ito sa balikat at pinaka titigan. “Have you been eating?” tanong niya sa babae na hindi nito tinugon, hindi rin naman niya kailangan ang sagot nito, sapat na ang nakikita niya ngayon to know na pinababayaan nito ang sarili.
 
“Come let’s eat” sabi niya sa babae na marahang umiling “I want to be with my son” sa mahinang tinig ay turan nito, lihim naman siyang napailing, sa ginagawa kasi nito ay di malayong ito naman ang kasunod na isusugod sa ICU. “No, you will eat Allison” deklara niya, ginamitan na niya ito ng authority dahilan upang sumama ang tingin nito sa kanya, bumuntong hininga muna siya bago nag paliwanag sa babae “Do you want Gideon to see you like this?  I know you're worried about our son and it’s normal, I am worried too, but neglecting your own health will not do him any better, we need to be strong for our son Allison, when he open his eyes, he need to see us strong, haharap ka sa anak natin ng ganyan? Ang payat payat mo na, namumutla ka, halos hindi ka na rin makatayo on your own dahil nanghihina ka, I will not let you keep on torturing yourself, kakain tayo whether you like it or not” mahaba niyang turan, thankfully ay naunawaan naman siya ng babae at nakatungong pumayag. Nang makasalubong nila si Manang Doris ay sinabi niya ritong ito muna ang bahala kay Gideon dahil kakain lang sila ni Allison, mabilis namang tumango ang ginang, nginitian pa nga siya nito saka bumulong ng pasasalamat, nginitian din niya ang ginang bago tuluyang iginiya ang babae papunta sa cafeteria ng hospital, unlike other hospitals ay masarap ang mga pagkain doon kaya hindi na siya nag abalang lumabas at mag hanap ng restaurant. 

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon