I made a little revision in chapter 18 and removed the scene where i mentioned Edrics children. Because their story happened almost the same time, Magkasunod lang po sila, nauna lang ng kaunti sila Edric, so by this time kakahanap palang kay Ater at buntis palang siya. While Gideon already turned 5, Sorry sa mga nalito, nalito rin ang author nio 😅.
Also, salamat sa mga votes 😀
Happy reading Luenatics!😘
---------------------------------------
Gunnar took them to a park to have a picnic, kumpleto ang mga dala nitong gamit, simula sa sapin hanggang sa pagkain, sa dami niyon ay hindi sila magugutom kahit pa abutin sila ng gabi sa nasabing lugar, it was complete with heavy meal, fruits and snacks, all of Gideon’s favorite was there.
Masayang naghahabulan ang magama habang siya ay nakaupo lamang sa telang sapin na inilatag nila kanina, hapon narin at kanina pa nag haharutan ang dalawa sa damuhan, paminsan minsan at nakiki sali siya sa mga ito pero hindi niya kayang sabayan ang energy ng mag ama, kaya palagi siyang naiiwang mag isa sa pwesto nila sa ilalim ng malaking puno at pinapanood lamang ang dalawa. Tumigil lamang si Gideon sa pag takbo kaninang tanghali dahil patigilin niya ito, masyado na rin kasing mataas ang sikat ng araw, mabuti nalang at nagpaawat naman agad ang anak, lalo na ng sabihin ni Gunnar na mag lalaro ulit silang dalawa pag hindi na ganun kataas ang araw.
Marami na rin silang ginawang activity maliban sa pag hahabulan ng mag ama, nag biking silang tatlo kanina at kung ano-ano pang activity na pwedeng gawin sa nasabing lugar, maliban sa kanila ay mayroon ding ibang pamilya ang naroon at nag kakasiyahan, the place is simple yet beautiful, nagkalat ang mga halaman at puno sa paligid na nagbibigay ng sariwang hangin at lilim sa matinding sikat ng araw. minsan ay dinala narin niya si Gideon sa park, pero hindi ito kasing saya ng kung gaano ito kasaya ngayon, it was different, noon kasi ay silang tatlo lamang nila manang Doris ang magkasama, at dahil may edad na ang ginang ay sila lang ng anak ang nag lalaro, hindi naman niya ito kayang sabayan, hindi katulad ngayon na halos wala itong pahinga sa pakikipag lalaro sa ama nito.
“Mommy water please” sabi nito habang tumatakbo palapit sa kanya, pawisan na ulit ang damit nito, mabilis niyang inabot ang baunan nito ng tubig at inabot iyon sa anak ng makalapit ito sa kanya, habang umiinom ito ay inabot niya ang bag na dala nila at kumuha ng damit upang mapalitan ang basa nitong t-shirt, halatang uhaw na uhaw ito dahil halos maubos nito ang laman ng baunan.
“Let’s change your t-shirt first before you play again” sabi niya rito saka hinuhubad ang suot nito, si Gunnar naman na nakasunod sa anak niya ay naupo sa kanyang tabi at bumulong sa bandang tenga niya.
“Pwede din ba akong humingi ng water mommy?” bahagya siyang bumaling sa nakangiting lalaki na halatang nag papacute, hindi niya alam kung ano ang trip nito, pero dahil mas malapit sa kanya ang tubig at alam naman niyang pagod na ito sa maghapong pakikipag habulan sa anak ay inabot narin niya ang isa sa dala nitong mineral water at ibinigay iyon sa lalaki. “Thank you mommy” nakangiti nitong turan dahilan upang tignan niya ito ng masama at sa mahinang tinig ay sinabi ritong “Tigilan mo ang pag tawag sakin ng mommy, hindi kita anak”.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...