Chapter 34

46 6 0
                                    


Panay and salag ni Gunner upang hindi siya tamaan ng iba't ibang kagamitan na lumilipad sa ere patungo sa kanyang kinatatayuan, kanina ng sambitin niya ang pangalan ng babae ay nagulat ito tapos ay biglang nag transform sa pagiging tigri. Hindi manlang siya hinayaang makahakbang palapit dito at agad na siyang pinag babato ng kung ano anong mahawakan nito, akala ba niya ay nanghihina ang babae? Eh mukhang mas malakas pa ito kay Hulk, ang daming energy sa paghahanap ng maibabato sa kanya, matapos nitong ubusin lahat ng unan pati ang comforter sa kama.

“Hayop ka!” sigaw nito habang palingon lingon sa paligid nag hahanap ng maibabato nanaman sa kanya. Nang wala na itong makita dahil lahat ata ng gamit sa loob ng silid na iyon ay nasa labas na ng pinto o di naman kaya ay nasa paanan niya, ay masama siya nitong tinignan, saka malalaki ang hakbang na sumugod sa kanya. Dapat siyang kabahan dahil siguradong titirisin siya ng babae kapag nakalapit ito sa kanya, pero imbes na matakot ay mas nag alala siya ng makita ang tila panghihina ng tuhod nito dahilan upang mawalan ito ng panimbang.

Mabilis siyang kumilos upang saluhin ang babae “Allison dahan dahan naman mahal ko” may pag aalala niyang paalala sa babaeng tila sinapian ng sampong demonyo kung makapalag mula sa pagkakahawak niya rito, panay ang hampas at pag mumura nito sa kanya habang inaalalayan niya itong makatayo ng maayos.

“Walang hiya ka! Hayop ka! Wala kang puso, wala kang kwentang tao, mamatay kana!” sunod sunod nitong turan habang binabayo ang kanyang dibdib, masakit pakinggan ang mga lumalabas sa bibig nito, maging ang mga tama na natatamo niya mula sa pananakit nito sa kanya. Pero hinayaan lang niya ang babae, hinayaan niya itong ilabas ang galit nito sa kanya, deserve naman niya sa dami ng kasalanan niya rito.

Hindi niya ito binitawan kahit panay ang tulak nito sa kanya, tila ba diring diri ito sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan “Tama na Allison, hinang hina kana oh” nakikiusap niyang turan sa babae habang hawak ito sa bewang upang huwag itong matumba. Wala siyang pakialam kahit mag mukha pa siyang ube mamaya sa dami ng hampas, sampal at suntok na inabot niya sa babae, mas nag aalala siya sa kalagayan nito. Hilam ng luha ang mga mata nito habang walang tigil siyang isinusumpa.

“Ang kapal ng mukha mo! Halimaw ka! Hayop ka!” patuloy parin ito sa pag wawala, para itong wala sa sarili, habang panay ang iyak at hampas sa kanya. Hinawakan niya ito sa magkabilang pulso, inipit niya iyon sa pagitan nilang dalawa saka ito niyakap ng buong higpit. “Shhhh, tahan na, I’m sorry baby, hindi ko na uulitin, pangako hindi na talaga kita sasaktan, babawi ako, ssshhhh” mahina niyang bulong sa tenga ng babae hoping it will help her calm down, sa awa naman ng Diyos ay unti unti itong tumigil sa pag palag pero patuloy parin sa pag iyak. Masuyo niyang hinahaplos ang likod nito habang tinataniman niya ito ng maliliit na halik sa bandang tenga.

Nang medyo kumalma na ito ay muli siya nitong itinulak, marahan naman niyang niluwagan ang pagkakayakap rito, pero hindi niya tuluyan inalis ang mga kamay sa bewang nito, nag aalala siyang baka matumba ang babae kapag binitawan niya ito

“B-bakit? Ano b-bang nagawa kong ka-salanan sa-sayo? Bakit lahat ng mahalaga sakin k-kinukuha mo?” nauutal nitong turan dahil sa labis na pag iyak “N-noong una si A-alyssa a-at si Mommy, nawala sila s-sakin dahil sayo, si A-alyssa lang ang me-meron ako noon Gunnar. G-galit ako s-sayo k-kasi ikaw ang dahilan kung bakit n-namatay ang kakambal ko! P-pero k-kahit ganun, hindi ako gumanti, Hi-hindi kita ginulo, nabuhay ako ng tahimik. Ta-tapos ngayon p-pati si Gi-gideon inagaw mo sa-sakin, bakit? S-sana pinatay mo nalang ako Gunner, sana pina sagasaan mo nalang ako”

Nawawasak ang puso niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito, napakarami niyang kasalanan sa babae, hindi man siya ang pumatay sa kapatid nito, alam niyang siya ang dahilan kung bakit naiwan itong nag iisa. Hindi niya ito gustong saktan, God knows how much he loves this woman, kung pwede nga lang niyang kunin lahat ng sakit na naramdaman nito noon ay gagawin niya, pero gustuhin man nya ay hindi na niya maibabalik ang nakaraan. Kaya naman sisiguraduhin niya ngayon na hindi na ito muling masasaktan dahil sa kanya, huli na itong ipinaranas niya sa babae.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon