Happy reading! Beke nemen, libre naman po ang mag vote at comment, maramdaman ko manlang kayo 😄😅
------------------------------
KAHIT pagod sa nagdaang araw ay maaga pa ring gumising si Allison, she have a very important meeting to attend this morning at hindi niya ugali ang malate, mabilis siyang naligo at nag ayos ng sarili tapos ay lumabas ng silid dala ang kanyang bag, sakto namang dumaan ang isa niyang kasambahay, kaya inutusan niya itong dalhin sa baba ang bag niya at upang ihanda na rin ang almusal, magalang itong tumango bago inabot ang kanyang bag at naglakad pababa ng hagdan, siya naman ay nag tungo sa silid ng anak upang gisingin ito, nasa mga limang minuto rin niya itong ginising bago tuluyang bumangon at yumakap sa kanya.
“Good morning baby” pag bati niya rito saka ito hinalikan, nag good morning din ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
“Kain na tayo, Mommy needs to leave early” sabi niya sa anak na agad tumango habang kinukusot kusot ang mata nito, binuhat niya ito at naglakad palabas ng silid nito, medyo naawa pa siya sa anak ng mag hikab ito habang pababa sila ng hagdan, kaya hinalikan nalang niya ito sa pisngi at nag patuloy sa maingat na pag baba ng hagdan, ganito sila tuwing umaga, sinisigurado kasi niyang kasabay niya ito tuwing agahan dahil madalas ay late na siyang nakakauwi galing sa trabaho.
Pagdating nila sa kusina ay ideniposito niya ito sa katabi niyang upuan, ang mga kasambahay ay nag kanya kanya na rin ng upo upang saluhan silang magina, nakasanayan na nila ang ganitong setup sa hapag kainan, nalulungkot din kasi siyang kumain ng walang kasama lalo na kung nasa bahay naman siya, kaya pina pasabay na nila ang mga kasambahay.
Kahit bagong gising ay maganang kumain ang bata, katulad ng madalas ay ito ng ito ang nag sasalita, hindi niya alam kung kanino ito nag mana ng kadaldalan dahil hindi naman sila ganun kadaldal ng kambal niya, but after her unfortunate meeting with his father, ay mukhang alam na niya kung saan nito nakuha ang ugaling yun. Katulad nalang ngayon, panay ang kwento nito tungkol sa panaginip nito kahit hindi na ito masyadong makapagsalita dahil may laman ang bibig nito, panay ang paalala niya rito na wag mag salita pag may laman ang bibig pero hindi parin ito maawat sa pagsasalita, kaya hinayaan nalang niya. Pagkatapos nilang kumain ay nag paalam siya sa bata at ang bilin sa mga kasambahay ng mga dapat gawin. Pagkatapos ay ang mga guard naman sa gate ang kinausap niya, thankfully ay maayos naman ang kalagayan ng mga ito matapos ang ginawa ni Gunner kaya agad ring nakabalik sa trabaho, hindi na siya nag abalang tumawag sa agency dahil tiwala na siya sa dalawa, isa pa ay hindi naman kasalanan ng mga ito ang nangyari. Mahigpit ang naging bilin niya sa dalawa, sinigurado muna niyang naintindihan ng mga ito ang gusto niyang mangyari bago siya tuluyang sumakay sa kanyang kotse at nag drive patungong office, she is already considering getting a driver, mahirap din kasi mag maneho kapag pagod na siya galing sa maghapong pag tatrabaho.
As usual ay halos hindi na namalayan ni Allison ang pag usad ng oras, pagkatapos niyang dumalo sa meeting ay tambak ang mga papeles na kailangan niyang isa-isahin at basahin upang mapag aralan, may mga kailangan rin siyang pirmahan, kung pwede lang sana niyang hilingin na dalawa ang katawan niya ay ginawa na niya. Pero dahil imposible ang bagay na iyon ay hindi na niya pinagtuunan ng pansin, sa halip ay itinuon niya ang buong atensyon sa ginagawa, ng makarinig siya ng mahinang katok sa kanyang pinto.
“Come in” sagot niya na hindi nag aangat ng paningin mula sa binabasang dokumento.
“It’s almost past lunchtime Ma’am, what do you want me to order for you?” it was Neri, napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding saka napailing, ni hindi niya namalayang mag aala una na, salamat na lang talaga sa assistant niya at hindi siya tuluyang nalilipasan ng gutom.
“Anything will do” sagot niya rito matapos na muling ibalik ang paningin sa binabasa, narinig niya ang marahang pagsara ng pinto palatandaan na lumabas na ang babae, hindi naman niya iyon pinansin dahil napakunot ang kanyang noo sa binabasang report. Inulit niya iyong basahin dahil baka mali lang siya ng pagkakaintindi, ng siguradong may mali ay binuksan niya ang drawer at may kinuha roong dokumento, muli niya iyong binasa at pinag kompara ang dalawa, kung hindi mabilis ang mata at kung hindi matalas sa detalye ang nag babasa ng dalawang report ay hindi agad mapapansin ang pagkakaiba ng dalawang dokumento, pero hindi siya naging CEO ng kompanyang ito kung madali siyang maloko. Dinampot niya ang kanyang cellphone at may tinawagan, isang ring lang ay sinagot na kaagad siya ng nasa kabilang linya.
“Hindi pa ba tapos ang pinapagawa ko sayo? Dalawang linggo na ahh” bungad agad niya rito na hindi na hinintay na makapag salita ito.
“I’m actually on my way to your office Ma’am, I already have everything” sagot nito sa mababang tinig. It was Dandy, her trusted person in the accounting department, hindi mataas ang posisyon nito sa kompanya niya, pero mas may tiwala siya rito kompara sa nakaupong Accounting Manager. Nakilala niya si Dandy ng tumayo siyang CEO ng kompanya, aksidente lang niya itong nakita sa hospital, nalaman niyang nag aagaw buhay ang asawa at nag iisa nitong anak at kailangan agad maoperahan, hindi siya nag dalawang isip na sagutin ang mga gastusin na siyang naging dahilan upang maging tapat ito sa kanya.
“Make it quick” she answered impatiently, sanay na ito sa kanya, alam nitong ganun siya kapag may bagay na nagpapainit ng kanyang ulo. Hindi naman nag laon ay pumasok ito ng kanyang office kasunod si Neri na dala ang kanyang pagkain. Hinayaan lang niya ang babae na ilapag iyon sa kanyang lamesa saka ito inutusang bumalik na sa trabaho nito, iminuwestra naman niya ang upuan kay Dandy upang maupo ito roon.
“Talk” utos niya sa lalaki na agad namang inabot sa kanya ang mga dokumentong nakalap nito sa pag iimbestiga. Habang binabasa niya ang mga iyon, at habang nakikinig sa mga sinasabi ng lalaki ay unti unting nag didikit ang kanyang dalawang kilay. How dare they to steal from her!
“Kelan pa ito Dandy?” nanggagalaiti niyang tanong, nanginginig ang kanyang kalamnan sa sobrang galit, she may be a strict boss, but she made sure to always give what’s best for her employees, the salary grade in her company is above the standard, the benefits are competitive, kaya nga maraming magagaling ang gustong mag trabaho sa kanya dahil sa maganda niyang pasahod at pagtrato sa mga tao, pagkatapos pag nanakawan pa siya ng mga ito na akala mo hindi niya binabayaran ang mga ito?
“Kamakailan lang po Ma'am, nag sisimula palang sila ng nadiskubre ninyo ang ginagawa nila at mag imbestiga” kalmado nitong tugon. “Kakasimula lang but they already taken 50 million from me!” turan niya, huminga siya ng malalim saka pilit kinalma ang sarili. “what’s your plan Ma'am? Ano po ang gusto ninyong gawin ko?” seryoso nitong tanong, she knew that this man genuinely care for the company.
“What do you say about being an Accounting Manager Dandy?” tanong niya sa lalaki matapos ilang ulit na bumuga ng hangin “Well, that’s a ver—” unti unting nanlaki ang mga mata nito ng marealize ang tinutukoy niya.
“Uhm, Ma’am, mali po yata ako ng pag kakaintindi” tila naiilang nitong turan, nginitian naman niya ito, Dandy may not be qualified for the role because his credentials falls short to be a manager, but she value trust more than educational background.
“Don’t worry, I will shoulder all expenses in your studies and training, you will need that to be able to take on the position, now what I want to know is, are you willing to step up and be the Accounting Manager I can rely on? You know I give a high Sala—”
“Yes Ma'am! Yes Ma'am, Yes Ma’am” sunod sunod nitong turan, hindi na siya natapos sa pagsasalita dahil sa sobrang excitement nito, napangiti naman siya, pero agad rin niyang ibinalik ang seryosong expression.
“Sa ilang taon nating pagsasama Dandy, siguro naman ay kilala mo na ako. You know very well that I only trust once, and when I trust a person, I give them my 100%. You also know what I do to people who betray my trust, they face the worst consequence” matalim ang mga mata niyang turan sa lalaki. Nakangiti naman itong tumango sa kanya. “You have done so much for me and my family Ma’am, and this opportunity, I will not have it in other company even if I kill myself with so much work. While you give me the chance I never deserve because of my incompetent credential. Now that you gave me this opportunity, I will never waste it, I will remain loyal to you until you decide to throw me out” sincere nitong turan.
“I don't go around throwing people I trust and value, even if they no longer have use to me” sagot naman niya rito saka ito sinenyasang lumabas, nag bilin lang siya rito na manatiling tahimik at hintayin ang tawag niya dahil kailangan muna niyang mag linis ng kalat. Nakakaintindi naman itong tumango, ng makalabas ito ng pinto ay tinawagan niya ang assistant upang i-cancel ang iba niyang appointment at papuntahin sa office ang kanyang abogado.
Three hours later ay kaharap na niya ang pinagkakatiwalaang abogado at matalik na kaibigang si Autumn. “I want to destroy someone; can you make it legal?” bungad niya sa kaibigan na pinaikutan siya ng mata.
“Piece of cake, but I need to know why” sagot naman nito saka umupo sa sofa sa loob ng kanyang opisina. “They stole 50 million from me” kibit balikat niyang turan sabay bigay dito ng lahat ng mga dokumentong hawak niya” binasa naman iyon ng kaibigan at napailing nalang ito.
“Okay, ako na ang bahala rito, I will prioritize this after my current case” sabi nito saka tumayo at akmang lalabas ng kanyang office.
“But I want them arrested now Au, you can do it right?” nakataas ang kilay niyang tanong sa kaibigan na muling nagpaikot ng mata ay bumalik sa kinauupuan nito, tapos ay may mga tinawagan ito sa telepono, siya naman ay nag patuloy na sa ginagawa, tiwala siyang magagawa ng kaibigan ang hiling niya. After 30 minutes ay muli itong tumayo at humarap sa kanya, nakangiti naman siyang bumaling sa babae.
“You know, your creepy when you smile like that Als” sabi nito na bahagyang nakangiwi.
“Say’s the woman who becomes a monster in a courtroom” balik niya sa kaibigan, Autumn is well known in her chosen field, she is called the Iron lady, while some call her the slayer dahil wala itong ipinatalong kaso, kahit gaano kalaki ang kalaban nitong tao ay palagi itong nananalo.
“Whatever” sagot nalang nito not wanting to dwell too much on that topic “The warrant will be release in 30 minutes and the Police will take them by that time, and yes” mabilis nitong dugtong ng akma siyang magtatanong “They will not be able to bail out don't worry, starting today, they will rot in jail” sabi nito saka tumalikod sa kanya at nag lakad palabas ng kanyang opisina, mukhang nag mamadali talaga ito, mabuti nalang bestfriend sila kaya naisisingit siya nito sa napaka busy nitong schedule.
“You really know me too well huh” sabi niya sa papalayong kaibigan na kumaway nalang sa kanya habang naglalakad. Siya naman ay sumandal sa kanyang upuan, looks like she will need to temporarily take on the role habang hinihintay niyang maging handa si Dandy, that is too much of additional load for her, but she prefer that, than to put someone she doesn't trust in that critical position.
ABALA siya sa pag sign ng mga cheke na kailangan na niyang pirmahan ng tumunog ang kanyang telepono, saglit niyang itinigil ang ginagawa ng makita kung sino ang tumatawag. Sinagot niya iyon at hinayaang mag salita ang nasa kabilang linya.
“No, from now on, you and your husband is no longer allowed to visit my son” agad niyang sagot ng sabihin nito ang pakay, saglit na natahimik ang nasa kabilang linya at ilang minuto ang lumipas bago ito muling nagsalita.
“May we know why hija? Ginawa naman namin ang kondisyon mo” sabi nito
“Yes. However, mukhang na misinterpret ng anak ninyo ang pagbibigay ko sa inyo ng kalayaang dalawain ang anak ko, and pestered me yesterday. So, no, from now on you can no longer visit my son so your son will not misinterpret my kindness towards you and your husband”
“What exactly did he do?” tanong ng lalaki sa kabilang linya, bahagya niyang nailayo ang telepono sa tenga dahil nagulat siya na ito na ang nag salita gayong si Mrs. Silva ang kausap niya.
“Why don’t you just ask him sir?” suggestion niya, papatayin na sana niya ang telepono pero napatigil siya ng marinig ang mahinang pag hikbi ng ginang sa kabilang linya, hindi niya alam pero nakaramdam siya ng awa rito kaya muli siyang nag salita.
“If you can restrain your son from pestering us, then maybe I will let you visit my son again, but if you cannot restrain him, I’m sorry you better start forgetting about Giddy” pagtatapos niya sa tawag. Muli siyang napasandal sa kanyang upuan at napahawak sa kanyang sentido, masakit na iyon sa dami ng problema niya, if only Alyssa was here, may katuwang sana siya sa mga responsibilidad na pasan niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...