Chapter 8

77 8 0
                                    


 


Napahilamos na lang si Gunner sa sariling mukha dahil sa matinding pagkainis, sinubukan niyang makakuha ng appointment kay Allison para mapagusapan nila ang mga bagay na kailangan nilang ayusin tungkol sa bata, he even personally went to her office pero wala siyang napala. Kaya naman kinulit niya ang pinsang si Thor, Isa ito sa kambal na anak ng kanyang Tita Fire at Tito Puma. Pinakiusapan, more like pinilit niya itong i-hack ang ipad ng assistant ni Allison at isingit ang pangalan niya sa schedule ng babae. Ang problema ay masyadong magaling ang IT team nito dahil hindi makapasok ang pinsan niya, na ngayon ay panay na ang pagmumura, inaasahan na niyang magagaling ang mga nag tatrabaho para sa babae, pero para maharang ng mga ito ang pinsan niya? They must be really, really, good, Thor is an excellent hacker, magaling ito sa kahit anong bagay na may kinalaman sa computer at technology, walang kahirap hirap itong naglalabas masok sa system ng mga kilalang ahensya dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, kaya hindi nito matanggap na hindi nito mapasok ang system na gustong pasukin. Siya naman ay napailing iling nalang, hindi malaman kung kanino maaawa, sa pinsan niya na siguradong sugatan ang ego o sa laptop ng gamit nito na malapit na atang umusok sa diin ng pagtipa nito.
 
Sunod niyang tinawagan ang pinsang si Zil, isa naman ito sa kambal na anak ng kanyang Tito Dane at Tita Chelle, madalas lang may sapi ang pinsan niyang ito pero magaling itong abogado, ang problema ay wala ring nagawa ang lalaki. Talagang walang planong makisama ang babaeng iyon sa kanya at plano siyang pahirapan, at aaminin niyang nahihirapan siya sa panggigipit nito, ngayon lang niya naranasan ang ganito na kahit anong gawin niya ay wala siyang magawa, it only shows that she is also capable, just like him, gayon pa man ay hindi siya susuko, isang butas lang ang kailangan niya at siguradong ito naman ang mahihirapan, gusto sana niya ng maayos at fair na usapan alang alang sa anak niya, but she is leaving him no choice but to us dirty little tricks.
 
Pinakalman niya ang sarili at nag isip ng dapat gawin, hindi na rin kasi niya pwedeng gawin ang ginawa kahapon dahil napag handaan na iyon ng babae, sinubukan ulit niyang bumalik sa subdivision kung saan ito nakatira kanina, pero ayaw na siyang papasukin ng guard sa ilalim ng utos ng mayari, hindi na niya kailangang manghula kung sino ang nag report sa kanya sa may ari, sigurado siya na kagagawan iyon ni Allison.  
 
KASALUKUYAN siyang nagdadrive pauwi sa kanyang unit upang mag handa sa planong pagpasok sa bahay ng babae mamayang gabi, kung ayaw siyang papasukin ng mga guard eh di siya nalang ang mag papapasok sa kanyang sarili, hindi naman mahirap gawin ang bagay na iyon, gusto lang naman niyang makita ang anak at maghanap na rin ng kahit anong pwede niyang magamit laban sa babae na may pusong bato. Nang medyo malapit na siya sa kanyang condo ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, ng makitang ang ama ang tumatawag ay mabilis niya iyong sinagot.
 
“Dad” bungad niya rito.
 
“Come here, now Gunner” sabi nito sa seryosong tinig, napakunot naman ang noo niya sa kaseryosohan ng ama, nag tataka man ay iniliko pa rin niya ang sasakyan upang magtungo sa tahanan ng mga magulang. Katulad ng madalas niyang abutan ay nakaupo ang mga ito sa sala at talagang hinihintay siya.
 
“Good evening, Mom, Dad. Why did you calm me? May kailangan kayo?” tanong niya sa mga ito.
 
“What did you do to Allison?” diretsong tanong ng ama na ikina taas ng kilay niya.
 
“Wala naman, wala pa akong ginagawa, may gagawin palang, why?” sagot niya rito, pero halatang hindi ito naniniwala sa sinabi niya kaya bumuntong hininga siya. “Fine! I talked to her yesterday” dagdag niya.
 
“You just talk to her?” nakataas ang kilay na tanong ng ama, halatang walang tiwala sa kanya.
 
“Yes, why?”
 
“Don’t lie to us Gregory Gunner” singit ng kanyang ina ng tila hindi na ito nakapag pigil “Galit na galit sayo si Allison”
 
“Mom, galit na talaga sya sakin nung una palang, remember? what’s new?” kibit balikat niyang tugon sa ina.
 
“You don't talk to your mother that way Gregory Gunner” puno ng awtoridad na turan ng kanyang ama, pinaka ayaw talaga nito pag medyo napapasagot sila ni Conall sa mommy nila.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon