Chapter 12

60 4 0
                                    


 

She sat silently on her swivel chair, lost in her thoughts, this has been the usual scenario in her office since last week. That night, she was not able to answer her son’s question, and Gideon never pursued an answer from her, when she couldn’t answer him for a few minutes, he just asked her another question, like he was trying to change the topic so as not to pressure her, and it bothered her. So, she did what she thought was best to do, and that is to talk to her son before sending him to bed. She only tried to explain that she can't answer his question yet, but she will in time, her son just nodded and smiled at her as he kissed her on the chick and bid good night. Gayon pa man ay hindi pa rin siya mapalagay kahit nakapag paliwanag naman siya sa bata, she knew he is just waiting for her to give him the answer he need, kahit hindi ito muling magtanong, alam niyang nag hihintay ito ng sagot, she can see it in his innocent eyes. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang totoo, na ang lalaking kasama nito ng araw na iyon ay hindi talaga niya kaibigan, kundi kapatid ng ama nito, nag dududa tuloy siya ngayon, baka may sinabi si Conall sa anak niya habang nag lalaro ang mga ito at malayo ang mga bantay, kaya bigla itong nag tanong, but she can't just blame him, especially that she knew this kind of question will soon come, it just came out sooner than what she expected.

 

“Ma’am, Nag pa-follow up na po ang mga taga accounting sa cheke na pinapa sign nila sa inyo” turan ng secretary niyang hindi man lang niya napansing pumasok sa loob ng kanyang office.

 

“Ahh, yeah, I will sign them tell them to get it here later before twelve” tugon niya sa babae saka nag simulang damputin ang mga dokumento upang basahin iyon bago siya pumirma, ipinilig muna niya ang ulo hoping that by doing that, ay maiwawaksi niya kahit sandali lang ang mga isipin. Kahit naman paano na gumana iyon. Hindi pa siya nangangalahati sa ginagawa ay nakatanggap siya ng tawag mula sa bahay, bahagyang napakunot ang noo niya ng makitang si Manang Doris ang caller.

 

“Manang? You need something?” bungad niya sa ginang, tumatawag lang kasi ito kapag may kailangan sa bahay o kaya ay may isasangguni na hindi na makakapag hintay na makauwi siya.

 

“Anak, si Gideon” natataranta at naiiyak nitong turan sa kabilang linya, pagkarinig sa nanginginig nitong tinig at sa pangalan ng anak ay mabilis siyang sinalakay ng matinding kaba.

 

“Anong nangyari kay Gideon Manang?” sabi niya na mabilis tumayo, halos sumigaw na siya dahilan upang dali daling pumasok sa kanyang office si Neri.

 

“Ma’am bakit po kayo sumisigaw?” nag aalala nitong tanong, hindi na siya nag abalang sagutin ang babae at nag bilin na lamang dito

 

“Neri kaw na muna ang bahala rito may emergency ako sa bahay” sabi niya sa babae saka nag mamadaling tumakbo palabas ng office. Mabilis siyang lumulan sa kanyang sasakyan ng makarating siya sa basement, saka tinawagan si Manang Doris, naputol kasi ang tawag nito kanina ng makarinig siya ng ingay sa background nito, habang nasa telepono ay umiiyak na ipinaliwanag ng matanda ang pangyayari, ayon dito ay nasa may pinto si Gideon ng dumating ang delivery ng tubig kanina, bigla na lang daw itong tumakbo palabas ng gate, ng may makitang lalaki na puno ng tattoo sa di kalayuan, dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ito nagawang awatin ng guard at ng bantay nito dahilan upang mabundol ang anak niya at tumilapon sa kalsada.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon