Allison woke up early, hindi rin siya nakatulog ng maayos, it has been a few days since Gunnar told her that he wanted to court her. Kung di ba naman baliw ang lalaking iyon, binuntis ang kambal niya, iniwan sa ere at ipinagtabuyan, tapos ngayon siya na naman ang gustong tuhugin, hindi tuloy niya maiwasan ang mainis dito. She wants to consider the fact na wala itong ideya na hindi siya kundi ang kakambal niya ang nabuntis nito, but she still can't accept that as a reason. Hindi ba dapat kahit papaano ay inalam muna nito ang ibang bagay tungkol sa babaeng ikinakama nito? katulad nalang kung may sakit ba ang babae o wala, hindi yung arya lang ito ng arya, basta may nakitang butas tusok lang ng tusok. Hindi naman sa sinasabi niyang may sakit ang kakambal, what she want so to say is, he should at least find a way to know the basic details about the woman he is bedding. Kaso ang damuho, ni hindi man lang alam na may kambal ang babaeng binuntis nito, patunay na ang pag aakala nito na siya ang ina ni Gideon. Kung alam kaya nito ang totoo, mag lakas loob pa kaya itong ligawan siya? well, she can't guess, but knowing what kind of man he is, hindi malabong mangyari ang bagay na iyon, ano pa ba ang aasahan niya sa lalaking katulad nito? He is the worst! kaya hindi pa rin talaga nagbabago ang opinyon niya tungkol sa lalaki, he is a good father to be specific, but in a general perspective, he is still an asshole.
Yamang hindi na rin lang naman siya nakakatulog ay nagpasya na lang siyang mag ayos ng maaga upang maagang simulan ang kanyang mga kailangang gawin, kaya naman 7am pa lang ng umaga ay nasa office na siya, nagulat pa siya ng makita ang secretary niya na halos hindi magkandaugaga sa pag aasikaso ng mga bulaklak sa loob ng kanyang opisina.
“What are these Neri? Bakit ang daming bulaklak dito? at ano ang mga paper bag na yan?” nag tataka niyang tanong sa assistant na mabilis tumigil sa ginagawa nito at nakangiting humarap sa kanya.
“Good morning mam, sorry hindi ko kayo agad napansin, these are all for you ma'am, inaayos ko lang para sana hindi masyadong magulo tingnan pag dating ninyo, ang dami kasi” tila kinikilig nitong turan na ikinataas ng kilay niya.
“For me? Kanino daw galing?” tanong niya dito kahit may idea na siya kung kanino iyon galing. “May card po na nakalagay doon sa flower na ipinatong ko sa table ninyo mam” saglit niyang tinignan ang mga bulaklak saka nag simulang mag lakad palapit sa kanyang table at ipinatong ang bag sa taas niyon, saka kinuha ang maliit na card na nakalagay sa bulaklak and read the message.
"Good morning, beautiful! I just want to formally inform you that starting today, I will officialy court you, better prepare yourself, because I will not stop until you’re mine, again.
have a wonderful day, beautiful, I hope you like the flowers and my gifts just the way I like you.
Your handsome not to mention hunk suitor"
-Gun
Napapailing niyang isinara ang maliit na card, hindi niya malaman kung matatawa o tataas ang kilay sa kayabangan ng lalaki, handsome and not to mention hunk? Baka hawk. Gayon pa man ay isa isa niyang tinignan ang laman ng mga paper bag, napakarami niyon para sa pagsisimula ng panligaw, ni hindi nga niya ito pinayagan, but Gunnar is Gunnar, walang pakialam sa sasabihin ng iba, basta ang gusto lang nito ang mahalaga para sa lalaki. Kesa ma-stress sa kakulitan ng lalaki ay ininjoy nalang niya ang ginagawang pag bukas ng mga regalo, wala naman siyang planong tanggapin ang mga iyon, she will just look at it and see kung anong klaseng regalo ang ipinagmamalaki nito.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
Любовные романыGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...