Palihim na sinundan ng tingin ni Gunner si Allison habang umaakyat ito ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang silid nito. It took all his will power and self-control to stop himself from hugging and kissing her. God! he missed her so much, she looked even more beautiful, parang hindi manlang talaga ito naapektuhan sa hindi niya pagpapakita ng isang linggo, umasa pa naman siya na namiss rin siya ng babae and it really hurts to see her completely unaffected. Napabuntong hininga nalang siya ng tuluyan itong mawala sa kanyang paningin, kaya naman muli nalang niyang ibinaling ang atensyon sa anak na matiim namang nakatitig sa kanya, at bago pa man niya ito matanong kung bakit ito nakatitig sa kanya ay naunahan na siya nitong mag tanong.
“Did you have a fight with mommy daddy?” bahagya siyang napipilan sa tanong ng anak, seryoso ang mukha nito at naka cross pa ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib habang nakatingin sa kanya at tila nag hihintay ng paliwanag. Parang gusto tuloy niyang batukan ang sarili ng mga oras na iyon, how could he forget that his son was there, having a smart child is something a parent should really be proud of, but it also sucks sometimes, because it’s hard to hide and explain to them.
“No buddy, but we had a little misunderstanding” sagot niya rito bago ngumiti at binuhat ito upang dalhin sa silid nito katulad ng bilin ni Allison, tinignan lang siya ng anak na tila ba hindi ito naniniwala sa kanya, kaya ginulo niya ang buhok nito kasabay ng bahagyang pag kiliti rito dahilan upang mawala ang kaseryosohan nito at humagikhik. Hearing Gideon’s laughter makes him happy, namiss rin niya ito dahil isang linggo rin silang hindi nag kita dahil nga nag papamiss siya na hindi naman gumana.
“Buddy” pag kuha niya sa atensyon ng anak matapos itong tumawa, medyo kinakabahan siya but he needs to talk to his son, malaking sugal ang gagawin niya dahil mas mataas ang chance na mas piliin nitong kumampi sa ina kesa sa kanya, but he will still try. “Yes, po daddy?” nakangiti nitong tugon, huminga muna siya ng malalim at pumasok sa silid ng anak, nag lakad siya palapit sa kama nito at maingat itong inilapag doon bago niya sinimulang mag paliwanag, hoping na maunawaan siya nito at pumayag ito sa plano niya.
ALLISON come out of the CR and went to her closet upang kumuha ng pantulog, isang simple na spaghetti strap lingerie ang napili niya, hindi iyong reveling, tama lang ang tabas niyon upang takpan ang cleavage niya ngunit sapat rin upang makita ang puno ng kanyang dibdib, umabot iyon hanggang sa gitna ng kanyang hita at hindi ganun ka body hugging ang tela, pero dahil likas na makurba ang kanyang katawan ay kita parin ang natural niyang hubog, pinatungan niya iyon ng see through na robe saka nag suklay at tinuyo ang buhok, nag pahid din siya ng lotion bago lumabas ng silid upang silipin ang anak sa silid nito. Pag bukas niya ng pinto ay hindi pa tulog ang mag-ama kaya napilitan siyang pumasok sa loob dahil na rin sa tinawag siya ng anak. Nakapwesto ito sa gitna habang ang ama nito sa nasa bandang kaliwa nito.
“Mommy, tabi ka samin ni daddy matulog please” pakiusap ng anak, gusto sana niya itong tanggihan ngunit mabilis na nalungkot ang ekspresyon ng mukha nito ng sinubukan niyang magdahilan, kaya naman bumuntong hininga nalang siya at lumapit sa kama nito, nahiga siya sa tabi ng anak sa bandang kanan kaya napapagitnaan nila ito ngayon. Agad na lumiwanag ang mukha nito ng mahiga siya sa tabi nito dahilan upang mapangiti na rin siya. Habang nakahiga ay ramdam niya ang titig ni Gunner sa kanya pero hindi nalang niya ito pinansin, inayos niya ang pwesto nilang nag-ina bago niyakap ang anak, hinalikan rin niya ito sa noo bago umusal ng I love you at good night na tinugon naman nito, nakatagilid siya ng higa paharap sa anak, kaya nakaharap rin siya kay Gunner na nakatitig parin sa kanya, ng makitang pumikit si Gideon matapos mag good night sa ama nito ay ipinikit na rin niya ang mga mata, not wanting to look to at Gunner dahil natatakot siyang makita nito ang kanyang emosyon, masaya na siya na kasama nila ito ngayon, and she is so tired, kaya naman hindi na niya namalayan ng hilahin siya ng antok.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...