Chapter 37

80 5 0
                                        

“Mommmmyyyy” malakas na sigaw ni Gideon ng makita siya nitong bumaba ng sasakyan, mabilis itong bumaba mula sa bisig ng lolo nito at nakabuka ang mga braso na tumakbo upang salubungin siya, hindi narin niya napigilan ang sariling emosyon at maging siya ay napatakbo pasalubong sa anak, ng magkalapit sila ay mabilis siyang lumuhod ay niyakap ito ng buong higpit, matagal siyang nanabik sa pagkakataon na muling mayakap at makasama ang anak, pakiramdam niya ay ilang taon sila nitong hindi nakita.

“I miss you baby” lumuluha niyang turan sa anak na mahigpit ring nakayakap sa kanyang leeg.

“I miss you too mommy” turan nito ng humiwalay mula sa kanyang pag kakayakap.

“Don’t cry Mom, you should smile, magiging ugly ka po niyan mamaya” sabi nito sabay punas sa kanyang pisngi, napangiti siya sa sweet gesture ng anak.

“I’m just so happy that we are together again baby”

“I know, I’m happy too, very. But you can't be ugly today mommy, please stop crying na po, you should be super pretty for later” nakangiti nitong turan na ikinakunot ng kanyang noo. Noon lang niya napansin na bihis na bihis ang anak, he is wearing an off-white coat, he looks like a little gentleman.

“What do you mean baby?” hindi niya napigilang itanong dito, pero nginitian lang siya ng anak saka siya nito hinalikan sa pisngi “I love you mommy, I want twin brothers and sisters po ahh” sabi ito saka muling tumakbo pabalik sa lolo nito na ayos na ayos din, nag tataka niyang inilibot ang kanyang mga mata sa paligid, at lahat ng taong naroon ay nakabihis like they are in an event.

Akma siyang mag tatanong kay Gunnar ng bigla na lang siyang hawakan ng isang babae, sa pag kakatanda niya ay Aster ang pangalan nito, na meet niya ito noon sa birthday party ni Gideon. Masuyo ang pag kakangiti nito sa kanya pero hindi parin napapawi ang pag tataka niya,

“Come, you need to change, the glam team is waiting for you inside” sabi ng kasama nitong babae saka siya hinila, luminga linga siya upang hanapin si Gunnar, gusto niya itong makausap at para narin mag tanong, nakita niya ito sa isang sulok kausap ang mga pinsan nito, ng mag salubong ang kanilang mga mata ay kinindatan lang siya ng lalaki at hinayaang hilain ni Aster at ng dalawa pang babae na kasama nito. Nakilala na niya ang mga ito pero hindi niya maalala ang pangalan.

Nang nasa loob na sila ng bahay ay tumigil siya sa pag lalakad “Wait” sabi niya kasabay ng pag angat sa dalawang kamay, napahinto rin ang tatlo sa pag lalakad at sabay sabay na napako sa kanya ang mata ng mga ito, mahinahon niyang pinalis ang kamay ni Aster na nakahawak sa kanyang braso saka huminga ng malalim.

“I don’t understand, what is happening? Where are we going? Why do I need to change? And why would I need a glam team?” sunod sunod niyang tanong. Matamis naman siyang nginitian ni Aster at ng babaeng pinaka madaldal sa tatlo, habang ang isa pa ay napahawak sa noo nito at napailing iling.

“Silly, of course you need them to prepare you for the wedding” tila kinikilig na turan ng madaldal na babae.

“Wedding? Who’s wedding? I did not receive any invitation and I’m not a fan of gate crashing” tugon niya na ikinatawa ng babae, “and I’m sorry I mean no offense but may I ask for your name? sorry I’m not really good at names—” napatigil siya sa pag sasalita ng nakangiting inangat ng madaldal na babae ang kamay nito signaling her to stop.

 “Okay, it seems that our groom did a very great job of informing his bride of what is about to take place in the beautiful garden of this house, so let me explain, but before I explain, first” bahagya itong tumigil sa pagsasalita at tumingin sa mga kasama nito bago muling humarap sa kanya.

“I am Yarrow and this is my sister na sister in law narin, Aster, and our dear friend Freia” pag papakilala nito sa sarili at mga kasama, mukhang hindi naman ito na offend na hindi niya maalala ang pangalan ng mga ito. Matapos mag pakilala ay inabot nito ang dalawa niyang kamay ay masuyo iyong pinisil, she looked at her intently as if trying to read her mind, huminga muna ito ng malalim bago muling nag salita.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon