Ibinaba niya ang anak saka tinakpan ang dalawa nitong tenga dahil hindi niya gustong marinig nito ang mga sasabihin niya.
“Sa kamalas malasan ay ang walang kwenta at kasumpa sumpang lalaking ito po ang naging ama ng anak ko” turan niya habang nakatitig ang kanyang matalim na mga mata sa lalaking nakaawang ang mga labi habang tila hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli niyang kinarga ang anak at nag lakad palayo sa lalaking iyon at sa mga magulang nito bago pa siya tuluyang mawalan ng control sa sarili at masakal niya ito.
“Ice cream mommy” narinig niyang turan ng anak habang ang mukha nito ay malungkot na nakatingin pa rin sa pinanggalingan nila.
“Mommy will buy you ice cream honey, we just need to leave immediately” baka makapatay ako anak pag hindi pa tayo umalis, siempre ay hindi na niya sinabi ang bahaging iyon sa kanyang anak, ayaw naman niyang matrauma ito sa galit niya “Promise?” nakataas pa ang kanang kamay na tanong nito, dagling napalis ang kanyang galit at nakangiting ginulo ang buhok ng anak, saka nakangiti pa ring sumagot ng oo dahilan upang umaliwalas ulit ang gwapong mukha ng anak.
GUNNER WAS JUST standing there as he watched the sexiest, prettiest yet very feisty woman walk away from him with her child in her hand. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay hindi niya maalis ang mga mata sa mag ina, he is looking at the child's sad face as he keeps on looking back at the ice cream stand behind them. As he looks at the mother and child duo, he can’t help but to notice the pair of big round ass that are bouncing sexily as the owner walks away. Nagawa lang niyang bawiin ang mata sa mag ina ng maramdaman niya ang pinong pagkurot ng ina sa kanyang tagiliran.
“Ouch Mom!” reklamo niya rito habang hinihimas ang bewang na nasaktan, habang ang kanyang ina ay namumula ang buong mukha at nanginginig ang nakatikom na kamao at galit na nakatitig sa kanya, kung hindi lang siguro siya nito anak ay binalian na siya nito ng buto.
“You have a lot of explaining to do Gregory Gunner!” mahina ngunit puno ng galit nitong turan saka siya tinalikuran at nag lakas palabas ng mall, ang ama naman niya ay mabilis na sumunod sa kanyang ina at tila kinakalma ito. He doesn’t need to be told kaya sumunod siya sa mga magulang, siguradong patay siya sa mommy niya pagdating nila sa bahay. Hindi nga siya nagkamali, dahil dumadagundong ang tinig ng kanyang ina habang pabalik balik itong nag lalakad sa harap niya.
“What was that?” medyo napapiksi siya mula sa kinauupuan sa lakas ng boses nito at dahil na rin sa nakikita niyang galit sa mukha ng ina, ito talaga ang ayaw nila kapag nagagalit ang ina, nagiging dragon kasi talaga ito, magaling panaman sa martial arts ang mommy niya kaya kung gugustuhin nito ay kaya siya nitong balian ng buto.
“Mom, please calm down” sabi niya rito sa mahinang tinig, worried that it might add to her anger.
“How can I calm down when that woman told me na anak mo ang anak niya! at halatang galit siya sayo! You also cannot deny what she said, did you saw her son? Kamukhang kamukha mo when you were his age. What have you done Gregory Gunner? Tell me this instant before I break your bones!” galit pa rin nitong turan dahilan upang mapapiksi nanaman siya. To the rescue naman agad ang kanyang ama na tumayo upang kalmahin ang kanyang ina. “Sweet, I know it’s shocking and your mad, but please calm yourself, tataas ang BP mo niyan, pag usapan natin ito ng maayos” kalmado nitong turan sa kanyang ina na mukhang gumana naman. Bumuntong hininga ang mommy niya tila pilit na kinalma ang sarili, pero nandoon pa rin ang masama nitong tingin sa kanya, naupo ito na agad namang tinabihan ng kanyang ama, humingi ng tubig ang daddy niya sa isang kasambahay na mabilis namang sumunod saka pinainom ang asawa upang mas kumalma ito.
“Now, explain” mahinahon ngunit galit paring turan ng kanyang ina, nakahinga naman siya ng maluwag, at least medyo kumalma na ito.
“I honestly don't know about the child Mom” pagtatapat niya rito.
“You don't know that you have a child?” muli nanamang tumaas ang tinig nito kaya mahigpit itong hinawakan ng kanyang ama sa kamay. “Do you think that reason is acceptable Gregory Gunner? That is so lame! How can you not know that you have a child?” pasigaw nitong tanong habang halos yakapin na ito ng kanyang ama. Medyo nag aalala narin siya dahil baka biglang tumaas ang presyon nito.
“Mom, I am playful yes, but I’m also careful, I always use protection, never even once did I forget to use protection, kaya I’m sure na wala akong nabuntis” pagpapaliwanag niya rito, hoping she will calm down a little bit, ang daddy naman niya ay patuloy sa pag haplos sa likod nito still trying to calm her.
“Then how are you going to explain that child? God Gunner! the child looks like you, para kayong pinag biyak na bunga, when I was looking at him, it was like I was staring at you and Conall when you were his age, how are you going to explain that? And that woman, she doesn't look like she’s lying about the father of her child, did you see the hatred in her eyes when she looked at you? you must have done something terrible for her to say those words and to look at you like she wanted to kill you that very moment” tuloy tuloy nitong turan, maging siya ay nalilito rin, he admit, the woman looks familiar, but he really can't remember, kung nagkita na sila ng babae, kung nakatalik talaga niya ito, imposible na hindi niya ito maalala. No woman got his attention the way that woman got his attention kanina, kahit galit na galit ito sa kanya ay may binuhay itong kung ano sa kalooban niya, hindi palang niya alam sa ngayon kung ano iyon, it’s definitely not lust, but he will not deny the fact that he want to kiss her kanina, but he is sure it’s more than just lust.
“Mom, I swear, I really don't know, baka nabuntis ko nga sya? I’m not sure, please let me take care of this” sabi niya sa ina na makailang beses huminga ng malalim.
“Okay, I will let you fix this Gunner, but you better do it fast, if that child is my grandson, there is no way on earth I will let him grow without knowing us” puno ng awtoridad nitong turan na tinaguan naman niya, kung totoo nga na anak niya ang batang iyon, na malamang nga ay totoo dahil kamukha niya talaga ito, at may lukso ng dugo siyang nararamdaman para dito kanina, he will make sure that he will grow up knowing him, that he will be with him, hindi rin siya makapapayag na tuluyan itong lumaki ng walang ama. Ang problema lang ay ang ina nito, pero wala naman siyang ginusto na hindi niya nakuha, kaya sigurado siyang hindi magiging matinding problema ang babae, nagpabuntis nga ito sa kanya eh, siguradong konting hilot lang ay bibigay din ulit ito sa kanya. Hindi niya namalayan ang pag silay ng isang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi na dagli ring nawala ng sampalin siya ng sariling ina.
“Mom! What was that for?” tanong niya rito habang hinihimas ang nasaktang pisngi, hindi naman ganun kalakas ang sampal nito pero masakit parin.
“Wag mo akong pakitaan ng ganyang ngiti mo Gregory Gunner, alam ko ang tumatakbo diyan sa utak mo, manangmana ka dito sa ama mo! Siguraduhin mo lang na aayusin mo ang problemang ito dahil hindi ako uupo lang at mananahimik sa isang tabi pagkatapos ng lahat ng nalaman ko ngayong araw!” sabi ng ina saka tumayo at umakyat sa silid ng mga ito.
“Bakit ako nadamay?” tanong naman ng kanyang ama habang nakasunod ng tingin sa kanyang ina, ng mawala na ito sa paningin nilang dalawa ay nakasimangot na bumaling sa kanya ang ama. “Fix this Gunner” seryoso nitong turan na tinaguan naman niya, tapos ay tumayo ito at sumunod sa kanyang ina. “I can't believe that I lost my chance again” bagsak ang balikat na bulong ng kanyang ama habang nag lalakad ito palayo sa kanya, hindi naman niya napigilan ang mapangiti, umaasa pala ito na makakaisa sa mommy nila ngayong gabi. “Sorry Dad” hingi niya ng paumanhin dito na sinagot naman nito ng dirty finger, dahilan upang tuluyan siyang matawa. Pero nag laho rin ang kanyang pagkakangiti ng maalala ang babaeng iyon at ang kanyang anak, ano kaya ang gagawin niya?
ONE WEEK PASSED since that fateful day in the mall, it took her 3 days to completely calm herself, galit na galit talaga siya sa lalaking iyon, napaka laki ng kasalanan nito sa kanya, at hindi na ata talaga niya ito mapapatawad, not that she is planning to. Sumandal siya sa swivel chair at ipinikit ang mga mata, she is so stress with all the responsibilities that she carry on her shoulder, tapos dumagdag pa ang damuhong lalaking yun. Kailangan niyang matapos permahan lahat ng dokumento na nasa harap niya, at kailangan niya iyong tapusin bago mag alas singko ng hapon dahil nangako siya sa anak na sabay silang mag di-dinner, nag tatampo na ito dahil ilang araw na silang hindi nagkakasama sa pagkain.
“Neri” tawag niya sa kanyang ever loyal na secretary through the intercom, Neri is older than her, secretary pa ito ng kanyang ina noong ito pa ang namamahala sa kanilang negosyo bago ito bawian ng buhay. Dahil mabait, mapagkakatiwalaan at maasahan niya ang babae ay hindi na niya ito pinalitan, naniniwala kasi siyang ang mga ganitong klase ng employee ang tunay na kayamanan ng isang kompanya.
“Yes Ma’am?” magalang nitong tugon ng makalapit sa kanya “Make me a glass of coffee please” utos niya rito na mabilis namang tumango, hindi na niya kailangang sabihin dito kung ano ang gusto niya dahil alam na iyon ng ginang, sa apat na taon ng panunungkulan nito sa kanya ay alam na nito ang mga gusto niya. Hindi naman ito nag tagal at muli ring bumalik dala ang kanyang kape. “May iba pa po ba kayong kailangan?” tanong nito ng mailapag ang dala sa harap niya. Umiling siya bilang tugon kaya tumalikod na ang babae at bumalik sa lamesa nito, dinampot niya ang kape at tinikman iyon, napangiti siya ng malahan ang tamang tama timpla ng kape. Nagpahinga muna siya ng mga sampung minuto habang nagkakape, bago muling bumalik sa pagbabasa ng mga dokumento na kailangan niyang pirmahan.
Pag sapit ng alas singko ay tapos na siya sa lahat ng kailangan niyang gawin, inayos niya iyon saka muling tinawag ang secretary upang mag bilin. “I’ll leave early today nag promise ako kay Gideon na sabay kami mag di-dinner” sabi niya sa secretary na agad namang napangiti sa sinabi niya. “Natutuwa akong makita na hindi ka nawawalan ng panahon kay Gideon” sabi nito, saksi kasi ang babae sa kawalan ng oras ng kanilang ina para sa kanila ni Alyssa. “I’m trying my best” sagot na lang niya sa ginang “And you are doing great” nakangiti nitong turan bago umalis sa kanyang harapan dala ang mga naaprubahan na niyang dokumento. Napangiti naman siya sa sinabi ng babae, sana nga ay tama ang ginagawa niya, sana nga ay talagang nabibigyan niya ng sapat na panahon ang kanyang anak.
Pagkatapos niyang mag ayos ay lumabas na siya ng gusali lulan ng kanyang Land Rover, hindi siya agad umuwi ng bahay, dumaan muna siya sa mall para bumili ng favorite donut ni Gideon, tumawag narin naman siya sa mga kasambahay upang mag luto ng paborito nitong putahe na siyang pag sasaluhan nilang magina mamaya. Pumila siya sa counter at umorder ng dalawang dosenang donut, ugali na niyang isali ang mga kasambahay sa tuwing bibili siya ng pasalubong para sa anak, bilang pasasalamat na rin sa mga ito, dahil ang mga ito ang nag aalaga sa bata sa tuwing nasa trabaho siya, kampante naman siya dahil si manang Doris din ang nag alaga sa kanila ng kakambal niya, kinuhaan na nga lang niya ito ng katuwang dahil medyo may idad na ang babae at masyadong makulit ang kanyang anak, nag iisa lang ito pero parang tatlong bata ang katumbas ng kakulitan nito.
Napakunot ang noo niya ng makita ang isang itim na BMW sa labas ng kanyang bakuran, napataas ang kilay niya, siguradong mayaman ang may ari ng sasakyan na iyon, pero hindi rin naman siya pahuhuli kung yaman ang usapan. Bumusina siya upang ipaalam sa guard ang kanyang pagdating, hindi pa tuluyang nabubuksan ang gate ay bumukas ang pinto ng BMW sa gilid at iniluwa niyon ang babaeng nabangga ng kanyang anak sa mall noong nakaraang araw, nakilala agad niya ito dahil mahirap kalimutan ang babae, sa taglay nitong ganda at karisma ay hindi talaga ito basta basta makakalimutan, simple lamang ang ayos nito ngunit hindi maipag kakaila na may sinabi ito sa buhay, hindi niya alam kung paano nito nalaman kung saan sila nakatira, gayon pa man ay bumaba rin siya ng sasakyan at hinarap ang babae, hindi naman mahirap hulaan kung ano ang pinunta nito rito.
“Can we talk?” nakangiti nitong tanong, tinignan muna niya ito ng ilang minuto bago walang imik na tumango at muling bumalik sa kanyang sasakyan, she didn't mean to be rude, pero hindi niya alam kung paano itong pakikisamahan, lalo pa at ito ang ina ng lalaking kinamumuhian niya. Saglit niyang ibinilin sa guard na papasukin ang sasakyan ng babae, bago tuluyang nag maneho papasok ng kanyang bakuran.
“Come in” walang emosyon niyang turan ng pareho na silang makababa ng kanikanilang mga sasakyan, muling tumango ang babae kaya nauna na siyang mag lakad papasok.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...