Special Chapter

98 7 1
                                    



Bahagyang yumuko si Gunnar upang alisin ang dahon ng puno na lumipad sa bulaklak na inilagay niya kanina sa puntod ni Alyssa at ng kanilang anak, ang kakambal ni Gideon. He was so broken ng malaman niya mula kay Allison na kambal ang naging anak niya kay Alyssa, hindi nabuhay ang bata dahil sa dami ng naging komplikasyon nito na bunga ng mga paghihirap na pinagdaanan ni Alyssa dahil sa kanya. Sobrang sakit pala ng mawalan ng anak, lalo na kung alam mong ikaw ang dahilan kung bakit ito nawala, ni wala siyang nagawa upang iligtas ang bata. Noon niya mas naunawaan ang pinanggagalingan ng galit ni Allison sa kanya noon, maging siya ay nakadama rin ng galit sa kanyang sarili dahil naging makasarili siya, pakiramdam niya ay wala siyang kwentang ama.

Pasalamat na lang siya dahil hindi siya pinabayaan ng asawa, inalalayan siya nitong patawarin ang kanyang sarili, it took him a while upang tanggapin ang katotohanan na ni hindi man lamang niya nakita o nahawakan man lang ang isa sa kanyang mga anghel, pero mabuti na rin siguro iyon upang hindi na mas humaba pa ang paghihirap nito.

“Hello there buddy” pag kausap niya sa puntod anak, madilim pa ang buong lugar at hindi pa nag papakita si haring araw pero naroon na siya upang mas makasama niya ito ng medyo matagal tagal. Simula ng malaman niya ang tungkol dito ay naging kagawian na nila ang mag tungo sa sementeryo kung saan ito nakalagak, noong una ay sila lamang tatlo nila Allison at Gideon ang nagtutungo roon pero di naglaon ay sumama narin ang buo niyang angkan maging mga kaibigan, doon nila inuubos ang buong araw, kung ano ano lang naman ang ginagawa nila habang kumain, merong mag lalaro sila ng kung ano anong larong pambata, hindi rin nawawala ang videoke. Kadalasan ay nauuna siya doon katulad nalang ngayon, gusto kasi niya na masolo ang anak, sa ganun paraan pakiramdam niya ay nakaka bawi siya sa mga pagkukulang niya rito.

“I hope you're okay wherever you are son, I hope you are happy right now with your Momma, and I hope that you can forgive your Papa” huminga siya ng malalim, may mga bagay talaga na hindi na natin maibabalik kahit anong pagsisisi pa ang gawin natin. Kahit napatawad na niya ang sarili ay hindi parin niya maiwasan ang makadama ng kalungkutan, hindi na ata iyon mawawala sa kanya. Hindi niya na namalayan ang paglipas ng oras, nanatili lamang siya sa pwesto at kinakausap ang puntod ng anak hanggang sa magsimula ng sumikat ang araw, nag kukwento siya rito ng kung ano ano, naging gawain na niya iyon sa tuwing dadalaw sa anak sa araw ng kamatayan nito. Natigil lang siya sa pag kausap dito ng dumating na ang kanyang mag ina.

“Dad” tawag ng ngayon ay siyam na taong gulang na niyang panganay, lumapit ito sa kanya at tulad niya ay tumunghay rin sa puntod ng tunay nitong ina at ng kakambal.

“I’m so sorry buddy” muli niyang hingi ng tawad sa anak, palagi siyang humihingi ng tawad kay Gideon kapag nandoon sila, dahil wala siya sa tabi nito at ng kakambal nito ng mga panahon na kailangan siya ng mga ito.

“Stop saying sorry already dad, it was not your fault” tugon nito na ikinangiti niya, his son is really understanding, hindi ito nagalit sa kanya kahit ng malaman nito ang buong katotohanan, pinili niyang ipag tapat dito ang totoo na hindi pala sinabi dito ni Allison, ang alam lang nito ay nasa malayo ang daddy nito. Kaya minabuti niyang umamin sa anak, ayaw niyang sa iba pa nito malaman ang totoo, bagay na hindi niya pinag sisihan dahil ngayon ay napatawad na siya nito.

“Can’t help it buddy” nakangiti niyang tugon sa anak na huminga ng malalim saka muling tumayo

“I’m going to help mom” sabi nito bago tumakbo pabalik sa sasakyang ginamit ng mga ito, lumingon siya upang sundan ng tingin ang panganay niyang anak. Lumapit ito sa asawa niyang kasalukuyang bumababa ng sasakyan habang hawak ang malaki na nitong tyan, oo buntis ulit ang kanyang asawa sa kanilang ika apat at limang anak at kabuwanan na nito, sinabihan niya itong wag ng pumunta doon dahil hirap na nga itong kumilos pero matigas ang ulo nito at pumunta parin, nginitian siya nito ng mag salubong ang kanilang mga mata kaya ngumiti narin siya, hindi talaga nag babago ang kagandahan ng babaeng mahal niya. Maingat na inalalayan ni Gideon ang mama nito habang nag lalakad palapit sa kanya, kasunod niyon ay ang pag balot ng matinis na tinig sa buong lugar, mas lumapad ang ngiti niya ng makita ang kambal na si Lucca and Lucian who are now three years old, ang mga ito ang naging unang bunga ng kanilang pag mamahalan. Nakabantay sa dalawa ang mga yaya na nag aalaga sa mga ito.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon