Happy reading
-------------------------------
“Allison, kausapin mo naman ako please!” pakiusap niya sa babae habang sinasabayan ito sa mabilis na paglalakad, ayaw kasi siya nitong kausapin. Ilang beses na siyang sumubok pero hindi talaga siya nito pinapansin, kapag naroon siya sa bahay ng babae upang dalawin ang anak nila ay nag kukulong ito sa kwarto, kapag naman nasa hapag kainan sila ay para siyang hangin sa harap nito, si Gideon lang ang kinakausap at tinitignan nito, hindi tuloy niya maiwasan ang magselos sa sariling anak, how he wish na kasama siya sa nginingitian nito, nilalambing, hinahalikan, at niyayakap, kaso deadma ito sa kanya. Kapag naman napapatingin ito sa kanya ay panay palihim na angil ang nakukuha niya mula sa babae, noong una ay natutuwa pa siya, he finds her actions cute and charming, but after a week na palagi itong ganun sa kanya ay nabahala na siya. Mukhang seryoso talaga ang galit nito sa kanya kaya naman kinukulit niya ito ngayon.
“Just, let me explain my side, please!” pagmamakaawa niya sa babaeng tila walang naririnig, imbes na huminto at kausapin siya ay mas lalo pa nitong binilisan ang paghakbang, pinag titinginan na sila ng mga tao na nadadaanan nila pero wala siyang pakialam sa mga ito, ang mahalaga sa kanya ay ang mapatawad ng babaeng mahal niya.
“Beautiful?” muli niyang turan sabay hawak sa siko nito, ang taas taas ng suot nitong heels pero kung maglakad akala mo naka flat shoes lang ito, nag aalala siya na baka matapilok ito kakaiwas sa kanya. Dahil sa ginawa niya ay tinignan siya nito ng masama saka balewalang binawi ang braso nito sa pagkakahawak niya at muling nag patuloy sa mabilis na paglalakad. Kaya naman mas binilisan niya ang paghakbang at humarang sa dadaanan nito dahilan upang lalong dumilim ang maganda nitong mukha.
“Come on, just hear me out first, please!” nagpapacute niyang turan sa babae kahit alam niyang hindi naman gumagana dito pag nag papacute siya, may sa alien yata itong babaeng minahal niya, effective naman kasi sa lahat ng babaeng nakilala at nakasalamuha niya ang mga pag papacute niya, isang kindat lang nakukuha na niya ang gusto sa mga ito, samantalang ang babae ay halos magsara na ang mata niya kakapacute ay wala paring epekto rito.
“Tabi!” mahina ngunit puno ng galit nitong turan. Imbes na sumunod sa gusto nito ay lalo siyang nagpacute sa harap nito, bahagya pa niyang pinatulis ang nguso trying to imitate his son’s facial expression kapag may hinihiling ito sa babae. Ganun nalang ang paglundag ng puso niya ng saglit na kumislap ang mga mata nito, pero hindi siya nag pahalata na napansin niya iyon dahil mabilis rin itong nakabawi at binalik ang kaseryosohan sa mukha nito, gayon paman, sapat na ang sandaling iyon upang lumakas ang kanyang loob at magpatuloy sa ginagawang pangungulit dito.
“Hindi ka talaga marunong umintindi ano? Ang sabi ko tumabi ka!” pag tataray nito.
“Beautiful, pakinggan mo muna kasi ako, please! I can explain, please naman! makinig ka muna sakin, hhm” pag pupumilit niya, nakikita niyang konting pilit nalang ay pagbibigyan na siya ng babae. Tumingala ito at pumikit, ang isa nitong kamay ay inihawak sa ulo habang ang isa pa ay sa bewang nito, tila ba napakalaki niyang problema sa buhay nito, well kung hindi siya nito kakausapin ay magiging problema talaga siya nito, dahil wala siyang plano na tigilan ito hanggat hindi ito nakikinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Savage Book 2: Gregory Gunner Silva - Completed
RomanceGregory Gunner Silva believes in the saying "We only live once" so he makes sure to live his life to the fullest. He is a typical happy go lucky kind of guy who gets whatever he wants without trying so hard. However, he is very careful especially wh...