Chapter 29

65 5 0
                                    


 

“Akala ko ba inlove rin sa kanya si Alison? Bakit basted na naman ulit?” dinig niyang turan ng isang tinig mula sa kung saan, abala siya kanina sa pag inom ng may bigla nalang pumasok sa condo niya, hindi niya kilala kung sino ang mga ito at wala rin naman siyang pakialam sa mga ito, kahit mga magnanakaw o mamatay tao pa ang mga damuhong pumasok sa condo niya ay wala siyang pakialam, mas ok nga siguro kung kriminal nalang ang nanloob sa condo niya baka patayin cia, dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya ngayon pakiramdam niya ay mamamatay na siya, pinapatagal lang ang paghihirap niya hindi rin naman siya magsusurvive.

 

“Anak ng! ilang case na ba ang naubos ng isang yan?” sabi ng isa pang tinig

“Ang aga aga pa bagsak na si gago” sabi ng isa pa uling tinig. Hindi niya alam kung ilan ba tong mga pumasok sa condo niya pero masyado atang maiingay ang mga ito para maging magnanakaw.

 

“Pupusta ako hindi na tayo kilala nyan” sabi naman ng isa pa uling lalaki, sino kaya ang pinag uusapan ng mga damuho.

 

“Hoy Gun, buhay ka pa ba pinsan?” tanong ng isang lalaki na bahagyang lumuhod sa harap niya at saka siniyasat ang kalagayan niya.

 

“Bhetawan mho akoh hayup kha! Bakah gushto mong mabalian ng butoh” sabi niya sabay tabig sa kamay nito.

 

“Aba matindi si gago, broken hearted lang mambabali na daw ng buto, ni hindi na nga magkanda gulapay mayabang parin, iba ka talaga pinsan” tila pang asar ng isa sa mga lalaking pumasok sa unit niya.

 

“Shinoh bah kayoh?” tanong niya sa mga ito

 

“Kami? Wag mo kaming intindihin, nandito lang kami para pagtawanan ka sa pagdurusa mong animal ka!”  sagot ng isa

 

“Oo nga, deserve mo yan insan, nakahanap ka ng katapat mo” sabi naman ng isa pa

 

“Mga walang hiyah kayoh, pag kayoh na inlab bakah mash malalah pa kayoh shaken” sagot niya sa huling nag salita.

 

“Sya, tumagay ka nalang ng tumagay insan” sabi ng isang lalaki sabay abot ng beer sa kanya, napangiti naman siya at tinanggap ang beer na inabot nito at walang habas na uminom.

 

“Wow, parang walang bukas naman pala kung uminom kaya bagsak agad eh” sabi ng ng abot sa kanya ng alak.

 

“Sira ulo ka talaga Thor, alam mo na ngang lutang na yan inabutan mo pa talaga ng alak” saway ng isa sa nag bigay sa kanya ng alak, ang KJ naman pala ng lalaking ito

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon