Chapter 24

74 5 0
                                        

Hello mga pips, welcome back sakin 🙂 sarry tagal ng update nagkasakit kasi aketch. Alam nio na, mukha lang akong dyosa pero tao lang po nagkakasakit din hehehe.  Matatagalan ulit ang next update dahil gusto kong ipahinga ang aking katawan, puso, isip at kaluluwa charot.

Anyways ayun na nga baka next year na tayo mag kita kita ulit or depende yan sa trip ko whahaha. Pag may nag comment baka sipagin ako hehehe. Lab yah all. Muuaahh😘

Happy reading 🙂
______________________________

 

Her most awaited weekend came, and she is more than happy to spend the rest of the day with her son, ilang gabi rin siyang nag puyat sa pagtatrabaho para lang masigurado na walang kahit na anong ang pwedeng umistorbo sa kanya ngayong araw. She really missed her son, kahit kasama naman niya ito sa bahay, dahil halos hindi na sila nagkikita at nagkakausap na mag ina. Sa umaga nalang sila nakakapag usap at dahil hindi sapat ang oras niya sa umaga at madalas siyang nagmamadali sa pagpasok sa office ay hindi na iyon sapat upang makabonding niya ang anak. Sa gabi naman ay madalas na ang ama nito ang kasama ng bata, at dahil galit siya sa lalaki ay pinipili nalang niya na huwag makisali sa dalawa kapag nag lalaro o nag uusap ang mga ito, kaya mas lalo siyang nawalan ng chance na makakwentuhan ang anak, lalo pa at gabi-gabing dumadalaw dito ang bakulaw na Gunnar na yun, kaya nag papasalamat din siya na pumayag ang si Gideon na silang dalawa lang muna ang lumabas ngayong araw.

 

“Are you ready baby?” tanong niya sa anak ng makababa ito ng hagdan kasama ang yaya nito.

 

 “Yes!” masigla niton sagot “Where are we going mommy?” balik nitong tanong ng tuluyang makalapit sa kanya. Hinawakan muna niya ito sa kamay at iginiya patungo sa kusina upang makapag agahan muna sila bago umalis, ng pareho na silang nakaupo ay saka lamang niya sinagot ang anak.

 

“It’s a surprise baby, I know you will like it there” nakangiti niyang turan habang nilalagyan ito ng pagkain sa plato, she missed this kind of moment with her son, it’s really nice na wala ang ama nito ngayong araw kaya wala siyang kahati sa attention ng anak, nakakatuwa rin na hindi manlang ito binabanggit ng bata, medyo nag tataka man ay hindi na siya nag tanong, mas gusto niyang isipin na nakalimutan ito ni Gideon ngayon araw. Masigla silang nag salo sa umagahan, pagkatapos nila kumain ay dumiretso na sila sa sasakyan na gagamitin nila ngayong araw, nag dala na rin siya ng mga maaaring pagkaabalahan ng anak habang nasa byahe sila, medyo malayo layo rin kasi ang pupuntahan nilang dalawa, dahil sa Tagaytay niya ito planong dalhin.

 

Habang daan ay panay ang masayang pag kukwento ng bata ng kung ano anong mga bagay, buong kasiyahan naman siyang nakinig sa mga kwento nito, kahit nga siguro buong maghapon itong mag kwento ay hindi siya magsasawa na makinig, that’s how much she missed her son. Hindi nag laon ay nakatulog ito kaya saglit niyang itinigil sa gilid ng kalsada ang sasakyan at inayos ang pagkakapwesto nito ng sa ganun ay hindi ito mangalay. Ng masiguradong maayos na ang pwesto nito ay saka lamang siya bumalik sa maingat na pagmamaneho, after hours of driving ay nakarating na rin sila sa gusto niyang pag dalhan sa anak.

 

“Baby, wake up, we're here already” pang gigising niya rito, agad namang nagising ang bata at dahandahang nanlaki ang mga mata nito ng makakita ng mga kabayo. “Wow, horse mommy” masigla nitong turan sabay turo sa kabayong hinihila ng isang lalaki habang may babaeng nakasakay doon.  Welcome to Tagaytay Picnic Grove baby” nakangiti niyang turan saka ito tinulungan na tanggalin ang seat belt nito.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon