Chapter 3

89 7 0
                                    


 


“Mommyyyy” tumatakbong salubong sa kanya ng anak na masaya naman niyang sinalubong ng mahigpit na yakap, pinupog niya ito ng halik sa mukha at ganun din ang ginawa ng anak sa kanya.
 
“How’s you work mommy?” tanong ng anak sa kanya habang hinahawakan ang kanyang buhok, minsan talaga ay para itong matanda kung mag salita. “Work is fine honey, how about you? how’s my baby’s day?” balik tanong niya sa anak habang naka squat ng paupo upang mag pantay ang kanilang mukha.
 
“I’ve been a good boy mommy” proud nitong pag babalita sa kanya “Really?” kunyare ay nag dududa niyang tanong dito pero may ngiti sa mga labi “Yes, ask mo pa po sila lola Doris” sabi naman nito dahilan para matawa siya. “No need honey, mommy believes in you” sabi niya dahilan upang mapa ngiti ito. “Ow, mommy have something for you” sabi niya sa anak saka tinanggal ang pag kakabalot ng dala niyang donut, pinabalot talaga niya iyon para hindi agad nito mapansin.
 
“Dooonuuutt” tuwang tuwang sigaw ng bata saka agad na inagaw sa kanya ang box at nag tatalon sa kasiyahan, tumigil lang ito ng mapansin ang ginang na nakatayo sa likod niya, noon lang rin niya naalala na may bisita nga pala sila, muharap siya sa ginang at apologetic na ngumiti. “Sorry about that, please take your seat aayusin ko lang ito” sabi niya sa babae na tinignan ang donut na hawak ng anak na nakatingin lang sa ginang.
 
“It’s okay, I’ll just wait here” nakangiting turan ng babae habang tila naluluhang nakamasid sa kanyang anak, kinuha naman niya mula sa bata ang box ng donut at saka ito binuhat papasok sa kusina. “Mommy, diba siya yung girl sa mall?” tanong nito sa kanya, matandain talaga ang anak niya sa mga taong nakakasalamuha nito, medyo kumunot ang noo niya ng mapansin ang kakaibang emosyon sa mukha ng bata. “Yes, baby, she is that woman” sagot niya rito “Is she mad at me that’s why she’s here?” tanong nito sa tinig na tila kinakabahan, agad naman niyang inilapag sa table ang dalang box saka hinalikan ang anak “No honey, she is not mad at you, she is just here to talk to mommy” pagpapaliwanag niya rito, agad namang nag liwanag ang mukha nito “I thought she is mad at me that’s why she’s here po eh” sabi nito na muling ikinakunot ng noo niya “Why did you think that way baby?” tanong niya sa anak “Kasi po, she never leave her eyes on me when we were at the mall” sagot naman nito, napabuntong hininga naman siya, lately ay napapansin niyang nagiging observant ang anak niya sa mga tao at bagay sa paligid nito. Hindi naman siya nag tataka dahil noon pa man ay napapansin na niya ang pagiging likas itong matalino. “No baby, we will just talk, if you want you can give her water while we are preparing the dinner” nakangiti niyang suggestion na tinanguan naman ng bata, tinulungan niya itong kumuha ng tubig at hinayaang dalhin iyon sa kanilang bisita.
 
 
MONIQUE SEAT SILENTLY as she wait for the owner of the house to return, lihim niyang ipinapanalangin na sana ay kasama nito ang apo niya pag labas nito galing kusina, ng mapansin niya ang maliit na bultong nag lalakad palapit sa kanya habang may dalang isang baso ng tubig. Seryoso ito habang nag lalakad at tila ayaw matapon ang dala nito, siya naman ay naluluhang napatingin sa bata, he is undeniably her grandchild.
 
“Hi, water” sabi nito ng nasa tapat na niya ito, masuyo naman niya itong nginitian saka kinuha ang hawak nitong baso, kinalma niya ang sarili bago ininom ang tubig na bigay nito, she wanted to hug the kid but she is afraid she'll scare him, nakatingin ito sa kanya habang umiinom siya, inilapag naman niya ang baso sa center table ng maubos niya ang laman niyon. “Thank you!” sabi niya sa batang nakatayo lang sa harap niya. “What is you name?” tanong niya rito “My name is Gideon Dans, my Mommy calls me honey or baby but you can call me Giddy” bibo nitong pag papakilala, para itong si Gunner at Conall noong mga bata pa, napaka bibo rin.
 
“What a beautiful name you have, can I hug you?” hindi na niya napigil na itanong sa bata, ng tumango ito ay mabilis niya itong niyakap ng mahigpit kasabay ng pag tulo ng kanyang mga luha. Hindi pa siya matagal na nakayakap ang bata at lumabas na ang ina nito, ganun parin ang ayos nito, marahil ay hindi pa ito nag papalit ng damit, pasimple naman niyang pinahid ang luha at binitawan ang bata, the last thing that she want is to offend her grandchild’s mother. Mukha naman itong mabait para papasukin siya at hindi itago ang anak sa kanya, pero ramdam niya ang indifference nito, na hindi naman nakapag tataka dahil galit ito sa anak niya na hanggang ngayon ay gusto pa rin niyang ibitay ng patiwarik. Nang bitawan niya ang bata ay mabilis itong tumakbo palapit sa mommy nito ay yumakap sa bente ng babae, agad namang hinaplos ng babae ang ulo ng bata at nakangiti itong niyuko. “Go to the kitchen, the food is ready, susunod si mommy” sabi nito na agad na sinunod ni Giddy, what a cute nickname her grandchild have, bagay sa cute na cute nitong mukha.
 
“I’m sorry about that” hingi niya ng paumanhin sa babaeng hanggan ngayon ay hindi pa niya naitatanong ang pangalan, baka hindi nito nagustuhan ang pagyakap niya sa bata.
 
“It’s okay” tipid nitong sagot, mukhang mabait nga ito kahit seryoso ang mukha nito sa tuwing babaling sa kanya, “We are about to have dinner, would you like to join us?” tanong nito na ikinagulat niya, hindi siya nito kilala, hindi pa sila nakakapag usap pero inaaya siya nitong saluhan sila sa pagkain.  “Is that okay?” tanong naman niya sa babae “Yes, I know you want to be with my son, so this is your chance, just don't tell him yet your relationship with him, I don't want to confuse my child” sagot nito na naintindihan naman niya kaya nakangiti siyang tumayo at nag pasalamat dito, walang imik itong tumalikod at nag lakad pabalik sa pinanggalingan nito kaya sumunod na siya, nag sabi naman na siya sa asawa na wag na siyang hintayin dahil may pupuntahan pa siya.
 
ALLISON is little uncomfortable with the presence of their visitor, pero sa abot ng kanyang makakaya ay inistima niya ito habang inaasikaso ang kanyang anak, halos hindi naman kumain ang babae at panay lang ang tingin kay Gideon, mabuti nalang at hindi mahiyain ang anak niya at sobrang daldal kaya tila baliwala lang rito na may iba silang kasalo ngayon, kadalasan kasi ay sila lang ng mga kasambahay ang kasama nitong kumakain sa lamesa.
 
“This is my favorite po” sabi nito sa ginang na nakangiti namang nakipag kwentuhan sa anak niya. “Really? Is that delicious?” tanong nito sa bata “Yes po! This is the best! ever, taste it, I promise it’s delicious” pagbibida pa nito sa ginang na magiliw namang sumubo ng pagkaing tinutukoy ng bata at nag kunyaring sarap na sarap sa paboritong pagkain ng anak niya. “uhm, masarap nga!” kunyari ay amaze nitong turan, natuwa naman ang anak niya “I told you, that’s why it’s my favorite” tila proud na turan ng bata. Natapos ang dinner nila na walang tigil ang anak niya sa kakadaldal, minsan siya na ang napapagod sa kadaldalan nito. Pagkatapos nilang mag dinner ay ipinahatid niya ang anak sa room nito upang mabihisan na ito ng pantulog at malinisan na rin. Ang kanya namang bisita ay iginiya niya sa sala, sa library sana niya ito dadalhin ngunit masyadong formal kung doon kaya sa sala na lang niya ito dinala, pwede naman sila mag usap doon.
 
“Thank you for letting me in and for letting me meet and talk to my grandchild” nakangiti nitong turan.
 
“It’s nothing” tipid niyang sagot sa ginang.
 
“Uhm, do you mind me asking your name hija?”
 
“Allison Dans” pag papakilala niya rito bilang sagot sa tanong nito.
 
“I see, your name suits you beauty, I’m Danica Monique Silva” pag papakilala rin nito na tinanguan lang niya.
 
“Uhm, I won’t go around the bush, I came here to know my grandchild and to ask you how all this happened?”
 
“You didn’t ask your son?”  balik tanong niya sa ginang trying to suppress her anger, it's not right to lash out on his mother.
 
“He is also as confused as me and my husband” matapat itong turan dahilan upang mapabuga siya ng hangin, hindi na niya napigil ang pag labas ng tunay niyang saloobin.
 
“Wala talagang kwenta” komento niya, nakita niyang bumalatay ang sakit sa mukha ng ginang, naunawaan naman niya dahil ito parin ang ina ng walang kwentang lalaking iyon, pero wala siyang planong bawiin ang sinabi niya dahil totoo namang walang kwenta ang anak nito, patunay doon ang kawalan  ito ng alam tungkol sa sarili nitong anak.
 
“I won't say sorry” sabi niya sa babae na tipid at pilit na ngumiti sa kanya.
 
“I won’t ask you to say sorry, it’s not okay to hear those hateful words towards my son, but I can see that he aggravated you, so I can understand where you’re coming from. But, as his mother, I want to hear the truth from you” malumanay nitong sagot.
 
“Well, Giddy came unexpectedly” tumikhim muna siya to clear her throat dahil tila iyon nabarahan, bago siya muling nag salita “But we came to your son and told him about Giddy but he never listen, never even let us in his office”
 
“What do you mean you came to him? And who’s with you?”
 
“My sister, I was with my sister” a sudden jolt of pain crossed her hearth upon remembering her sister and what happened to her “One month, we kept on coming back to your son’s office, begging him to talk to us to hear us out, but he is so heartless, pinag tabuyan niya kami na para kaming may nakakahawang sakit, he even said that the child is not his. Ang kapal kapal ng mukha! Matapos siyang magpakasarap! Ng dumating na ang responsibilidad ay tatakbo na lang siya at sasabihing hindi kanya, kung hindi ba naman siya gago! Nakikipag sex siya tapos basta basta nalang niya sasabihin sa babae na hindi kanya yung bata, how can he be sure that the child was not his? Gago ba siya? hindi ba siya nag aral ng reproductive system? Hindi ba niya alam na ang bata ay nabubuo sa pakikipag sex?” tuloy tuloy at gigil na gigil niyang turan completely losing her cool in front of Mrs. Silva.  Hindi naman ito nag salita, bagkos ay hinayaan lang siya nitong ilabas ang galit para sa anak nito, marahan niyang pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mga mata dahil sa matinding galit.
 
“I’m sorry, I lost control” sabi niya sa ginang habang pilit na kinakalma ang sarili.
 
“It’s okay” sabi nito habang nakatingin lang sa kanya.
 
“I really loathe your son to core of my being, I don't think I can forgive him, so if you came here to ask me to forgive your son and let him be a part of my child’s life, I’m sorry, that will never happen. Itinapon na niya lahat ng karapatang meron siya sa bata noong hindi niya ito kilalanin at noong walang awa niya kaming ipag tabuyan ng kapatid ko”
 
Nanatiling walang imik ang ginang at mataman lang na nakatingin sa kanya. Ilang sandali silang binalot ng katahimikan bago ito nag salita. “I understand, I may not know how hard it was for you to take all the responsibility, but I know it was never easy, to be left alone in time when you needed my son the most, and yes, I agree, my son is an asshole for what he did, I will not try to defend him to you even if I want too. But I hope you will not completely close your heart hija, not for my son but for Gideon, he needs his father, time will come, he will start asking about his father. I will not force you, I’m not in the right place to even give you an advice and to tell you what to do, but I hope you will think about it, for Giddy” mahaba nitong turan saka hinawakan ang bag nitong nakalapag sa tabi nito.
 
“Mauna na ako hija, thank you for your time, and for allowing me to see my grandchild” sabi nito, tumayo narin siya at inihatid ang ginang hanggang sa sasakyan nito, kung saan naghihintay ang driver nito. lumingon muna ito sa kanya bago tuluyang buksan ang pinto ng kotse nito.
 
“Uhm” tila nag aalangan nitong turan ng humarap sa kanya.
 
“I know your mad at my son, and you want nothing to do with him, or us maybe, but can I at least visit my grandchild?” tanong nito, tumango naman siya bilang pag payag, hindi naman siya galit sa mga ito, her anger was solely for that asshole Gregory Gunner Silva.
 
“It’s okay, you may also bring your husband with you, just not that asshole please, I don't want him near my son, if you can do that, you are free to visit my son, just let me know when” sagot niya sa babae na nakangiti namang nag pasalamat bago tuluyang sumakay sa sasakyan nito at umalis, siya naman ay pumasok na rin sa loob upang patulugin ang anak na siguradong nag hihintay sa kanya.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon