Chapter 32

65 4 0
                                        


Ma’am, bawal po talaga kayong pumasok” muling turan ng secretary ni Gunner na ngayon ay nakaharang sa daraanan niya, pero wala siyang pakialam, anak niya ang pinaguusapan dito kaya wala siyang pakialam kahit nasa kalagitnaan pa ng importanteng meeting ang lalaki, kailangan nilang mag usap sa ayaw o sa gusto ng lalaki. Bahagya niyang hinawi ang babae upang mawala ito sa harap niya dahilan upang mawalan ito ng panimbang at bahagyang gumewang, agad naman niya iyong sinamantala at mabilis itong nilampasan saka walang katok katok na pumasok sa opisina ng lalaking sadya niya, abala ito sa pagpirma ng kung anong papeles at nag angat lang ng mukha ng marinig nito ang tarantang tinig ng secretarya nitong humabol sa kanya.

“I’m so sorry sir, hinaharang ko po siy-“ agad itong natigil sa pagsasalita ng iangat ng lalaki ang kanang kamay gesturing his secretary to stop talking habang ang kanilang mga mata ay magkahugpong na tila ba sila nasa isang duwelo na kung sino ang unang umiwas ng tingin ay siyang talo.

“It’s okay, you can leave us now and cancel my appointments for the rest of the day, also” saglit nitong inalis ang tingin sa kanya upang balingan ang secretary nito bago nag patuloy sa mga bilin nito “lock the door” yun lang saka nito muling ibinalik ang tingin sa kanya.

Magalang namang tumango ang secretary nito bago mabilis na lumabas, tapos ay narinig niya ang tunog ng pag lock nito ng pinto maging ang pag sara niyon.

Ang lalaki naman ay prenteng sumandal sa upuan nito habang nilalaro ang hawak na ball pen sa dalawang kamay, habang nakatingin parin sa kanya.

“What brings you here?” tanong nito saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, at dahil nakatingin siya rito ay hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang pag badha ng halo halong emosyon sa mukha ng lalaki, tila ito nasisiyahan na makita siya, may nakikita rin siyang kalungkutan at pangungulila sa mga mata nito, ngunit ang talagang umagaw ng kanyang pansin ay ang pagnanasang nag lalaro sa mga mata ng lalaki, dahilan upang bumilis ang tibok ng kanyang puso, ayaw man niyang aminin pero naaapektohan din siya sa kanilang pagkikita ngayon, lalo pa at hindi naman nag tangka ang lalaki na itago ang ginagawa nitong pag suyod ng tingin sa kanyang kabuuan, bahagya niyang kinuyom ang mga kamay upang pigilan ang sarili, narito siya upang pag usapan ang tungkol sa custody ni Gideon at hindi upang makipag landian sa lalaking ito.

“Don’t pretend that you don't know the reason why I am here.” Matalim ang mga matang turan niya sa lalaki na tila walang pakialam sa galit na ipinakita niya.

“I know why, but I was thinking na baka may iba pang dahilan?” baliwala nitong turan saka ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata at ngumiti ng ubod tamis. Nairita siya sa sarili dahil hindi niya maiwasan ang hindi mag react sa ngiti nito. “Say you missed me so you decided to see me” pagpapatuloy nito habang matiim na nakatitig sa kanyang labi.

“Dream on Mr. Silva” nag tatapang tapangan niyang turan “I am only here to discuss my son’s custody, ang kapal rin naman ng mukha mong umapila matapos ng ginawa mo!“

“May I correct you Ms. Dans, Gideon is MY son, not yours" binigyang diin nito ang salitang "my" "based on the record, your only his aunt, not his mother, kaya wag mong angkinin ang anak ko” kalmado nitong turan sa seryosong tinig, this time ay wala na siyang mahagilap na kahit na anong emosyon sa gwapo nitong mukha.

“Hindi ko akalaing ganyan katindi ang kakapalan ng mukha mo, matapos mo siyang iwan at itanggi noon, ngayon ay aariin mo na para bang hindi mo siya tinalikuran dati, anong palagay mo sa anak ko? Isang bagay na kapag hindi mo gusto ay tatalikuran mo, and when its already convenient for you ay basta mo nalang kukunin” panunumbat niya rito, pero ni hindi niya ito kinakitaan ng kahit na anong reaksyon, tila ba walang lang dito ang mga sinabi niya.

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon