Third Person's POV
"This baby wouldn't be this safe and healthy if you didn't came in time, Jexie.."
Usal ni Zelle habang nakaupo sa kama at karga karga ang kanyang pangalawang anak.
Tatlong araw na silang naroon at makakalabas na rin pagkatapos ng isang araw pang observation.
"Tita, wala po iyon. Kahit sino naman po alam kung gagawin nila ang ginawa ko."
Jexie softly said then smile to angelic baby.Tulad ng inaasahan niya, isa na namang Charisma ang dumagdag sa mundo. Kahit na 3 days old palang ang bata, halata na agad iyon. Matangos ang ilong nito at maputi, hindi na siya makakapaghintay na makita ang iba pang adorable parts ng bata habang lumalaki.
"Mali ka ijha, hindi lahat..."
Ang lahat ng tao sa kwarto ni Zelle ay napakunot ang noo dahil sa sinabi niya.
"What.. What do you mean, mom?"
Tanong naman ni Zeosh na nakaupo sa tabi ng nakatayong si Jexie."The one i told you who came in our house"
Umpisa naman ni Josh."Mom, do you know its nam—"
"Bria..."
Sagot agad ni Zelle sa tanong ng panganay."Bria Costalles?!"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jexie.Tumango lang si Zelle at sinimulang kwenento ang nangyari.
"She visited our house before that incident happen. Sabi niya, kaibigan mo daw siya at bibisitahin ka niya, i didn't believe her that she's your friend because i know, you aren't interested in that kind of girl.."Umpisa ni Zelle.
Nakinig lang silang lahat sa sinasabi niya. Maging sila Justin, at Stell na naiwan muna sa ospital para may makasama si Josh at Zeosh."Pinabili ko muna ang dad mo ng ilang tissue kasi out of stock na tayo. When i told her that you aren't there, she started leaving. Hindi pa siya nakaka alis nung sumakit ang tyan ko. I called her and asked for help. Pero sabi niya, 'Sorry tita, busy po ako. Bye' "
Kalmado lang ang mukha ni Zeo pero halos maputol na ang ugat sa kamao niya dahil sa pagkakabilog.
Nagsimulang lumaki ang apoy ng galit sa loob niya.
"I know that girl will do no good"
Usal ni Venus na nasa tabi ng ama at ni Javy.Hindi din makapaniwala si Jexie sa mga naririnig. She know, she's irritated in Bria's presence because of Zeosh. Pero ngayon, mas malala toh eh. Personal matters na ito. Hindi tuloy niya alam kung na crossed naba niya ang line niya at nagsimulang kamuhian ang iba.
"So.."
Umpisa uli ni Zelle."I will name this handsome baby next to you"
Sabi ni Zelle sabay kindat kay Jexie."Buti nalang J ang initial ni Jexie, pwede na rin. Parang next din sa pangalan ko."
Sabi ni Josh na ikinatawa ng lahat."We will name him Jetter Axel Santos.."
Puno ng saya at pagmamahal ang puso ni Zelle sa pagkakasabi nun. Hindi niya mapigilang mapangiti at mapaluha din at the same time."Welcome to the family, lil JAS (Initial ng buong pangalan ni Jetter)"
Bati ni Zeosh na nakangiti sabay haplos ng marahan sa ulo ng kapatid."Zeosh.."
Tawag naman ni Zelle na ikinatungo niya.Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang seryosong aura ng ina. Siguro ay galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon.

YOU ARE READING
Meet His Charisma
Novela Juvenil"He has everything a girl, woman, and lady would like. While me being the opposite of being pretty. Perhaps, seeing him from a far was enough. And to Meet His Charisma would be my limit line. I can meet him, but i can never have him into my life..."