Jexie's POV
"Baby Jeax, alam mo ba kung nasaan na ang big bro mo ngayon? Hmm?"
Tanong ko sa baby'ng buhat ko ngayon. Hinawak-hawakan ko ang ilong niyang matangos at ngumiti.
3 months old na niya, lumalaki na!
And oh, by the way, nabinyagan na siya, last month pa. At syempre, ninang ako. Kulang na nga lang pangalan ko na ang ilagay nila sa 'mother' s name' eh.
Sakin ba naman kumapit sakin si Jeax buong binyag niya, nakakahiya tuloy kila tito at tita, baka isipin nila, kikidnappin ko na si Jeax.
"Tawagan mo nalang kaya, nak"
Sabi naman ni tita sa harap ko na nagbabasa.A smile grew in my lips. "Oo nga!"
Masigla kong sabi.Pipindutin ko na sana ang call button ng contact id niya ng maalalang naka 9 missed calls na ako sa kanya.
"Wag na pala.."
Sabi ko ulit sabay baba ng kamay. My smile faded.Isang linggo na nung last na nagkasama kami sa Beach. After nun, naging sobrang busy siya, biruin mo, hindi kami nagkakakita, hindi nagkaka usap, tapos minsan, ala una pa ng umaga kami nagkakatext..
Inintindi ko nalang, siyempre alam ko din naman ang buhay college nuh. Walang madali. Ayoko na din tumawag baka isipin niya, napaka kulit kong girlfriend.
Siguro madami lang siyang codes na sinusulat.
"Tita, pahawak po saglit si Jeax, may tatawagan lang po"
Sabi ko sabay abot kay tita si Jeax na mahimbing pang natutulog.Lumabas muna ako saglit ng bahay at doon ginaligad ang contact list ko.
Madilim na din at puno na ng ilaw ang kalsada sa labas.
Una kong tinawagan si Raven para kamustahin ang napaka hardworking kong boyfriend.
"Hello Mrs. Santos?"
Bungad niya. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.
"Hello Raven, alam mo ba kung nasaan si Zeosh? 7pm na kasi eh.."
Tanong ko agad.
"Ah, wait mo nalang yun. Malapit na sila matapos. May projet lang silang ginagawa ng grupo niya"
Sagot naman niya sa kabilang linya."Oh.. O sige, salamat"
I said then hang up.Napangiti nalang ako at napatingin sa madilim na kalangitan.
Nagpa alam na din ako kila tita na uuwi na. Maglalakad din ako ngayon dahil maganda ang mood ko kahit na miss na miss ko na siya.
I wonder kung kumain naba yun ng dinner... Hays
I opened my contact list at dahil sa pagiging clumsy ko, number ni Zeosh ang napindot kong tawagan imbes na si Venus.
Bakit naman kasi biglang napunta dito yung pangalan ni Zeo? Eh nasa favorite contacts siya ah.
Err, ang weird. Tapos yung name ni Venus, nasa favorite list na.
Haist, sigurado ako pinakialaman na naman ito ni kuya. Kaasar talaga yung mamang yun, di na kumuha ng sariling girlfriend.
Papatayin ko na sana ang tawag dahil busy siya nang bigla itong sumagot.
Suddenly, my heart beated a strange rhythm. What's happening?
![](https://img.wattpad.com/cover/256637597-288-k617520.jpg)
YOU ARE READING
Meet His Charisma
Ficção Adolescente"He has everything a girl, woman, and lady would like. While me being the opposite of being pretty. Perhaps, seeing him from a far was enough. And to Meet His Charisma would be my limit line. I can meet him, but i can never have him into my life..."