Chapter 20

91 4 1
                                    

Jexie's POV

          "Hello baby Jeax, andito ulit ako"
Dahan dahang inilipat ni tita Zelle sa bisig ko si Jetter na tahimik pero gising. Nakoo, mukhang mana sa kuya ata itong batang ito. Kawawa si tito Josh, napapaligiran ng mga yelo.


"Alam niyo, mahihilo na ang bata sa ginagawa niyo. Ang tawag ko sa kanya, Jetter. Ang tawag ni Josh, Axel. Si Zeosh naman, Jas. Tapos ikaw, Jeax. Baka masampal na tayo ng batang iyak kapag may bago pa siyang magiging nickname"
Biro ni tita na ikinahalakhak ko.


Dahan dahan kong isinayaw si Jeax na matamang tumititig sa akin.

3 weeks old n siyaaa. Napaka cute na bata.


"Hello baby Jeax, namiss mo ba si ate? Bakit ka nakatitig sa akin? Hmm?"

Nakipagnose to nose ako sa kanya na parang hindi naman umabot dahil sa sobrang soft.


Bumukas ang pinto ng bahay nila at iniluwal nun ang mag amang Santos. 2 weeks na akong pabalik balik dito sa bahay nila tulad ng ginagawa ko nung nasa tyan palang si Jeax. Sabi kasi nila, attached daw ng sobra sa akin ang baby. Kapag umiiyak siya ng malakas at hindi nila mapatahan, tinatawag nila ako and then boom, tulala ang cute na baby.





"Hindi talaga ako sure, love. Anak paba natin yan o anak na nilang dalawa?"
Tanong ni tita kay Tito na kakatabi lang sa kanya.


Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Zeo galing sa likod hanggang sa narealize ko ang ibig nilang sabihin.

"Tita naman.."
Sabi ko nalang na pinipigilang mamula. I can't turn red now!

The moment Zeosh stand closed beside me, a camera clicked in somewhere.
It's Raven from somewhere i didn't noticed.



"Nice timing, dude"
Zeosh said with a smirk.



This past weeks, I'm noticing something in Zeo. Pero ayokong mag jump into conclusion, ayokong umasa. Pero tuwing trina-try kong gawin yun, lalo namang lumalala ang ikinikilos ni Zeosh. Napapalapit kami sa isa't isa at delikado iyon para sa akin.




Minsan iniisip ko, may gusto na rin kaya siya sakin? Tapos maiisip ko din, baka grateful lang siya masyado sa akin dahil sa ginawa kong pagtulong 3 weeks na ang nakakalipas.





"Nakikita ko ang dating Zelle at Josh sa inyong dalawa.."
Tita Zelle out of nowhere. Nagkatinginan naman kami ni Zeosh pero agad din akong umiwas nang makita ang ngiti niya sa labi. Nakakasilaw.



"Same, love... Same"
Usal din ni tito.


"Aish, ewan ko sa inyo. Sige na, alis na muna ako at bibilhin ang mga idene-demand ng baby'ng ito"
Sabi ni Zeosh sabay kuha ng susi sa mesa.



"Mom, kunin mo si Jas"
He said again.

"Bakit naman?"
I asked while looking at him, confused.



"Sasamahan moko"
He said, emphasising every letter.



Napuno ng kantyawan ang buong bahay na pinangungunahan ni Raven na nanonood lang sa amin. I took a glare at him but he didn't stop.



"Ito na po Mr. Zeosh Santos.."
Usal ni tito sabay kuha sakin si Jeax.

Dahan dahan ko din namang inilipat sa braso nila dahil alam ko din namang hindi sila magpapa awat.



"Tara na"
Hinawakan pa niya ako sa kamay na agad nagdeliver ng kuryente sa buong katawan ko.

"Kailangan paba talaga akong sumama?"
Bulong ko.


Meet His Charisma Where stories live. Discover now