Chapter 30

81 7 11
                                    

Someone's POV

               "Wala ng atrasan toh"
She said then smirk at me.

"Sino bang nagsabing aatras ako"
Sabi ko din sabay ngisi sa kanya.

Akala ba niya nagmumukha siyang cool sa ginagawa niya? Tsk, ang pangit.

"You're one of the kind huh. Hindi mo nga sasaktan ng pisikal, pero dudurugin mo naman ng emosyonal"

Tumawa ito ng nakakairita na sinabayan ko lang ng ngisi.


"Alis na ako, may mission pa akong gagawin"
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad palabas ng kwartong iyon. Nakasakbit sa balikat ko ang dala kong jacket at pumunta sa pupuntahan ko.




***
Jexie's POV

           "Handa naba ang lahat?"
Tanong ni Kuya na kumuha ng atensyon ko.

"Malapit na"
Sagot ko naman at mabilis na naglakad pababa sa hagdan habang hawak ang box ng pizzang dala ko.

Bakasyon kasi namin ngayon at as usual, ang SB20 kasama si Sunny ang mga makakasama ko.
Sabi ni kuya, malapit daw sa beach iyon kaya lalong na excite si Khuro at Zeo na mahilig sa dagat.



Speaking of Zeo, agad naman niya akong nasalo nang muntik na akong madulas dahil sa basang bahagi ng sahig.

Napatitig nalang tuloy ako sa mga magagandang niya mata na hindi kumupas sa akin.

"Still clumsy as ever. Mag ingat kana sa susunod okay?"
Pangaral niya na ikinangiti ko.

"Aye aye, sir"
Sagot at nagpatuloy na sa paglalakad palapit kay kuya na nasa harap ng sasakyan.

Dalawang araw din kami doon kaya may dala kaming gamit.

Nilagay ko sa likod ng kotsye yung dala kong box at nauna nang pumasok. Sumunod na sumakay si kuya na driver at tumabi naman sa akin si Zeosh sa likod.


"Si Khuro daw ang sasabay sa atin"
Usal ni kuya


"Buti naman hindi si Venus"
Pabalang at kunwari'y inosenteng sabi ni Zeosh. Kinurot ko siya sa tagiliran na ikinangiwi niya.


"Tsk, Possessive"
Kuya laughed then started the engine.


Speaking of Venus, simula noong nabasted ko siya, nag uusap pa rin naman kami minsan. Parang wala na din sa kanya na medyo weird pero okay na din.


I hope he can find the girl who will love her more than he deserves.


Niyakap ako ni Zeo gamit ang isang braso niya na ikinakiliti ko naman.

Kinuha niya ang maliit na unan sa gilid niya at nilagay iyon sa lap ko at ipinatong doon ang mga palad ko. Isinandal niya din ang ulo ko sa dibdib niya sabay sabing,

"Mahaba haba ang byahe, go get some rest love"




Napaka sweet at conservative talaga niya kahit kailan. Napaka maaalahanin din. Imagine, the cold blooded Zeosh had vanished.



Biro lang, he's really not cold blodded.


Naalala ko tuloy dati,

Nung kinausap ako ni Raven bago nanligaw sa akin si Zeosh.




-FLASHBACK-

           "Ano palang sasabihin mo"
Hindi na ata tanong ang sinabi ko, statement na ata.

Meet His Charisma Where stories live. Discover now