(Someone's POV)
"Brother ok ka lang ba? Sorry we acted hastily." tanong ng babaeng naka braid ang buhok. "We sense something strong sa kung saan ka and we acted immediately."
Hindi naman sumagot ang binata na may puting pakpak. He just stared sa kung saan tumalon ang babaeng anghel na may pink na buhok.
'She can jump that high?' tanong nung lalaki sa isip niya.
"Dang that person was awesome, sino ba yun? Ang galing niya pumana." napalingon naman ang babaeng demonyo sa bagong dumating.
"Wait she does seem familiar..." napaisip naman ang babae, the guy with white wings stole a glance at his sibling. "Ah! Naalala ko na."
"She's that famous angel called the fallen royalty! Kaya pala ang galing niya." hindi naman kumibo ang lalake.
'So, she's really famous.' sabi ulit niya sa isip niya. "You know her?" mahinhin na tanong niya sabay ayos ng weapon niya.
"Huh? Di mo siya kilala?" tanong naman nung isang lalake. "Seryoso? She's Lady Dethyria Javier, isang talented, maganda, magaling na anghel. One of the top hunters."
The white winged guy frowned. 'That's why she dodged so fast, kung isa nga siyang normal na hunter. She wouldn't have dodged the attacks easily and she'd die right on the spot.'
"She's called the fallen royalty dahil dati siyang prinsesa. You didn't get to meet her or see her kasi di ka naman uma-attend ng parties." sabat ng babae.
"Totoo nga ang sinasabi ng rumors, she's really beautiful like they said." kumento ng isang lalaki. "Nga pala prince Lyford, why are you making a face like that?"
"Like what?" matigas na tanong niya naman sabay glare sa nagtanong.
"U-uhm never mind."
~~~~~~~~~~~~~~~~
(Deth's POV)
"Alam mo, napaisip ako na mas may utak pa tong alaga ko kesa sayo." napasimangot naman ako sa sinabi ni Nyphe.
She's sitting in her study space habang may inaayos na dress kasama ang alaga niyang pusa. Narinig ko namang nag-meow ang pusa niya. Hmp-
Wala talagang nakakalusot na balita sa babaeng to ano? She already guessed na ako ang taong nagtrigger ng alarm.
Kahit hindi ako nakita ng iba, she guessed it was me. "Hindi naman nila ako nahuli eh! Why are you mad? Atsaka saglit-"
"Saglit?! the alarm won't go off kung saglit ka lang don." I rolled my eyes at humiga nalang sa higaan ko, buti nalang at di ako nahuli ng mga holy guards.
Pero I'm glad I took the risk that time, nakita ko naman ang prinsipe kaya worth it ang pag-akyat ko don. Atsaka ang ganda din ng duel naming dalawa.
Kaso may mga epal pero ok narin yun at least I manage to have a not so friendly sakanya. Obvious naman na hindi friendly ang lalaking yun.
The fight was intense, parang may plano talaga siyang patayin ako kasi nga nag-trespass daw ako. Yun ba ang punishment sakanila? Ang brutal naman.
That was also the first time na nag act ako out of character ako sa ibang tao. I mean I'm always calm and elegant sa ibang tao.
Pero I manage to act like myself... in front of that prince? Si Nyphe lang naman ang may alam sa ganitong personality ko.
Showing my true colors to other people... kind of make me happy. Bigla naman akong naka feel ng excitement.
Gusto ko ulit siyang maka-duel ng ganon. He's super strong and he doesn't hold back, maganda siyang kasama every practice time.
Bukod kasi kay Nyphe, walang ibang estudyante ang gustong makipag-duel sakin. Kung meron man... they always lose.
I didn't mean to say na weak sila pero... maybe that's just the case or ayaw lang talaga nila akong makaaway?
(Kinabukasan)
"Anong meron? Bakit ang ingay?" nagtatakang tanong ko, today is the day na may gagawin kaming may blessing na estudyante.
I hope we're going hunt. Ang boring na kasi ng klase sa fourth years, I did advance readings kaya alam ko na ang lahat ng lessons.
I read them in advance kasi bored ako at walang ibang magawa. Tsaka pinilit din ako ni Nyphe. "Yung reyna andito."
Napatigil naman ako sabay taas kilay, what? My great aunt is here? "Andito din ba yung hari?" umiling naman si Nyphe.
Well f*ck. "Kailangan ko pa bang batiin siya? Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya."
Wala din naman siyang blessing pero she's a Queen. "Keep it together, kahit under ako sakanya, ayaw ko din sakanya ok?" sagot ni Nyohe.
Super daming tao ang pumapalibot don, nung lumapit kami... Kitang kita ko ang aunt ko na may kung ano anong ornaments sa katawan niya.
I'm sure andito siya para sa anak niyang may reklamo na naman. The students started to scatter nung narinig nila ang bell. Pero I still went to greet this clown queen.
"Greetings, Queen." napatahimik naman ang lahat nung bumati ako. Kailangan kasi kahit ayaw mo, since she's related to you kailangan mong maging respectful.
"Oh, you're here. Greetings..." at doon na nga, nagsimula na naman ang pagiging judgmental niya. "Disgrace."
I smiled naman nung narinig ko ang huling bulong niya sakin, hindi niya nilakasan kasi she has an image to keep.
"Your highness, let's go." sabat naman nung kasama niyang butler. "Princess Lux is waiting-
"How about Lord Dasher? Asan siya? Bakit hindi niya ako binati?" napakagat naman ako ng labi. This piece of-
"Pasensya na mahal na reyna pero the Lord is busy." inilahad ng butler ang kamay nito at kinuha naman ng reyna ang kamay para alalayan siya papunta sa loob.
"Hmp... mabuti sanang si Lord Dasher ang andito para batiin ako. But instead it's his bratty sister, tara na nga. Naba-bad mood ako."
I just continued smiling, sabay naman kaming nagbow ni Nyphe nung umalis na siya. Kahit na ayaw na ayaw ko sa relatives ko.
I still have to respect them kahit labag sa kalooban ko, bukod sa mataas ang status nila samin. They're also our only family left.
Kumakapit padin ako sa kasabihan na 'Blood is thicker than water.' I'm already in the edge actually, I'm almost letting go.
BINABASA MO ANG
Chasing the Famous Demon Prince
Viễn tưởng"They say curiosity killed the cat, they forgot cats have 9 lives. If curiosity kills me, I still have 8 lives left." -Dethyria Javier