Chapter 51: Don't Involve Him

1.6K 96 2
                                    

Agad ko naman iyong binasa, 'Come back, Mother Calypso is in danger.' Napaawang naman ang bibig ko. Well sinabi nga ni Lamia na under siya sa ama niya.

Maybe she can't do anything, agad naman akong bumalik sa loob ng bahay ni Lyf. Gusto ko sanang sabihin sakanya na aalis ako.

But he seems lively pag andito ako, "Angel, halikana't kumain na." hindi ko maiwasang magdalawang isip. Am I going to involve him on this?

Nah, it's my own problem so hindi ko nalang sasabihin sakanya. I'm going to fix this, marami ng naitulong si Lyf dito.

Atsaka involve ang ama niya, I don't want him to be seen by his father and got dragged back. Naalala ko pa naman ang kwento ni Lamia sakin.

She said her father was doing everything to get Lyf back, pero nagpatuloy lang si Lyf sa pag ignore. Lamia also said na may giniba na kung anong importanteng bagay-

Ang ama nila just to bring Lyf back. I think it's a thing that involves his mother? So hindi ko nalang sasabihin kay Lyf to.

Madali lang to, mamadaliin ko to. I'm going to bring him back sa village namin pag tapos na ang lahat. I just need to get involve with the angel and demon races a little.

"Prince Lyf, pano mo nalaman yung pangalawang blessing mo?" tanong ko sakanya, he was serving food for me. Marami rami nga siyang niluto.

"Angel, I'm not a prince anymore." Mahinang sabi niya at umupo na sa harapan ko, I just shrugged at kumain na. OH- ang sarap.

"I didn't mean to learn it actually, bago ko lang natutunan ito." Napatigil naman ako sa pagnguya. So he really did just learn the second blessing.

Pero pano? He learned it like just nothing, pero I practiced mine for weeks nung last 10 years. "P-paano?"

"Tinulungan kitang nagpractice remember? I... just casually learn it? hindi ko din alam." Sagot niya, he seems honest.

Napaisip naman ako, he managed to learn it quickly by just observing me learning it sa nakaraang taon. Mabilis niya ding nalaman kung anong klaseng blessing ito.

I tried to see the information sa second blessing niya and tama nga na imagination blessing ito. How did he learn that so quick?

Hindi ko maiwasang hindi ma suspicious... not to Lyf but... to some people. Is Lyf naturally talented? Or powerful...? or both?

Since good blessing ang imagination blessing niya eh hindi naman masyadong Malala ang flaw niya. Also, I was also worried kung bakit hindi ko masteal ang blessing niya.

Why... can't I steal his blessing? Napatitig naman ako kay Lyf, somehow nagka-idea ako. "Angel? Are you not eating?"

"Ah sorry, by the way. Ok lang ba na aalis ako saglit?" tanong ko sakanya. "babalik din ako agad-"

"I'm coming with you." agad na sabi niya, as expected he won't be leaving me. Pero hindi ko muna siya papuntahin sa village ko.

"Lyf..." hindi ko masabi ang sasabihin ko, somehow, I feel bad. Kaso I don't really want him to go there muna.

He stared at me na para bang binabasa ang nasa mata ko, he sighed and said. "As long as you come back. Kung hindi, hahabulin kita."

Ngumiti naman ako sakanya at tumango. "Babalik ako don't worry." Pagtapos naming kumain ay umalis na ako.

He still looks worried pero he seems to trust me. Agad naman akong tumakbo paalis na, I need to get back quick.

(Village)

When I arrived ay nakita ko ang ibang villagers na parang natataranta na ano. "Anong nangyari kay Mother Calypso?"

Tanong ko agad, lumapit naman si Phoebe. "She got captured by the angel and demon race. Gusto nilang pumunta tayo don."

Napaawang naman ang labi ko, narinig ko na ito kay Lamia but it seems it getting out of hand. "Mukhang nalaman nila ang uri natin by Mother Calypso."

Phoebe added. Bumuntong hininga naman ako, looks like Lamia can't do anything now. Wala na talaga kaming choice.

"Bakit ba kailangan pa nating pumunta don? We didn't do anything to them." Sabi ng isa sa mga villagers.

"I have a hunch na gagamitin na naman nila tayo." Villager 2.

"Anong gagawin natin Leader? We can't just leave mother Calypso?" Klein asked naman.

"We'll go if that's what they want, I need 3 people. Dito lang ang iba to protect the village." Tumango naman ang lahat.

Kinuha ko si Phoebe, Klein and another girl who's good at defense and fighting. "Paano nila nalaman na andito tayo? Did Mother Calypso leak too much info?"

Tanong nung babae, her name is Yasi. "Probably yes, may naghulog din kasi ng sulat." Sagot ni Phoebe at ibinigay sakin ang sulat.

I read it naman and its just what Phoebe said. Papuntahin kami doon sa kingdom nila. "B-bakit naman gagawin ni Mother Calypso yun?"

Tanong ni Klein, "She's that one-person na hindi magre-reveal kung nasaan tayo." Hinawakan naman ni Phoebe ang balikat ng asawa niya.

"I'm sorry, I know this is late... pero when I went on a night patrol. May narinig akong sinabi niya about 'Everything is according to plan'." Phoebe explained.

We all stared at Phoebe dahil sa paliwanag niya. "I know it sound unbelievable, I heard it the day before she left. Akala ko wala lang yun..."

"Pero ngayon, it all make sense." Hindi ko naman maiwasang hindi mapaisip, Calypso... a traitor? Nah, she won't...right?

"Don't say that, Mother Calypso helped us for many years now. I'm sure may explanation siya." Sabat ni Klein.

"Tama, she won't do this for nothing. Baka nga may reason." Pag-aagree ni Yasi, hindi nalang ako nagsalita.

I was busy thinking and finally have an idea. It's all coming together somehow... alam ko na kung sino siya. I'm not sure pero I will try.

"Mauna na kayo don sa entrance ng kingdom, susunod lang ako." Sabi ko kina Phoebe. Agad akong umalis para puntahan si Lyf, I have a plan.

Chasing the Famous Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon