Chapter 6: Demonique Academy

2.2K 144 1
                                    


"As you can see this magic border separates us with the demons."

Yeah, no sh*t, ano ba ang punto niya? He's already stating the obvious. Actually, this border is also like the concrete wall na pumapagitna ng school.

Pero this time it's magic, bawal kang makapunta sa other side dahil it's a restricted. The magic might actually kill you.

Tinatawag din itong restriction border, walang pumpunta dito kasi nga restricted duh. Common sense namaaan!

Believe it or not kahit may pagka-dare devil ako. First time ko pang nakapunta dito and first time ko ding nakita ito sa personal.

I only see it in ball orbs or book pictures. Pero seeing it sa personal makes me feel excited. Sayang, sana pala pumunta ako dito ng mas maaga.

I could have studied this magic and malaman kung anong spell ang ginamit para buoin ang barrier na to. Pero syempre kapalit na don ang buhay ko.

Baka nga ma deds pa ako bago ko malaman kung anong spell gawa to pag nalaman ni kuya ang mga pinagagawa ko ano?

"Pero ngayon na magkakaisa na ang anghel at demonyo." He snapped his fingers.

And a person appeared on the other side. A DEMON! Hindi naman sa first time ko makakakita ng mga demonyo, it's just...

Seeing one closer makes me want to kidnap- este study! Study pala hehehehehe. I mean nakita ko naman si famous prince ng mas malapitan nung nag-aaway kami.

Kaso, I can't kidnap a strong as$ed prince naman diba? I mean nakita niyo naman kung gaano siya kalakas.

"This is Lord Ares Rivery, ang headmaster ng Demonique Academy."

"Greetings children." Bati nung demonyo, he's a headmaster too? parang magka-same age lang sila ni kuya ah. "Now Lord Dasher, should we open the border?"

Tumango naman si kuya as a response. A teacher na kasama namin ay may ibinigay ni kuya na box, binuksan naman iyon ni kuya.

And he handed out a key? Parang ancient looking key ang disenyo. Wait actually parang nabasa ko na iyan somewhere?

Both kuya and this headmaster raised their hands at sabay na itinusok ang susi in both sides sa transparent border.

Then it opened, when the magical border disappeared. Doon namin nakita na may mga estudyante din pala sa likod ni Headmaster Ares.

Nakalinya sila tulad namin. My eyes immediately caught him, the famous demon prince! Sinong mag-aakala na magkikita ulit kami in a short period of time?

Actually nage-expect ako nab aka mga ilang weeks ko pa siya ulit makikita. Pero MWAHAHHAHA may plano ang destiny sakin.

Nakita ko naman ang palihim niyang pagtingin sakin. OH DIBAAA! HE STILL REMEMBERS ME! Agad naman akong ngumiti at kumaway.

Wala naman siyang reaksyon kaya napanguso ako, pero a thought came in my mind and decided to mouth it to him.

'You should smile more mas gwapo ka pag ganon!' hindi ko alam kung na-gets niya yun.

Akala ko nga eh iiwas siya ng tingin para iwas atensyon but instead sinamaan niya ako ng tingin. Pinigilan ko namang hindi matawa.

So, he did get my message!

Unexpected reaction from an unexpected person. Magsasalita sana si kuya kaso may naramdaman naman akong hindi tama sa paligid?

Bloodlust? Huh? Doon ko napansin na tense pala ang both angels and demons. Since may history sila na magkaaway noon, this reaction is already expected.

Syempre lahat ng anghel at demons ay on guard and both eyes are sharp. Ready to strike sila in case may gagalaw ng masama and offensive.

I'm not really that tense, I sense danger when I sense one. Cautious lang masyado ang lahat and it's ok.

"Calm down." pagkasabi non ni kuya ay agad umayos ang mga demonyo, pero the angels were still on guard and ready to strike.

Mas obedient pa ang mga demonyo kesa anghel. Seeing them today, mukhang mas pormal pa nga sila kesa saming mga anghel.

"No need to be so tense students. After all, magkakaisa na ang mga anghel at mga demonyo." Pagpapakalma ulit nung headmaster Ares sa lahat.

May nagtaas naman ng kamay sa mga demonyo, oh? It was the famous demon prince! Agad namang nagsparkle ang mga mata ko.

Syempre all eyes ang lahat ng anghel, I mean he's popular afterall. Hmmm? Ngayon ko lang napansin ang dami ko palang kaagaw.

Hindi lang ako ang nagsa-sparkle ang mata. Palihim naman akong napasimangot, bawal namang magka-relasyon ang anghel at demonyo ah.

Never in history na may demonyo at anghel na nagkasama or something. Kung meron man, it's gonna be forbidden love.

Atsaka it's not like this guy loves to be in relationships. Teka bakit ako nag-iisip tungkol sa relasyon? Wala din naman akong plano sa mga ganyan hays.

"Since andito tayo sa forbidden border, are we going to hunt?" tanong niya at sabay naman kaming napatingin kina kuya at headmaster Ares.

"Quick thinking Prince Lyford." Sagot ni headmaster Ares sabay tingin kay kuya. Nakangiti namang tumango si kuya.

"Our plan is supposed to put both angels and demons in groups." Dagdag ni Headmaster Ares. Bigla namang lumakas ang bulungan. Pero mostly galing ito sa mga anghel.

Demons refrain their voices na para bang takot maparusahan. Hmmm? May strict rules ba sila? Naka-poker face lang din yung prinsipe na naghihintay ng sagot.

"Gusto naming masaya ang mangyayaring hunt ngayon. Since today is such a marvelous and a rare event..." sabat ni kuya kaya napatingin naman ang lahat sakanya.

"We decided na magha-hunt ang lahat by pair." Lahat naman kami ay napatahimik. Ano daw? "Angel-demon pair. The pair with the most hunts, wins."

Napanganga naman ang lahat sa dinagdag ni kuya. "WHAT!?" sabay sigaw ng both sides. My kuya just smiled and headmaster Ares nodded.

BY PAIR?! Sa mga anghel at demonyo? Hindi ba sila nag-iisip? It can cause casualties, pero isn't this a rare opportunity for me? I smiled playfully, finally another opportunity.

Chasing the Famous Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon